Yanu baga yan!

May isang FB Group na binuo upang magkakilakilala ang mga nagtatrabahong magkababayan (as in bayan) dito sa Saudi Arabia. Nagsimula sa iilan at sa kasalukuyan ay mayroon nang 145 na miyembro. Marahil ay wala pa ito sa 5% ng mga workers na taga bayan namin dito sa Saudi Arabia kaya inaasahan na ito ay madaragdagan pa.

Napakaganda ng sinimulang FB Group na ito dahil ito ay nagbunga ng:

  1. Pagkakilakilala ng mga magkababayan
  2. Sorpresang dito matatagpuan ang isang “long lost friend o classmate” (gf/bf puwede rin)
  3. Paghihingahan ng mga alalahanin, tagumpay o mga concerns sa trabaho
  4. Pagpapalitan ng mga kuwento sa buhay lalo na ang mga experience ng nakaraang panahon na nasa sariling bayan pa

Noong una, ang napansin ko, ang mga posts ay puro pagbati, mga jokes, mga motivational quotes, that I attributed sa misyon na nakasaad sa “About” face page ng FB Group, (to quote): “Binuo upang magkaroon ng ugnayan, mapalakas ang komunikasyon personal at sosyal, makapaghuntahan, ukol sa mga bagay tungkol sa ating bayan, sa kanyang kultura at pagkakilanlan.” Ngunit ng mga sumunod na buwan ay nagiging seryoso na at pumupunta na sa mga makabuluhang pag-uusap sa pamamagitan ng FB. Naiiba na rin ang mga tema ng mga photos na napopost. Nagmi-methamorphose na from a group into an organization at nakakagaan sa puso ang mga pagpapagal at pagsisikap ng Chairman ng grupo.

Cooperation and teamwork are trademarks of a group.

 Mayroon din akong naging group na ganito ang nasimulan sa FB sa pamamagitan ng isa kong lumang photo na sinalitan ko ng short description about the different personalities (serious and funny) at ilang kilalang mga food, produce, harvest, artworks, places, activities sa aming barangay. Mind you 389 so far ang comments at 422 ang likes nun. Lumago ang nasabing group at nag-aim na makatulong sa Barangay. Ngunit, dahil sa kawalan ng Vision, Mission at Objectives, nauwi sa pamamahagi ng mga groceries, items, suportang entertainment ang pagtulong. Short term ang naging pananaw, at nawalan ng Long term na objectives upang palakasin ang pamumuhay ng kababayan. After the excitement ng group na dulot ng mga nagpapasalamat sa biyayang naibinigay ng samahan, people expected for more.. regularly and mas malaki at mas mahal. Naging reliant na sa group ang mga tao and the group started experiencing the skid. Walang set of officers, constitution and by-laws at walang certifying or authorizing body na nagtatak sa grupo.

I am alarmed every time there is a group na mabubuo at ang group ay nagmamature at lumalago.. sa aking pananaw ay dapat na humakbang sa susunod na baytang, i.e. be an organization. And that is when I have suggested during the get-together-to-know-each-other meeting we had this vacation na magkaroon ng “kaluluwa” ang group, maging isang organization. Mawawala ang excitement, mapapawi ang kasabikan, pero ang “diwa” ng pagsasamahan ay lalong lalakas at lalago.

Photo now. Memorabilia tomorrow.

Magkaroon ng Mission Statement at the next step is to develop the specific objectives that are focused on achieving that mission. Objectives are the specific measurable results of the initiative laid in the Mission Statement.  An organization’s objectives offer specifics of how much of what will be accomplished by when.  

When should we create objectives? Palagay ko after na madevelop ang vision at mission statements at iyan ay napapanahon na para maisagawa na ang planning process at makita ang mga posibleng resources para matupad ang objectives.

Kumbaga sa puno, ang FB Group na ito ay naguumpisa nang mag-suloy, o maglabas ng mga sanga at dahon. Kailangan na ang nutrisyon na magbibigay lakas sa ugat, magpapatatag sa puno, magpapaberde sa dahon, magpapatigas sa sanga upang maging handa sa hitk na hitik na pamumunga.

Sabi nga ni Winston Churchill “ Every day you may make progress. Every step may be fruitful. Yet there will stretch out before you an ever-lengthening, ever-ascending, ever-improving path. You know you will never get to the end of the journey. But this, so far from discouraging, only adds to the joy and glory of the climb.

Hindi naman tayo naghahangad na purihin sa ating layunin, kundi ang maihanda lang ang magandang daan para sa mga susunod na henerasyon. Maraming balakid, batikos, disappointments, kontra, fence sitters.. pero we have to go on. We can do it by doing the first step, together, by absorbing and keeping our inner pride and rowing in the same direction… Now.

—-00000—-

Am I the only man you ever had. Or am I just the last surviving friend that you know. Open up your heart and let your feelings flow. You’re not unlucky knowing me. Harmony and me. We’re pretty good company. Looking for an island. In our boat upon the sea.” – Elton John

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s