Of Information Overload and Copy Paste

Infobesity (Information Obesity) is the nickname for Information Overload popularized by Alvin Toffler in his bestselling 1970 book Future Shock. It refers to the difficulty a person can have understanding an issue and making decisions that can be caused by the presence of too much information. (Wikipedia) Sa panahon ng internet lahat ng tao saan mang panig ng mundo ay may kakayahan na to acquire, disseminate, create and even alter information. Nakakabasa, nakakadiskubre at nadadagdagan ang kaalaman ng tao through the World Wide Web. Nasa panahon tayo ngayon ng Infobesity kung saan sa dami ng nakukuhang impormasyon, hindi na natin maunawaan kung alin ang paniniwalaan, or which are to be embraced as facts. Katulad ng obesity, nagiging tamad na ang tao na magsaliksik in a scientific and logical way. Ang mga kabataan at estudyante sa ngayon ay naging information obese dahil naging way of their learning life na ang “cut and paste” mentality. Without taking any effort, ang mga nagiinternet ay napakadaling magkaroon ng access sa anumang ideya tungkol sa anuman at sinuman.

Facebook, Twitter, Google, Yahoo, emails has ruled our lives. Noong una, ay somewhat acceptable, kasi these can be viewed only when you are in front of the computer. Pero, sa pagbuhos ng teknolohiya, ang mga makabagong gadgets tulad ng cellphones, tablets at maging ang pangkamay na relo ay may kakayahan na makakonekta sa mga social networks, emails, research sites, news, showbiz, even manuod ng tv.. virtually making everyone slaves of the technology.

Gone are the days of the physical games of our youth. Gone are the days when we have to perspire it out in doing researches sa mga libraries, making interviews sa mga resource persons, using our hands in painting, drawing, sketching, our physical skills in playing basketball, tennis, billiards, football. Gone are the days in greeting our parents with a kiss in their hands, with our friends with a peck on their face, with our love ones with a warm embrace. What everyone does is just copy and paste or share a photo or a note from the likes of lovelifesayings and quotes, healinghugsphotos, mgapatama.com, bongongquotes, atbpa, without even understanding kung ano ang sinasabi o ang tunay na nilalaman ng mga copy pasted or shared na mga ito. The real feeling and warmth of personally greeting the person are not there.

Too much of these information and time spent in sitting in front of computers or tinkering gadgets could be quite risky and dangerous if not done responsibly. Hindi dapat alisin ng tao ang personal (iyong harapan, hindi through any media of communications), na pakikipagtalastasan at maging sensitibo sa mga prayoridad sa mga kinukuhang impormasyon na maaring makaapekto sa kanilang buhay. Sapagkat ang anumang bagay na magiging daan upang magkaroon ng intellectual development ay maari ring maging maling daan sa ikapapahamak ng ating sarili. “Curiousity killed the cat” sabi nga at itong curiousity na ito ang nagiging dahilan upang tayo ay maging bulag sa mga impormasyong akala natin ay mahalaga pero natatambakan naman tayo ng mga walang kabuluhang datos.

Kapag tayo ay naglog in sa Facebook, nakikita natin ang mga kalagayan ng ating mga kaibigan, kakilala o grupo, nagkakaroon tayo ng link sa mga nakakatawang larawan, kuwento o sawikain, nakikidigma tayo sa mga empires, gumagawa tayo ng sarili nating bukirin o lungsod, pinapuputok natin mga lobo, inaarrange natin ang mga alahas o nakakabasa tayo ng mga overdramatic na mga hinaing at pahiwatig ng puso. Click lang ang katapat ng mga ito. Pero, ang mga ito ba ay kailangan natin sa ating buhay, sa ating personal na pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng kaalaman?

Kaya nga noong binaha ang metro manila nitong buwan na ito, ako ay nalulungkot sa mga nakikita ko na mga Copy Pasted o Shared na mga panalangin, pagtulong kuno, pagdamay sa Facebook. Hindi kailangan ng mga kababayan natin ang Facebook, lalo na kung copy pasted lang iyan, walang sinseridad. Ang kailangan nila ay konkretong pagtulong, solido, nakikita, nadadama. Hindi makakain ang FB, hindi makakagamot ang FB, hindi matitirahan ang Cityville o makapagbibigay ng karne at gulay ang Farmville. Lalo pa akong nalungkot ng ang aking post na konkretong pamamaraan ng pagtulong through donations na KAHIT SAMPUNG PISO through texts sa Red Cross ay wala pang sampu ang nagLIKE at marahil out of them ay isa lang ang nagsend ng tulong kahit sampung piso.

Ang infobesity ay narito na kultura ng mundo noon pa mang unang panahon. Sa aklat ng Mangangaral 12:12 ay sinabi “Anak ko, mag-ingat ka sa mga bagay na wala rito. Hindi matitigil ang paggawa ng iba’t ibang aklat, at ang labis na pag- aaral ay pahirap sa katawan.”

Tulad ng anumang bagay, ang labis ay nakasasama sa katawan at isipan. Nalulunod ang kaisipan, ang pantunaw, ang panlasa, ang puso at ang hininga sa mga bagay na sobra.

What we need to do is feel, think and act “personal”.

Copy paste has no feelings.

Too much information is confusing. It is mind blowing.

—-00000—-

“Too many messages multi media sponge . Too many to address i guess. You could say  I’m out lunch. Internet tells me what to think. I don’t even realize i know nothing. Nothing at all. Can’t make up my mind one way. Or the other information overload.” – 28 Days

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s