Customer Service is Trust Displayed

Last Friday, I joined my two friends Rodel and Bien punta sa sentro ng Al Khobar para “mamili ng bintana” (window shopping). Then we proceeded  to the most popular Bookstore in this city since Rodel wanted to see the latest models of Tablets and Laptops.

Ako naman, ay matagal ko nang hinahanap ang particular na brand / model ng isang Smart Phone na kasing galing daw ng iPhone sang-ayon sa mga review, pero napakamura ng halaga. Niresearch ko ang phone na ito at nakita ko na ang price is really low compared sa iPhone na and the features and specifications are really good.

Pagdating sa bookstore, agad nagtungo ang dalawa sa section ng computers at ako naman ay sa mga cellphones and cameras. Laking gulat ko ng makita ko ang hinahanap kong cellphone at kasama siya sa mga naka “special offer”. The price was cut down by 30 percent and it comes with an SR 100 Gift Voucher plus 10 GB Internet Sim Card equivalent to SR 199, giving me additional SR 299 (about P3,500) discount..

Hinanap ko ang dalawa kong kasama na wala namang suwerte dahil ang gusto nilang unit ay “out of stock”. Ipinakita ko ang leaflet ng specifications ng phone at ang coverage ng special offer. Maganda nga raw at mura pa. I purchased a unit, took the Gift Voucher and the Voucher  for the Free Internet Sim Card.

Hindi ko alam kung nasaan ang booth ng nagbibigay ng Internet Sim Card, so I went to the Customer Service Counter, and I want to emphasize… CUSTOMER SERVICE.. simpleng simple lang, naiintindihan ng sinuman… serbisyo para sa customer.

Nagtanong ako kung saan ang booth ng STC (the provider who gives the free Internet Sim Card) sa Indian na nakatao sa CUSTOMER SERVICE counter and showed him my receipts which were lumped with the store brochure and other papers. He grabbed all the papers I was holding, read them and told me na naroon sa bandang kanan sa likod ng mga displays ng laptops and tablets. Then, he took the bag of my purchase and told me I should leave it there and gave me a claim stub. He gave back my receipt , instructed me to proceed immediately to the STC booth since the line was already long.

Halfway in the line, I browsed on the papers and I found out na iyong Gift Voucher ay nawawala. I reviewed what happened, and I realized, naisahan ako ng CUSTOMER SERVICE guy na iyon. Kasi, ang ipinapakita ko lang sa kanya ay ang aking voucher for the free internet SIM pero sinunggaban niya lahat. Nasa ibabaw ang Gift Voucher dahil ipinakita ko pa kay Rodel iyon, e nung ibinalik niya sa akin, di ko napansin sa ibabaw.  Isa pa, hindi ko naman dapat ihabilin pa ang aking pinamili sa kanya, but he grabbed it ang gave me a number, to distract me from my papers.

Medyo umiinit ang aking punong tenga na binalikan ko ang CUSTOMER SERVICE guy at tinanong ko ang aking gamit. Then, tinanong ko ang aking Gift Voucher at agad siyang nagtaas ng boses sa akin. Note that maganda ang pagkakatanong ko sa kanya, pero galit agad ang sagot niya. Kinausap ko ang Pinoy na empleyado rin ng bookstore at sinabi niya sa akin na marami na nga ang nagkocomplain tungkol sa Indian na iyon. Style daw niya iyon, version niya ng “Salisi Gang”. I want to file a complaint sabi ko sa Pinoy, your CCTV clip can show na sinalisihan ako ng mokong na iyon. Sagot sa akin ng Pinoy, “huwag na sir, Indian din ang Boss niya, dadalhin kayo sa office, tapos baka baliktarin pa kayo, sabihing shoplifter kayo.”

Bumalik ako sa counter na binilihan ko ng cellphone at sinabi ko sa Pinoy doon ang nangyari. He talked to his supervisor and then he issued me a replacement Gift Voucher. Siguro sabi noong supervisor e para di na lang ako magreklamo.

Paglabas ko ng bookstore, dumaan ako sa CUSTOMER SERVICE counter and told the guy, “please, let me be the last you rob, you may be caught the next time, you may be put in ‘calaboose’”. Hindi siya makatingin sa akin.

Ang mali ko lang, naging too trusting ako. Bilang a true bloodied “Sales and Marketing Guy” kasi, sa akin ay very noble ang maging CUSTOMER SERVICE frontliner ka. I give it a lot of respect.

By the way, iyong Supervisor ng Pinoy sa counter na binilihan ko ng cellphone ay isa ring Indian.

—-00000—-

“So watch your backs, watch your pocket book. Watch your pockets, watch everybody on the train. Watch everybody on the bus. ‘Cause we gonna rob you whether you like it or not.” – 50 Cents

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s