Thinking Out Loud on a Weekend

INFLATION

I went to the supermarket for my week’s grocery and also to fix myself pick-yourself vegetable and fruit salad. I was surprised at the price of Cooking Oil. This is the second time this year that it has increased. When I came back from vacation last May, the price for 1.8 liter pack is SR 15, from SR 12.5 or 20% increase. Now, it is SR 17, so, from May it rose to 36%. Sabagay, ang Cooking Oil sa akin tumatagal ng kalahating taon, medyo mabilis lang ngayon dahil mga kasama ko mahilig sa prito.

Ang indicator ko ng inflation rate dito sa Saudi ay ang presyo ng Bigas at ng Cooking Oil. So, ang 6.7% na annual salary adjustment sa maraming kompanya rito ay pang-asinta lang sa epekto ng inflation. Hindi pa rin makakadagdag sa ipinapadala sa pinas ng ordinaryong empleyado.

Thinking Out Loud: Paano pa ang pagtaas ng bilihin sa pinas? Paano makakaafford ang mga kababayan natin?

RESTAURANT

Weekend, as usual, maraming Pinoy ang naggagala sa sentro ng bayan. Inaya ako ng kasama ko na mag Lomi sa Pinoy Restaurant. At as usual pa rin, maraming kumakaing Pinoy dahil weekend. Hiwalay ang dining room ng Bachelors at ng Family. Me isang grupo ng 4 na malalaking tao ang napansin ko na ang order ay Crispy Pata (baka / beef – ito ang version dito), Kaldereta, Hipon, Tapa at Sinigang na Baka at sangkatutak ang kanin. Parang ipagbabawal kinabukasan ang pagkain ng macholesterol. Sa isang banda naman ay puro sizzling ang order. Isang Linggo kakong sabik sa pagkaing pinoy kaya ganoon. Sa kaliwa ko naman ay isang couple (lalaki sa lalaki) ang sweet na sweet pa sa pagsusubuan (hmmm, after kayang kumain, ano ang isusubo?). Hindi kaya sila puwede sa Family Room?

Puno ang restaurant. Ang bagal ng dating ng order. At ang 14 inches na old fashioned TV na nasa itaas at halos di mo na maaninaw ay 24 Oras ang palabas. Nakapagsalita tuloy ako, “mag 2 years na ang restaurant na ito rito, ang laki laki ng kinikita, di makabili ng isang 32 in na LCD TV, kahit na ung mumurahing brand.”

Thinking Out Quiet: Typical na eksena nang mga Pinoy trying to make a Pinoy environment sa ibang bansa.

GADGET

Overheard ko sa me labasan ng Lulu Hypermart, dalawang Pinoy ang naguusap.

Apple iPhone 4
 

Pinoy 1: “Pare, noong uwi ko last April, sumama ang loob ko sa dati nating kaklase na si Rollie.”

Pinoy 2: “Si Rollie ba pare na nasa Riyadh, iyong Manager ng isang Factory doon?”

Pinoy 1: “Oo pare, napahiya ako sa reunion natin pare. Buti nga wala ka roon.”

Pinoy 2: “Anong nangyari pare?”

Pinoy 1: “Naguusap usap kami ng katropa natin noon pare, sina Abner, Lito at iba pa, doon nga sa reunion, kasama siya, nagtext si Misis sa akin. E di inilabas ko cellphone ko para basahin ang text.”

Pinoy 2: “Paano ka napahiya.”

Pinoy 1: “Nakita ni Rollie na Samsung Corby ang cellphone ko, sabi ba naman sa akin, Pare, dapat iPhone ang cellphone mo, sabay pakita ng kanyang iPhone, kakahiya naman para iyan. Nag-Saudi ka pa kung iyan lang ang cellphone mo.”

Pinoy 2: “Sobra talaga kayabangan ng taong iyon. Naging manager lang dito sa Saudi e tumindi na ang hangin sa katawan.”

Sa isip ko, maraming ganyan dito. Nagkapuwesto lang dito ay iba na ang ugali.

Thinking Out Loud: Pakialam ko ba. At bakit ba ako nakikinig sa kuwentuhan ng iba.

PASALUBONG

Ugali ko na kapag galing sa bakasyon, ay nagdadala ako ng pasalubong sa mga kaibigan ko rito, pinoy man o ibang lahi. At noong mga nakaraang taon, ang dinadala ko ay uniform ng basketball sa mga kalaro ko at t-shirt na may tatak ng Tagaytay, Cebu, Davao, Baguio o Philippines. This year, naisip ko na T-shirt na me collar pangtennis naman ang dalhin ko. Pero last minute, nagdecide ako na T-shirt with collar at patatakan ko ng pangalan ng kompanya namin. Dinagdagan ko na para sa ibang lahi na nakakatulong at naging friendly sa mga Pinoy sa aming kompanya.

Tuwang tuwa sila at ginawa pa itong pamasok dahil nga presentable at ipinagmamalaki pa nila na galing sa akin at me logo pa nga ng kompanya. Hangang me pumasok na intriga. May nagsabing hindi raw iyon official na uniform e bakit daw isinusuot. Na sinagot naman ng iba na, at least may logo ng kompanya, samantalang 95% na ng pumapasok sa kompanya ay iba’t iba ang suot. Wala na naguuniform o may tatak man lang ng kompanya. Ipinagtanong kung kanino galing at nang sinabing sa akin galing, ang naging conclusion ay galing sa Marketing and Business Development which is an insinuation na pondo ito ng aming Division.

Ito ang T-shirt na iniintriga

So, I talked to some people na hindi nakakaunawa and told them “galing iyon sa bulsa ko, sarili kong pera, pasalubong ko tuwing ako ay magbabakasyon bilang pagkilala sa pakikipagkaibigan ng mga kasama ko, hindi na iyong kasama ko sila sa trabaho, kundi bilang kaibigan ko.”

Naisip ko, “bakit ang ibang tao, pag gumawa ka ng kabutihan o magandang pakikitungo sa kapuwa mo, pilit na gagawan ka ng intriga o issue.” Kasi, hindi ko raw sila nabigyan, sagot ng mga kasama ko. Hmmm.. tawag diyan CRABLETS. Dapat binuburo, burong talangka.

Thinking Out Loud: So what else is new? Ganyan din sa dati kong kompanya. Banned ang paggawa ng mabuti at pakikitungo sa kasama sa trabaho. Ang pakikisama ay measured in terms of pakikipag-inuman, sosyo sa kalokohan, kasapi sa palusutan at pagkakaperahan.

LONGGANISA

A friend had nothing but all praises sa aking ginawang longganisa. Ang sarap daw at talagang ipinagmalaki niya sa mga kasamahan niya na galing sa akin. Tinanong niya ako kung paano ito ginagawa. Sabi ko basahin mo lang sa aking Blog, sa Clinquantlife kung paano at madali mo itong masusundan.

Nagkita uli kami after 2 months, at humihingi uli sa akin ng Longganisa. Tanong ko, di ka ba nakagawa? Nabasa mo ba ang blog ko?

Sagot niya, “Oo, nabasa ko ang paraan ng paggawa. Kaya lang ang hirap sundan. At saka bibili pa ako ng mga sangkap. Buti na iyong galing sa iyo. Di na ako magpapakahirap. Di na ako magagastusan. Mapagkawanggawa ka naman e. Malaki naman sahod mo. Ipaggawa mo uli ako ha. Kunin ko next week.”

Think Out Quiet: Attitude mo friend. Attitude mo.

—-00000—-

“I don’t know. How I feel. Maybe I’m mad. Or maybe I’m proud. Can’t find the truth. Can’t speak my mind. Don’t know what I say. I’m just thinking out loud. Thinking out loud.” – Lesley Roy

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s