Sulking? Misunderstanding? Slighted Feeling? Tampuhan na lang. Hirap Inglesin

Nakakatuwang isipin ang mga mumunting tampuhan sa isang samahan, lalo na kung malalaman mo na ang magkakasama ay mga pamilyadong tao at nasa 35 years old na pataas. Akala ko ay sa mga bata lang nangyayari ang tampuhan o paglalambing.

Sa loob man o labas ng aking work, mayroon akong mga kaibigan na laging nakakasama at kajamming ika nga. At siyempre dahil kapalagayang loob mo na, nagkakahingahan ng mga problema at nagsishare ng mga pangarap, lalo na kung tungkol sa mga anak. 90% ng mga nagwork dito ay hindi para sa sarili ang ginagawang pagtitiis, kundi para sa mga mahal nila sa buhay.

Isang kaibigan ko ang tinawagan ko para sabihing pupunta ako sa office niya. Dati siyang manager sa isang Engineering and Design Company, pero lumipat siya sa isang manufacturing company. Halos once a week ay dumadaan ako sa office mula pa sa Engineering & Design hanggang sa paglipat niya, pero medyo dumalang na nga in 2011 dahil sa medyo naiba ang aking assignment at ang huling kong pasyal sa office niya ay mga 8 months na ang nakakaraan.

Nabigla siya ng ako ay bumungad sa pinto ng office niya at ang agad na sinabi ay “ano pong kailangan nila, hindi po araw ng ahente ngayon, sa December na kayo bumalik.” Halata ko ang pagdaramdam sa kanyang boses.

Sinagot ko siya ng “di po ako ahente, hihingi po ako ng tulong sa inyo.”

Sagot niya “di rin po kami charity institution, sa iba na lang kayo pumunta.”

I retorted back “taragis ka naman, para kang bata, patampo tampo.” After which he stood up and hugged me. He told me that nagkasakit siya at naospital na di ko man lang nadalaw. Iyon pala ang ipinagtampo niya ng husto sa akin. Tapos hihingi pa raw siya ng advise sa akin tungkol sa isang product line na gusto nilang pasukin, e di naman ako nagpakita. Ni text ay hindi man lang daw ako nagtitext.

Sabi ko sa kanya ay si “tampong purorot” ka. Sagot naman niya sa akin “utot mo.” Ang baho namin ng araw na iyon.

Napakagandang feeling itong ibinigay sa atin ng Diyos. Pakikipagkaibigan at ang diwa ng paguugnayan at pagtatalastasan. Mga problema ay naiibsan at ang katuwaan ay naisishare ganun din ang mga pangarap.

At maging ang mga kalokohan.

—-00000—-

“Naalala ba ang nakaraan? Wag sanang kalimutan ang ating samahan utol anong balita sa iyo, kamusta na? sa tagal na di nagkita, ang buhay ayos pa ba?” – Target featuring Ezy

4 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s