Magkatulad, magkaiba, dalawang ama.

Halos parehas ang kuwento ng dalawa kong kaibigan dito na si Dar at si Aram. Si Dar ay isang Design Engineer sa isang Design and Engineering Office dito sa Al Khobar, at si Aram naman ay Design Engineer din sa pinakamalaking Oil Company na nakabase sa Dharan. Dar is 32 years working na rito at si Aram ay 33 years. Pareho na silang nagretiro, pero bumalik uli dito after a year of retirement at aktibo na naman sa pagtatrabaho. And there lies the difference between the two, ang dahilan ng pagbalik after retirement.

Pareho na rin silang nakapagpatapos ng mga anak, na lahat ay may kanya kanya nang pamilya, parehong nag-aalaga na lang ng mga apo ang kanikanilang maybahay. Pero bakit pa sila bumalik after retirement?

Pareho silang sagad magtrabaho at napakasipag, iyon nga lang, ang kaibahan ni Aram, after work, pag hindi sa bahay ay nakikihalubilo siya sa mga kaibigan, samantalang si Dar ay maghahapunan sa restaurant sa bahay at plastado na pagdating ng bahay dahil sa pagod sa trabaho.

Their respective jobs entail analysis, concentration at masusing pagsiyasat sa mga detalye. Kaya kailangan talaga ay nakafocus ka sa ginagawa sa maghapon. Again, ang kaibahan ni Aram ay masayahin siya at nagientertain ng mga panauhing supplier, designer, contractor at kaibigan.

Namuhay nang maginhawa ang kanikanilang pamilya through the finances that both provide to their respective family. A respectable house, transport, food on the table, good education at iba pa. Sakripisyo ang ginagawa nung dalawa para lamang sa pamilya and both look forward sa kanilang retirement. Ikaw na ang malayo sa mga mahal mo sa buhay, iniwan mo ang anak mo na nasa grade school pa lang ang panganay at pagretiro mo ay apo na ang naghihintay sa iyo. Ang sabi nga nila pareho sa akin, “Hindi ko na nakita na lumaki ang mga anak ko, di ko naranasan na ako ang magturo sa anak ko sa paglangoy, sa pagtugtog ng gitara, sa paglalaro ng basketball, di ko na naranasan na ako ang takbuhan ng anak ko para gamutin ang sugat niya pag nadapa, ang kanyang katuwaan sa mga 100 niya sa exam, ang pagsasabi ng crush niya, kung ano ang pangarap niya, pagsasabit ng medal sa school, exchange gift pag pasko at makasalo sa noche Buena. Halos katumbas lang ng 2-1/2 years ang pinagsama naming ng aking mga anak hanggang sa sila ay magkapamilya.”

Nagretiro si Dar noong 2008 at si Aram ay noong 2010, pero bumalik dito after a year.

Noong umuwi si Dar, siya ay nagkasakit ng malubha, siya ay naoperahan at for 1 month ay nakaratay. Ang kanyang naipon ay naubos, at nakapagbenta pa sila ng ilang ari-ariang naipundar nilang mag-asawa. Ang kanyang mga anak ay may kanya kanyang pamilya na. Ayaw naman niyang umasa sa mga ito. Sumulat siya sa kompanya at siya ay nahire uli at bumalik nga siya rito para makaipon uli.

Si Aram naman ay maayos ang kalusugan at palibhasa ay masayahin at palakaibigan, maganda ang naging takbo ng kanyang buhay at katawan. Pero dahil nga sa matagal siyang nawala sa pinas, di niya alam kung paano iadjust ang sarili sa kapaligiran. Nabagot siya, nainip sa walang ginagawa at sharp pa rin daw naman ang isip niya, bumalik siya rito through a Contractor at inassign siya sa dati niyang work.

When I visited Dar, sabi niya sa akin “Pards, payuhan mo mga kababayan natin na pag narito, tanggapin na ang sitwasyon ng pagtatrabaho dito, huwag na maging mabugnutin, homesick, o lungkot. Magexercise, magsaya, give time sa sarili para makisalamuha sa kapuwa. Narito na tayo e, bakit ka pa maghohomesick. Tayo ang gumawa ng paraan ng ikaaalwan ng ating kalooban, hindi ang ating paligid. Huwag silang gagaya sa akin. Trabaho trabaho. Pag-uwi, kakain lang, nuod konti palabas, tulog na. Kinabukasan, kain lang, pasok na. E ang trabaho ko pa nakaupo lang. Doon ako tinamaan ng sakit. Lungkot plus walang exercise. Deadly combination.”

Si Aram naman ay ito ang sabi sa akin, “Mahirap pala ang puro ka trabaho at nasa ibang lugar pa. Pag nakaisip ka na magpahinga, doon mo marerealize na sa tagal mong nasa ibang environment, di ka na makaadjust. Hinahanap na ng katawan ko ang dati kong work. Advise ko lang sa iba, make the most out of your work. Learn. Educate yourself. Exercise. Kung ano ang ginagawa ng mga anak sa pinas, pag-aralan na makaadapt. Laging alamin ang nangyayari sa pinas para pag umuwi ka na for good ay alam mo na ang gagawin.”

Two great fathers. Two great sacrifices. Two great loves. Two lessons in life.

—-00000—-

“And feed them on your dreams, the one they picked, the one you’re known by. Don’t you ever ask them why, if they told you, you would cry, So just look at them and sigh and know they love you.” – Crosby, Still, Nash & Young

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s