Pinoy is Pacman. Pacman is Pinoy

Sinamahan ko ang kaibigan kong Indian sa kilala kong Optical Shop  sa bayan para magpagawa ng eyeglass. Mura lang kasi rito at maganda pa ang quality. Pagkatapos na makapili ng angkop na frame sa kanya at sinabing balikan namin ang eyeglass after two days, dumeretso muna kami sa Thrift Shop para bumili ng adaptor ng plug ng gamit sa opisina.

Mahaba ang pila sa cashier ng ako ay magbabayad at may isang Indian na bigla na lamang sumingit sa may unahan ng isang Pinoy. Natural, sa hirap ng pinaghintay sa pila tapos bigla ka sisingitan e magagalit si kabayan. Una, kabastusan iyon at ikalawa, sa putok na malalanghap mo sa unahan mo. At obserbasyon ko lang, talagang ganyan ang mga Indian, hindi pumipila at medyo mga makasarili talaga.

Sinabihan ni Kabayan ang Indian na pumila sa likod pero hindi ito tumitinag. Ang ibang nakapila ay sinabihan din siya, pero di pa rin umaalis. Nagalit na ang Pinoy, at hinawakan sa braso ng mahigpit at sinabihang “you do not understand falling in line, hah!”. Sumagot naman iyong Indian na, “I hurt! You bad!” Nagpanting na si Kabayan at itinulak palabas sa pila ang Indian.

May isang may kalakihang Indian ang sinaway si Kabayan at sinabihang “you haram sadik, you look for trouble?” Me isang pinoy naman ang sumagot “yes, I am looking for trouble.. you want to fight?” at umakmang lalapitan ang pakialamerong Indian. Takbo si pakialamero at si Boy Singit naman ay tiklop kamay na pumunta sa hulihan ng pila.

Nang pauwi na kami, tinanong ako ng kaibigan ko kung alam ko kung bakit natakot ang Indian sa Pinoy.

“Why?” ang tanong ko.

Sumagot siya, “because, we think all Filipinos are like Manny Pacquiao, very good in boxing, in fighting hand to hand.”

Napatawa ako sa sinabi niya. Ayos din pala ang ginawang image ni Pacman, ang tingin sa mga Pinoy ay boxers lahat.

Di ko lang naitanong kung ang tingin din nila sa Nanay ng Pinoy ay si Mommy Dionisia.

Itatanong ko na lang kay Jinkee…

—–00000—–

“You’ve made a lasting impression, and if it doesn’t feel right, then I just can’t go wrong.” – The Starting Line

Mapalad pa rin ang Pinoy

Bilib ako sa kanya kasi ang tingin ko e kakaiba siya sa mga arabo pagdating sa trabaho. Masipag, magandang makipagusap, efficient at mataas ang kalidad ng kanyang trabaho.

Siya ay isang Engineering Technician na nakaassign sa aming manufacturing. Mabait at maasahan siya sa trabaho at naroon ang sigasig na matuto ng mga bagong technology at bagong produkto. Maaasahan ng aming Sales Engineer na maayos ang pagpapaimpake at pagpapadeliver ng mga gawang produkto ng aming kompanya.

Nitong nakaraang Linggo, nagkaroon kami ng isang exhibit ng bagong produkto sa isang Forum ng Oil and Gas companies dito sa Al Khobar. Katulong ng aming Service Manager na inayos nila ang aming booth at sa buong duration ng exhibition ay naroon siya sa booth at nakaalalay sa anumang pangangailangan at inquiries ng mga visitors na arabo.

Noong ikatlong araw ay sabay kaming naglunch, dahil ang ginagawa namin ay daladalawa kung maglunch para may maiiwan sa booth. Doon ko napag-alaman na di pala siya Saudi national kundi isang Palestinian, na dito na sa Saudi ipinanganak. His parents migrated to Saudi Arabia in 1969 na resulta ng kaguluhan sa Palestine na nagpeak doon sa tinatawag na 1967 Six Days War.  Israel took over the West Bank from Jordan and the Gaza Strip from Egypt, practically cutting all ability of the Palestines to establish any control on the ground. Kaya ang mga Palestino sa pangunguna ni Yasser Arafat ay nagtatag ng kanilang headquarter sa Jordan na naging tahanan ng maraming Palestino.

Gaza is the largest city in the Palestinian territory

Ang pamilya niya bagama’t nagmigrate na sa Saudi ay di nakamit ang pagiging Saudi national.  At di rin naman sila makabalik sa Palestine dahil nga nadenounce na nila ang kanilang citizenship. Sinabi niya sa akin na napakahirap ng kanilang kalagayan. Oo nga at nakapagaral sila rito, nagkaroon ng chance na makapamuhay at makapagtrabaho, pero hindi sila puwedeng mag-asawa ng Saudi dahil nga Palestino pa rin ang nationality nila. Hindi rin naman sila makapag-asawa ng kalahi nila rito dahil di puwedeng ikasal sa bansang ito ang kanilang lahi. At hindi rin naman siya puwedeng mag-asawa ng galing sa Palestine dahil di naman siya puwede manirahan doon at di rin puwedeng dalhin ang magiging asawa niya rito.

Doon ko naisip na napakapalad nang mga Pilipino. Malaya, nasusunod ang mga gustong gawin, may boses na mambatikos, makibahagi sa mga isyung pulitikal at maging sa pagpapatkbo ng bansa. Heto ang isang Palestino na sabik na hinahanap ang kanyang identity, ang kanyang bansa, ang kanyang lahi.

It turns me into hoping, sana mahalin ng mga Pinoy ang ating kalayaan at gamitin sa makabuluhang gawain para maging maunlad ang bansa at patuloy na maging malaya.

By the way, one of his cousins married a Filipina.

—-00000—-

“Brother You can’t lose that feeling, You can’t give your life away. Like a bird of freedom, You ain’t got no dues to pay.” – Seals

TINIK AT ROSAS SA ATING SARILI

I am good in planting roses. Subok ko na iyan mula pagkabata pa. Kahit iyong mga pangregalong rose, puputulin ko lang iyong sa mismong bulaklak at itutusok sa lupa, tutubo na. Ewan ko kung bakit.

Kahit noong una akong magwork abroad, as Agricultural Research and Laboratory Manager ng isang malaking farm, ang boss ko ay isang Saudi Prince, panglima sa trono (kung buhay pa siya, pang-apat na siya ngayon), me ipinabungkal ako sa disyerto naming farm na about 60 sq meters plot, at installed with sprinkler – cum – drip watering system na tinaniman ko ng roses. At sa paligid nito ay about half hectare ng dates at iba’t ibang fruits like apple, pomengranate, figs, quince, pear, apricot, grapes, to name a few.

Ang magkaroon ka ng Rose Garden sa Disyerto ay isa sa mga tinik sa pagkakaroon ng magagandang bulaklak.

Pero ang pinakatampok nga ng tinawag naming Date Garden ay ang taniman ko ng rose na kinalugdan ng husto ng prinsipe, prinsesa at mga anak nila. Mga ilang tanim na natatandaan ko pa roon ay ang mga varieties (in groups) ng Hybrid teas like Betty White, Cajun Spice, Pink peace, Red intuition, the Grandifloras like Gold medal, Floribundsa like Intrigue, Pasadena Star at Polyanthas like Verdun, Lullaby. Of course, imported ang binhi na galing pa sa contacts naming sa Wageningen, Holland.

One of my Somali caretaker sa Date Garden remarked one day, “Beautiful flowers master, but why with many thorns. Too much painful to the hands before you cut beautiful flower.”

Ang punong ubas na ito na namumunga na ang ilan sa mga tanim naming prutas sa Date Garden.

I remember my reply, “You know Ali Noor, that is the sweetness of life. Any wonderful thing in life, any magnificent and beautiful thing you see and experience results from thorns. In every people’s life there is a rose. When we were born, God had already placed these roses – beautiful things in us, within us, and these grow into more marvelous and wonderful things despite of the thorns of our faults along our way of life.”

“I still don’t understand, if it is wonderful, why place thorns?” he insisted.

“That is the answer Ali,” I remarked. “We tend to see only the thorns, our defects, our failures, our inadequacies. It drives us to despair. How do you get these beautiful flowers despite these thorns? You water, you weed, you protect the leaves from pests, you put fertilizer, because your objective is to have beautiful flowers, not beautiful thorns. In the same manner, in our lives, we must nurture the gifts that God gives us, amidst the hardships and the hurdles we encounter in life. And we must be able to reach others, despite their own thorns, their faults, their mistakes, their imperfections, and find the roses within them.”

“Now, I understand master (by the way, “master” is how these guys address their boss), that is why despite the trouble in the world, you know even in my country, there is still people who cares, because of the roses.” was his intelligent reply.

Finding the roses despite the thorns in other persons is one of the real meaning of LOVE. Tinitingnan at tinatanggap ang kapuwa, at iniaangat ang kadakilaan ng kanyang pagkatao.

Tulungan natin ang ibang tao na makita ang mga rosas sa kanilang sarili, hindi ang mga tinik sa kanilang pagkatao. Sa pamamagitan nito mamumulaklak ang pagmamahal sa mundo.

—-00000—

“Where is love? Must I travel far and wide? ‘Til I am beside the someone who I can mean something to …Where…? Where is love?” – William “Oliver” Swoffor, Theme from Oliver

Magkatulad, magkaiba, dalawang ama.

Halos parehas ang kuwento ng dalawa kong kaibigan dito na si Dar at si Aram. Si Dar ay isang Design Engineer sa isang Design and Engineering Office dito sa Al Khobar, at si Aram naman ay Design Engineer din sa pinakamalaking Oil Company na nakabase sa Dharan. Dar is 32 years working na rito at si Aram ay 33 years. Pareho na silang nagretiro, pero bumalik uli dito after a year of retirement at aktibo na naman sa pagtatrabaho. And there lies the difference between the two, ang dahilan ng pagbalik after retirement.

Pareho na rin silang nakapagpatapos ng mga anak, na lahat ay may kanya kanya nang pamilya, parehong nag-aalaga na lang ng mga apo ang kanikanilang maybahay. Pero bakit pa sila bumalik after retirement?

Pareho silang sagad magtrabaho at napakasipag, iyon nga lang, ang kaibahan ni Aram, after work, pag hindi sa bahay ay nakikihalubilo siya sa mga kaibigan, samantalang si Dar ay maghahapunan sa restaurant sa bahay at plastado na pagdating ng bahay dahil sa pagod sa trabaho.

Their respective jobs entail analysis, concentration at masusing pagsiyasat sa mga detalye. Kaya kailangan talaga ay nakafocus ka sa ginagawa sa maghapon. Again, ang kaibahan ni Aram ay masayahin siya at nagientertain ng mga panauhing supplier, designer, contractor at kaibigan.

Namuhay nang maginhawa ang kanikanilang pamilya through the finances that both provide to their respective family. A respectable house, transport, food on the table, good education at iba pa. Sakripisyo ang ginagawa nung dalawa para lamang sa pamilya and both look forward sa kanilang retirement. Ikaw na ang malayo sa mga mahal mo sa buhay, iniwan mo ang anak mo na nasa grade school pa lang ang panganay at pagretiro mo ay apo na ang naghihintay sa iyo. Ang sabi nga nila pareho sa akin, “Hindi ko na nakita na lumaki ang mga anak ko, di ko naranasan na ako ang magturo sa anak ko sa paglangoy, sa pagtugtog ng gitara, sa paglalaro ng basketball, di ko na naranasan na ako ang takbuhan ng anak ko para gamutin ang sugat niya pag nadapa, ang kanyang katuwaan sa mga 100 niya sa exam, ang pagsasabi ng crush niya, kung ano ang pangarap niya, pagsasabit ng medal sa school, exchange gift pag pasko at makasalo sa noche Buena. Halos katumbas lang ng 2-1/2 years ang pinagsama naming ng aking mga anak hanggang sa sila ay magkapamilya.”

Nagretiro si Dar noong 2008 at si Aram ay noong 2010, pero bumalik dito after a year.

Noong umuwi si Dar, siya ay nagkasakit ng malubha, siya ay naoperahan at for 1 month ay nakaratay. Ang kanyang naipon ay naubos, at nakapagbenta pa sila ng ilang ari-ariang naipundar nilang mag-asawa. Ang kanyang mga anak ay may kanya kanyang pamilya na. Ayaw naman niyang umasa sa mga ito. Sumulat siya sa kompanya at siya ay nahire uli at bumalik nga siya rito para makaipon uli.

Si Aram naman ay maayos ang kalusugan at palibhasa ay masayahin at palakaibigan, maganda ang naging takbo ng kanyang buhay at katawan. Pero dahil nga sa matagal siyang nawala sa pinas, di niya alam kung paano iadjust ang sarili sa kapaligiran. Nabagot siya, nainip sa walang ginagawa at sharp pa rin daw naman ang isip niya, bumalik siya rito through a Contractor at inassign siya sa dati niyang work.

When I visited Dar, sabi niya sa akin “Pards, payuhan mo mga kababayan natin na pag narito, tanggapin na ang sitwasyon ng pagtatrabaho dito, huwag na maging mabugnutin, homesick, o lungkot. Magexercise, magsaya, give time sa sarili para makisalamuha sa kapuwa. Narito na tayo e, bakit ka pa maghohomesick. Tayo ang gumawa ng paraan ng ikaaalwan ng ating kalooban, hindi ang ating paligid. Huwag silang gagaya sa akin. Trabaho trabaho. Pag-uwi, kakain lang, nuod konti palabas, tulog na. Kinabukasan, kain lang, pasok na. E ang trabaho ko pa nakaupo lang. Doon ako tinamaan ng sakit. Lungkot plus walang exercise. Deadly combination.”

Si Aram naman ay ito ang sabi sa akin, “Mahirap pala ang puro ka trabaho at nasa ibang lugar pa. Pag nakaisip ka na magpahinga, doon mo marerealize na sa tagal mong nasa ibang environment, di ka na makaadjust. Hinahanap na ng katawan ko ang dati kong work. Advise ko lang sa iba, make the most out of your work. Learn. Educate yourself. Exercise. Kung ano ang ginagawa ng mga anak sa pinas, pag-aralan na makaadapt. Laging alamin ang nangyayari sa pinas para pag umuwi ka na for good ay alam mo na ang gagawin.”

Two great fathers. Two great sacrifices. Two great loves. Two lessons in life.

—-00000—-

“And feed them on your dreams, the one they picked, the one you’re known by. Don’t you ever ask them why, if they told you, you would cry, So just look at them and sigh and know they love you.” – Crosby, Still, Nash & Young

Barya sa Teynga

Pauwi galing sa work, kasakay ko ang aming Estimation Engineer, I played the music player of the car. The car turned lively dahil “Tough Hits” nina Tito, Vic and Joey ang aming pinatugtog. Sa mga hindi inabot ang kakalugan nang tatlo, me mga kanta na hindi sila makakarelate, but because pareho kaming nagkamalay sa music na kasama ang kalokohan ng tatlong ito.

Pagdating sa isang kanta, a murdered version of “Precious and Few” nakuha ang attention ko at ako ay napangiti. Hindi tawa, kasi, may naalala ako. Sa part na “dati rati ang tenga mo’y merong singko”, naalala ko ang panahon na napakahalaga ng singko, o ng barya. At tama sina TVJ, kadalasan ay inilalagay ito sa tenga. Hindi iniisip ng mga tao kung malinis o marumi ang tenga ng nagsiksik ng barya sa tenga kapag ito ay ipinambayad.

Then this pagsisiksik sa tenga ng barya was eventually replaced by paper bill na binilot at sa itaas naman ng tenga isinisingit. Dalawang factors kung bakit nagevolve sa pagsisiksik ng barya, sa pagbibilot ng perang papel:

1. Ang halaga ng pera ay lumiit, kaya ang barya ay halos wala nang mabili, kung kaya perang papel na ang laging dala ng tao
2. Ang barya ay lumaki ang value at ang size. Ang dating singko ay napalitan ng piso na mas malaki. Mahirap ng isiksik sa tenga.

Maraming taon na ang nakaraan sa ganitong gawi ng mga Pinoy, pero nakakagalak sa damdamin kapag ito ay naalala.

At kung ngayon ay may gumagawa pa nito, asahan mo na magaalcohol sa kamay (or sa mga mas sosyal, sanitizing gel o wet wipes) kaagad ang makahawak sa coins na iyon. Hygiene and health daw.

Come to think of it, mas maraming nagkakasakit ngayon kaysa noon.

—-00000—–

“A boy with a coin he crammed in his jeans Then making a wish he tossed in the sea Walked to a town that all of us burn When God left the ground to circle the world” – Iron and Wine

Es mi cumpleaños!

I realize I am already old when I learned ang halaga ng candles is much more than the cost of the cake. And the realization was further boosted when I learned that the cake is sugar free and there is a standby oxygen when I blow the candles. I realize so many things in my birthday.

  • It is not the birthdays in my life that count, but the life in my birthdays.
  • It is not the friends that I have, but what my friends had from me.
  • It is not the knowledge that I gain, but the gains from this knowledge.
  • It is not the people who loves me, but the love I have for the people.
  • It is not the understanding friends extend to me, but how I extend understanding to friends.
  • It is not the food that people share to me, but the food I share to people.
  • It is not the what the world gives to Emil, but what Emil gives to the world.

Sa totoo lang, I stopped wishing for birthday gift  noong ako ay nasa ikaapat na baytang pa ng mababang paaralan. Ganito kasi iyon. Isang buwan bago ang aking kaarawan, hiniling ko sa Tatay kong regalo ay isang baril-barilan na ang bala ay iyon bang parang palaso pero ang dulo ay cap na dumidikit. Nangako naman ang Tatay ko na bibilhan niya ako at ako naman ay todo sipag sa bahay at sa school noon. 

Araw ng Sabado, pagkatapos naming mag-fellowship ng Legion of Mary, nilapitan ako ng isa sa mga kababaihang lider sa simbahan, kasama si Ate Meny, kantora (church singer) at guro sa aming paaralan at sinabing ako ay napili nilang ilahok sa “Provincial Catechism Quiz” sa Lucena sa darating na Setyembre 9-10. May isang buwan pa para sa paghahanda para sa patimpalak. Ang aking naging coach ay si Mrs. Manansala at tatlong beses isang Linggo kami nagrereview.

Dumating ang September 9, at kasama ko ang dalawa ni Ate Meny at Mrs. Manansala at si Fr. Quizon ay sumabak ako sa eliminations sa Mt. Carmel Seminary sa Sariaya. Lusot ako sa eliminations lusot din sa semi – finals. Apat na lang kaming natira sa finals, taga Lopez, taga Tayabas, taga Guinyangan at ako. Kinabukasan, noong finals na (September 10), first hanggang fourth round ay nasagot ko ang mga tanong, ngunit noong fifth and last round, nalito ako dahil nabaliktad sa nireview ko. Ang sagot ay ginawang tanong, at dahil na rin siguro sa pagod na, di ko nasagot ang huling tanong. Natapos ang contest na ako ay pangatlo. Out of 48 contestants. Ang nanguna noon ay si Heracleo Florido ng Lopez, Quezon Iniabot sa akin ang premyo ko na may nakasobre at may naka giftwrap. Hindi ko muna binuksan dahil kako iaabot ko kay Nanay ang sobre at ang kahon ay sa bahay ko na bubuksan.

Madaling araw ng birthday ko, sakay kami ng bus pauwi. Noong panahong iyon ay 4 na oras ang biyahe (ngayon ay 2 oras na lang), at pagdating ko sa amin, agad akong binati ni Tatay, Nanay at mga kapatid ko sa aking kaarawan. Iniabot nila ang regalo sa akin na isang short pants na Macandili at isang T Shirt na De Hilo. Disaapointed ako kasi ang hiling ko sa Tatay ko na baril-barilan ay di natupad. Sabi naman ng Tatay ko pasensiya na raw kasi nga wala raw siyang pera. Ibinayad daw niya sa utang naming kay Mang Tony. Ganoon kasi kami noon, halos panapat lang sa utang ang sahod ni Tatay.

Naintindihan ko naman at bigla kong naalala ang sobre, iniabot ko ke Nanay, at laking tuwa nila dahil ang laman ay Beynte Pesos (P20) na halos ay 2 linggo nang pambili ng ulam namin. Binuksan ko na ang kahon sa harapan nila, at sobra ang katuwaan ko ng makita ko na ang laman ay baril-barilan na may balang tapon (toy cap gun).

Agad kong naisip noon ay regalo iyon ni Lord. I got more than I wished for. Me kasama pang kaluban (holster) at sombrero ng cowboy.

From then on, ipinaubaya ko na kay Lord kung anuman ang regalo sa kaarawan ko.

—-00000—-

“I don’t believe in magic, but I do believe in you. When you say you believe in me, there’s so much magic I can do…… Cause life continuous right or wrong. When I play this birthday song I learned from you. And you can even sing.” – Don McLean

Mapagbigay

I cannot control my distress when I entered the car of our Indian Project Engineer. There waiting inside the car are two more of his countrymen joining us in going to our site visit in one of our projects. I want to send an SOS call to the Navy, the Army, the National Guards, for I am expecting a real excruciating battle with my sense of smell on our way to the project.

And it was truly a mind reverberating, highly offensive, lung wracking and nose obliterating ride I had. These guys kept talking with their heads bobbling sideways to indicate affirmation, and not minding at all the condition of the air inside the car. If one of our Phivolcs guy is here then they may assume that the sulfur content of the atmosphere is high and there is an eminent volcanic eruption in an hour’s time.

I was nearly sneezing, choking, or throwing up when suddenly I let out a quiet fart (napautot ako, mas maganda sa English e), and the aroma of a dozen Malabanan Excavation tanks started sweeping inside the car, overthrowing the previous pervading odor.  I know the guys smelled it from the looks in their face, but they somehow disregarded it and even lured me in their conversation. And from the smile on their faces, they seem to enjoy it.

Such a selfish guy I realized I was. Here I am, complaining to high heavens the agony of getting a whiff of the specialty air inside the car, and when I let out my contribution of rare gas to the car atmosphere, these guys did not protest nor raise a whine.

Now I know that God made all things in a balance. Day is for night, black for white, sky for earth, ocean for the mountain, man for woman, and He gave us our senses that allow us to be patient and understanding.

From then on, I was never been that selfish anymore.

I let these guys have a dose of my specialty gas whenever there is an opportunity.

Utot laban sa putok.

Place your bet.

—-00000—-

“It’s always more fun. To share with everyone. If you’ve got one. Here is something you can learn. You can still share. Just by taking turns.” – Jack Johnson