Gustong maQATIFid sa isda

Nagkayayaan ang tropa three days ago para bumili ng isda sa Qatif Fish Market, isang bayan na may baybaying sagana sa shrimp and many varieties of fish. Qatif Fish Market is the largest in the Middle East at ang Qatif ay maraming puno ng dates at ibang halaman dahil sa ito ay sa mga historic oasis that showed its first archeological evidence of settlement beginning about 3500 BC.  

Ang pinanggalingan ng salitang Qatif ay ang word  na “Khatty” which means “spear” o sibat na makikita sa mga lumang panitikan ng lugar, supposedly because the region was famous for spear making.

Ang  Qatif oasis at ang Tarut island ang ilan sa mga magagandang tanawin sa lugar. Sa Tarut Island ay matatagpuan ang Tarut Fort na naging tanggulan mula pa noong unang panahon. Ito rin ang pinaniniwalaang ang Halamanan ng Eden nina Eba at Adan. Mayroon ding bahay na bato sa Qatif na tinawag ng mga Pinoy na “Bahay ni Magdalena”. Ito ay kahalintulad sa “Judas Cave” sa Al Hassa, na wala namang historical na batayan. Mga pinoy ang nagimbento ng katawagan sa lugar na ito.

Apat na sasakyan kaming nagconvoy papunta sa Qatif Fish Market sa pangunguna ng sanay na sa lugar na si Nimrod. Pagparada ng sasakyan, amoy na amoy ang lansa ng isda at nakuha pa ring magtanong ng kasamahan namin “ito na ba ang Qatif Fish Market?”.

Mayroong nakatumpok, nasa malaking plato o kinikilo ang mga isda at iba pang laman ng dagat.

Kasinlaki ng dalawang basketball court ang Fish Market at parang iniluwa na yata ng dagat ang lahat ng isda dito. At talagang napakamura, at makakamura ka lalo kung mahusay kang tumawad at depende sa oras ng pagpunta mo rito. Pinakamaganda ay iyong past 7PM pa kasi gusto na makaubos ng mga tindero ng isda rito. May kinikilo at may nakalagay sa isang malaking pinggan na magtatawaran kayo at magpapadagdag ka ng isda.

Umalis kami ng 3 kong kasama sa sasakyan na gumastos kami ng tig 20 riyals (80 riyals lahat) at ang napamili namin ay 6 na klaseng isda, pusit, at hipon na aabot sa 30 kgs lahat.

Nang magbalikan na sa mga sasakyan, kinakausap ko ang dalawang kasakay ni Randy, na noon ko lang nakita at sabi ko “ang sarap mamili ng isda rito ano?” Mukhang mga bago silang empleyado. Sagot nila sa akin ay “rat re va qua ni hiyu”.. paulit ulit nila itong sinasabi. Mga Vietnamese pala ang mga ito, at konti lang ang nasasabi sa English.

Kanina, nagreklamo ang aking mga kasama sa bahay. Tinutubuan na raw sila ng kaliskis sa katawan.

—-00000—-

“I’d gladly lose me to find youI’d gladly give up all I got. I call that a bargain. The best I ever had.” – The WHO

Forget the past, and use your pain

This morning, after jogging and breakfast of melon and milk, I watched a Jackie Chan movie, “New Police Story”. Bakasyon pa kami kaya nakakapanood naman ng entertaining movie, ayoko muna ng mga drama at mga balita, comedy at action muna. Kaya kami rito sa bahay ay puro FPJ, Bong Revilla, Jackie Chan, Jet Li ang pinapanuod.  

Ang paglalasing ay hindi paraan upang makalimutan ang isang kabiguan o sama ng loob. Lalo pa nitong pinabibigat ang damdamin at iniaatras ang kakayahan sa pagtahak sa landas ng buhay.

In one scene Chan is shown dead drunk in the sidewalk. Naging lasenggero siya dahil sa isang pangyayari sa kanyang pagiging isang pulis. A year before,  his team was assigned to raid the hideout of a group of bank robbers, na sa kasamaang palad ay namatay lahat ng kanyang kasamahan, including his brother-in-law to be. Ridden with guilt, he filed a leave for a year, at naging drunkard.

He was found by a stranger, Frank Cheng, who turned out to be his new partner sa pulisya. At natatak sa akin ang sinabi nito sa kanya, “You are capable of doing great things. Forget the past and use your pain.”

Kadalasan di natin naiisip na ang failures ay isang hamon sa atin to do better.. to achieve the best.

Very true ang sinabi niya at talagang nangyayari sa tunay na buhay. Karamihan sa atin ang hindi makaalis sa ala-ala o sa imahe ng nakaraan. May mga failures, mga heartaches, mga frustrations, mga disappointments at mga nais na hindi nakamit, na patuloy nating hinahawakan at pinanghihinayangan. At ang mga ito ang siyang pumipigil upang tayo ay makapagpatuloy sa buhay. Ang buhay ay ibinigay ng Diyos sa atin, kaya nga buhay, ito ay dapat gugulin.. Hindi naman natin dapat kalimutan ang nakaraan, pero ang ito ay pagsisihan, panghinayangan at patuloy na pailalim sa nakaraan ang hindi na tama, at kung anuman ang naging pagkakamali ay di na dapat pang ulitin bagkus gawing tuntungan upang makapagpatuloy sa buhay. Live the life. Life is a journey and you cannot make a journey if you will not move on.

We need to grow and move on, kasi ito ang ating layunin sa pamumuhay, ang lumaki, umunlad at lumago. What we are now is all a reflection of our past, at kung ano ang natutuhan natin sa ating nakaraan. To paraphrase ang sinabi ni Frank Cheng kay Jackie Chan, “Forget the past, learn from it, use your pain, and help yourself. You are the only one who can help yourself.”

—–00000—-

“How do I end up in the same old place, faced again with the same mistakes. So stop and think and not know what is right,but love proves me wrong, everytime. Takin roads that lead me nowhere, how do I expect to get there? Can I move on, can I move on?” – Bruno Mars

 

Of Ligong Uwak, atbpa

Napatawa ako ng sabihin sa akin ng aking kasama na tinanghali siya ng gising kaya mali- “Ligong Uwak” na lang daw siya. Dagdag pa niya na naalala niya ang Nanay niya na nagagalit sa kanya kapag ganoon ang paliligo niya at sasabihin pang “Ligong Uwak ka na naman, kaya naman ang likod ng tenga mo ay puwede nang taniman ng kamoteng baging!” Sa mga bagong sibol na kabataan, ang talinghagang ito ay maaaring hindi na nila alam. Pero sa mga hererasyon na namuhay sa “age of writing”, panahong wala pa ang mga text messages, social network sites, emails, etc.. maraming mga talinghaga na nabuo sa mga paraang pangbarkada, pangistambay, pangiskuwelahan o maging sa mga sosyalan.

Ang “Ligong Uwak” ay isa lang sa mga talinghaga na bunga ng malikhaing isipan ng mga Pilipino. Ibig sabihin ng “Ligong Uwak” ay paliligo na ulo lang ang binabasa, at di na naghihilod o minsan ay di na rin nagsasabon. Kasabay ng talinghangang ito ay ang “Ngising Aso”, “May sa Palos”, “Salimpusa”, “Tengang Kawali” at ang walang kamatayang “Nasa dulo na ng dila”.  Kapag sinabihan ka na “Namuti ang talampakan”, ikaw ay naduwag, kapag naman “Buwayang lubog” ay sinungaling, traydor o hindi gagawa ng mabuti.

Sa opisina tuwing umaga, madalas na makikita ang ibang lahi na papasok sa Comfort Room pagkatapos magtime in. Doon ay idaraos ang “Ligong Uwak” sa lababo ng Comfort Room, at saka pupunta na sa kanya kanyang puwesto. Hindi ka na ngayon magtataka kung bakit malakas ang amoy ng mga ito.

Mayroon silang kalahi na tauhan ko, at naikuwento niya sa akin na ang malakas na amoy ay lalong nagpapadagdag ng kamachohan ng lalaki sa kanila. The more “putok” the more masculine at mas hinahabol daw ng mga babae. I don’t know how true, but sa karanasan ko ay mga 95% sa lahi nila ay me amoy.

Me kanya kanya tayong kustombre at paniniwala, maging sa pangangalaga ng katawan, pero ganoon pa man lahat tayo ay magkakapatid sa ating mundo.

Which brings sa isa pa niyang revelation na if ever ang mga ito ay maliligo ng hindi na “Ligong Uwak” kundi full bath na, lahat na ng parte ng katawan ay binabasa at sinasabon, puwera lang ang kilikili. Mabasa na ang lahat, huwag lang ang kilikili.

Mahirap maligo nang hindi binabasa ang kilikili. “Ligong Uwak” to the max na iyan.

—-00000—-

“And I Told About Equality. And It’s True. Either You’re Wrong Or You’re Right.
But, If. You’re Thinkin’. About My Baby. It Don’t Matter If You’re. Black Or White” – Michael Jackson

Simply friends

One of the most meaningful poems that I read is by Roy Croft. Noong una, akala ko it is a poem about love, kasi sa title pa lang mamimislead ka na. Ang title nito ay Love pero as you read it along, ito pala ay tungkol sa pakikipagkaibigan, love ng kaibigan.

LOVE – by Roy Croft

I love you not only for what you are,
but for what I am when I am with you.
I love you not only for what you have made
of yourself, but for what you are making of me.
I love you for the part of me that you bring out
I love you for putting your hand
into my heaped up heart and for passing over
all of the foolish things you can’t
help dimly seeing there,
and for drawing out into the light
all of the beautiful belongings
that no one else has looked quite
far enough to find.
I love you because you have
done more than any creed
could have done to make me good
and more than any fate could
have done to make me happy.
You have done it without a touch,
without a word, without a sign.
You have done it by being yourself –
Perhaps that is what being a friend means, after all.

Ang pagkakaibigan ang pinakamagandang relasyon na idinulot sa atin ni God. Tingnan natin sa ating paligid, walang tao na walang kaibigan. Nariyan sila kapag ikaw ay masaya, kapag ikaw ay nalulungkot at kapag ikaw ay mayroon o nangangailangan.

Madalas kung iniisip, God is so good that He gives me plenty of friends na nagbibigay ng importansya sa aking buhay. At sila ay dumarating sa bawat yugto ng aking buhay. Mayroong permanente na naryan na sa aking tabi, pero ang kaibigan ay dating at dating, iba’t ibang lugar, iba’t ibang pagkakataon, iba’t ibang panahon.

Tignan natin ang nagawa nga aking mga kaibigan sa aking buhay.

  1. Kung ako ay upset, sila ang unang nakakakita ng lungkot sa aking mata at agad ay nagtatanong, “Is there anything wrong with your eyes? Hindi bagay sunglass mo, akin na lang.”
  2. Kung ako ay nalulungkot, bigla silang darating at sasabihing, “Sales sa Red Tag, ilibre mo kami”
  3. Sila ang mga napaghihingahan ng problema, “You look problematic, but lend me 100 first bago natin pagusapan ang iyong problema.”
  4. Kapag ako ay masakit sila ang unang dumadalaw, “Can I eat the apple and the orange, masisira lang di mo naman makakain, me sakit ka e.”
  5. Sila ang unang tumatawa sa iyong mga jokes, “Hahaha, I laugh pa rin kahit luma na joke mo.”
  6. They are like a family guiding me to the right path and never let me divert from my target, “Pagbutihin mo work mo, para pag manager ka na kunin mo ako assistant manager ha.”
  7. May sense of security kapag kasama ko sila, “Walang makakagalaw sa iyo friend basta busog kami.”
  8. Sila ang tumutulong na maging fit ang aking pangangatawan at kalusugan, “Sige laro tayo mamaya, pero pakainin mo kami sa KFC after magbasketball ha.”
  9. Ang mga kaibigan ang unang pumupuri sa akin, “Galing talaga ng boses mo, kami na lang ang kakanta ha.”
  10. Sinisiguro nila na bagay sa iyo ang anumang suot mo, “Ang pangit mo tingnan sa Giordano Shirt at sa Fossil Watch mo, sa akin na lang iyan.”

Ang pakikipagkaibigan ay parang pamumuhunan sa negosyo. Kaya lang ang pinamumuhunan mo ay ang pagtitiwala, pangunawa at pagmamahal, na siyang matibay na pundasyon ng isang relasyon. Kahit pa ilang beer na ang inyong nainom, ilang plato ng sisig ang napulutan, ilang round ng bilyar ang inyong nilaro, kung wala ang binhi ng pagtitiwala at pagmamahal, walang tutubong matibay na puno ng pagkakaibigan.

Ang buhay ay napakagaang lakbayin kapag kaalalay ang mga kaibigan. Para lang libro iyan na ang bawat pahina ay puno ng iba’t ibang karanasan, damdamin that you will cherish the rest of your life.

At…. walang pinipiling edad o generation ang pagkakaibigan.

—-00000—-

“Thank you for being a friend. Traveled down the road and back again your heart is true you’re a pal and a confidant. I’m not ashamed to say. I hope it always will stay this way. My hat is off, won’t you stand up and take a bow’ – Andrew Gold

Kung makikipagtalo, ipaglaban mo

Madalas sa buhay natin, mayroon tayong hindi sinasang-ayunan sa mga opinyon o ginagawa ng ibang tao. At madalas din na ito ay nauuwi sa pagtatalo at minsan pa nga ay pag-aaway. Kung ang pagtatalo ay nauuwi na sa pag-aaway, that is the height na ng kawalan ng pang-unawa ng isa o dalawang tao. Ang pagtatalo kasi dapat ay tagisan ng katuwiran, parang balagtasan iyan e. Lantaran ng paniniwala, ng mga prinsipyo, factual na dahilan at basehan ng ipinaglalabang opinyon.

Tayong mga pinoy, mahilig magtalo. Ultimong ang usapin tungkol sa mga artista, pulitiko, ibang tao na di naman natin kaanu-ano, o kakilala ay pinagtatalunan. Maayos ang isang pagtatalo, tulad ng nasabi ko, kung ito ay labanan at paliwanagan. Ngunit, ang mga Pinoy, mga pikon at magaling lang makipagtalo o mamuna. Kapag nasusukol na sa katuwiran ng kalaban sa opinyon, babalandra na sa mga usaping personal. Naroong mag name calling na o kaya ay manumbat na sa katalo.

Sa mga pahayagan, o sa mga posts sa social networking kita natin na ang ating Pangulo ay tinatawag na Penoy, Abnoy, Kalbo, Panot, lalo na kung walang issue na maibato sa paglaban sa katiwalian at nakawan. Ang ibang senador naman ay tinatawag na baboy, brenda, at iba pa. Ang masama pa makikita mo na ganun ganon na lang kung magmura. Bakit hindi tayo mambatikos nang naayon sa isyu? Bakit hindi tayo mamuna at makipagtalo nang naayon sa katuwiran at prinsipyo.

Ako man ay nakaranas ng ganyan. Mahigpit kasi ako sa trabaho. Lalong lalo na sa katiwalian, pandaraya at kawalan ng respeto. Maraming beses sa dati kong kompanya na ako ay mga nasuspendi, at nilabanang talamak na pagnanakaw at katiwalian. Kapag nagkakaharap harap na upang pagusapan ang anumang isyu o kaso na inilatag ko sa isang tauhan, at hindi na sila makalusot, gagawin ay makiusap at hihikayatin akong sumama sa kalokohan. Kapag sinabi ko na magusap tayo ng tungkol sa isyu at sa kaso, hindi na makapangatuwiran. Pagtalikod ay kung anu ano na ang itatawag sa akin. Nariyan na tawagin akong Zimatar (kasi may sakit akong Hyperthyroidism, at kasama sa sintomas nito ay ang pagluwa ng mata), Mr. TH, paimpress, atbpa pero mind you, ni minsan di ako natawag na kawatan, o anumang bansag na patungkol sa masamang tao. Natatawa lang ako, dahil nga ibig sabihin noon, wala silang maibatong katuwiran o pansalag sa mga usapin ng kalokohan. At ito ang kanilang ginagawa upang makalusot sila at mapagtakpan ang kanilang ginagawa.

Which brings me back sa point ko kanina. When you are in an argument, keep your cool, be objective at ilatag mo ang iyong katuwiran o ang iyong mga paniniwala. Kapag ganito ang ginawa mo, maliliwanagan kayo pareho at ikaw ay matututo dahil iaanalyze mo rin ang sinasabi ng katalo mo.

Walang personalan. Walang bayolens. Walang name calling. Talo ka riyan. Di ka uunlad. Both sa pagkatao o sa pakikisama o sa kabuhayan.

—-00000—–

“And so again, my friends we’ve taken this conversation to its bitter end. I need to cut my tongue, before it cuts us down. When people resort to name calling.” – As Friends Rust

Akdang Bata – Klasikong Tula Pagtanda

While cleaning her clinic, natagpuan ng wife ko ang mga tula ng aking anak noong siya ay nasa elementarya pa, which I want to share.

ANG LAMOK
 Kinagat ng lamok si Darryl sa braso
Lumipat ang lamok sa binti at ang sabi,”ayoko dito kokonti ang dugo”
Lumipat sya sa kilikili ni Daryll”ayoko dito maasim ang dugo”
Lumipat sya sa batok, “ayoko dito maalat ang dugo”
Lumipat sya sa pisngi, “ayoko dito lasang tagihawat ang dugo”
Lumipat sya sa puwet ni Darll, na ngayon e maingay na
Wag ka maingay Daryll baka magising si Endong, sabi ni Tito Ben
Ang sarap ng dugo sa puwet ni Daryll,ang sabi ng lamok, habang nag-iingay si Daryll
“Sabi ng wag maingay!” sabay palo ni Tito Ben sa puwet ni Daryll
Pak! Sapol ang lamok, Patay!
ANG MANGGA
Hinog na hinog ang sampung pirasong mangga na dala ni Aling Sepa
Binigyan nya ng tigdadalawa ang kanyang apat na anak at ang dalawa sa kaniya
Ngunit si Isko ay kinuha ang para kay Aling sepa at itinago sa kanyang bulsa
Kinain ng palihim ni Isko ang mangga ni Aling Sepa
Dumating si Aling sepa at hinanap ang mangga
“Sino ang kumain ng mangga ko?”ang galit na tanong ni Aling Sepa
“Di po ako!” ang sagot ni Tonio sa may salas
“Di po ako!” ang sagot ni Dune sa may kusina
“Di po ako!” ang sagot ni Aboy sa may hagdan
“Diii-diii-umhm pooo umhm-aaakkkooo” sagot ni Isko na nasa kubeta
ANG MGA BITUIN
 Tumingin ako sa langit,para makita ang mga bituin
Ngunit ang nakita ko ay ulap at ang buwan na maningning
Tumindig ako at nauntog sa pader
Ohhh aray ko po ,nakita ko ang daming bituin
 
ANG KOTSE KO 
Ako ay may kotse, pula ang kulay
Pagpunta sa Taywanak, dito kami sasakay
Pagbukas ko ng pinto, natanggal ang hawakan
Pagsakay ko naman, lumusot sa upuan
 Binuksan ko at sinusian, pupugak pugak ang andar
Manibela ay pinihit, tumalsik sa hulihan
Ang kambyo ay nabunot, ang gulong ay naiwan
Sa usok ng tambutso, nangitim si Inay
Si Tito Dan naggiling ng kape sa fan motor
Si Tito Ben ay nagkape sa tubig ng radiator
Tayo na sa Taywanak  Peem ang sabi ni Tata
Mamasahe na lang po tayo, sagot ko sa kanya

Tawang tawa ako!

—-00000—-

“Read some Byron, Shelly and Keats. Recited it over a Hip-Hop beat. I’m having trouble saying what I mean. With dead poets and drum machines. Trying to find the magic. Trying to write a classic Don’t you know, don’t you know, don’t you know?. Waste-bin full of paper. Clever rhymes, see you later.” – Natasha Bedingfield