Bold (Boiled) Eggs

Nagkukuwentuhan kami ng tungkol sa buhay buhay at karanasan with our former office mates and co-workers dito sa aming trabaho. Aming binalikan ang mga nakakatuwang at nakakalungkot na mga pangyayari noong naririto pa sila.

May isang kasamahan kami na nuknukan ng tipid at maging ang kanyang supot ng tinapay ay nilalagyan ng numero at running balance ng laman ng supot. Para alam nga naman niya ang laman nito anytime at kanyang maaudit. Baka may bumawas o kumupit ng tinapay niya. Mayroon namang madiskarte sa buhay, na pati paggugupit, paextra karpentero ay pinapasok, pero ang nakakabilib ay ang pagsisikap niya na matuto ng Auto CADD, at ito ay kanyang ginamit upang makontrata ng ilang drawing jobs galing sa labas. May isa namang ang galing sa dart at nakapagpundar ng mga gamit dahil sa kanyang madalas na panalo sa dart.

Hindi ko napigil ang tawa ng dumako ang aming kuwentuhan sa isang kasama naming na mahilig sa itlog, pritong itlog, nilagang itlog, ginisang itlog at maging adobong itlog. Iyon at iyon din ang kanyang iniuulam at sa loob ng isang linggo ay halos dalawang tray na itlog ang kanyang nauubos.

Isang araw ng Biyernes, walang pasok, ay naglalaga ito ng itlog para sa kanyang hapunan ng tawagin siya ng kanyang kasamahan sa room. Inaya siya nito upang manood ng bold na pelikula. Intindihin na lang natin na bawat isa ay may kanya kanyang hilig at gusto sa kanilang buhay. Dito sa lugar na ito, ay kanya kanyang means ng pangaliw sa sarili at marahil ay iyon ang kanilang ginawa nang araw na iyon upang maalis ang pagkabagot.

Anupa’t ginanahan sa panonood ng bold na pelikula ang dalawa at nalimutan na ang nilalagang itlog. Nakita ito ng isang kasamahan sa ibang room at tinawag ito upang ipaalam na nasusunog ang nilalagang itlog. Sinilip ni kasamahan sa room at nakitang nanonood ng bold na pelikula.

Pagdating sa kusina ay nanghinayang ang ating bida sa nasunog na itlog.

Si kasamahan naman ay may halong pangaral ang sinabi sa kanya: “alam mo masama ang panunood ng bold, dahil iyan ay nakakasunog ng itlog…”

—-00000—-

“People are crazy and times are strange. I’m locked in tight, I’m out of range. I used to care, but things have changed.” – Bob Dylan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s