Malayo pa sa bituka

After naming mamili ng isda ay dumeretso kami sa accommodation ng isa kong kaibigan upang ito ay linisin at doon bahabahigihin (nakaugnay sa post: https://clinquantlife.wordpress.com/2012/10/31/gustong-maqatifid-sa-isda/). Nasugatan siya habang naglilinis ng isda at medyo malakas ang labas ng dugo. Agad niya itong hinugasan at sinabon bago nilagyan ng gamot. Tinawag niya ang isa pang kasama at sinabing ipagpatuloy ang paglilinis dahil kumikirot ang nahiwa ng kutsilyo sa daliri niya.

“Malayo pa iyan sa bituka,” ang sabi ng kanyang kasama.

Natawa ako dahil naalala ko na ito ay isa sa mga kasabihan na hindi yata niluma ng panahon. Ginagamit pa rin hanggang ngayon. Ang kasabihan na iyan kasi ay pampalakas loob ng mga magulang, lolo o katoto natin kapag tayo ay nasusugatan. Kabaligtaran iyan naman ng mga sinasabi ng mga kalaro, mga di natin kabati “hala ka, lalabas diyan ang iyong kinain!” or the more threatening one “lalabas diyan ang pari!” Imagine mo meron ka palang pari sa loob ng iyong katawan.

Ako ay mga 5 taong gulang noon at kami ay nakatira noon sa San Andres, Quezon dahil doon nadestino ang Tatay ko sa pagtuturo sa elementarya ilang dekada na ang nakakalipas. Isang araw ako ay nasugatan sa daliri at humihikbi akong lumapit kay Nanay upang ipagamot ang sugat. Nakita ito ng Tatay ko at sinabing “para kang di lalake, malayo pa iyan sa bituka.”

Agad kong inilapit ang aking may sugat na daliri sa aking tiyan at sinabi ko sa Tatay ko, “o ayan, malayo pa ba iyan sa bituka!”

Ang hikbi ko ay napalitan ng palahaw ng iyak ng paluin ako ng Tatay ko dahil pilosopo raw ako.

—-00000—-

“Looking back on when I was a little nappy headed boy. Then my only worry was for Christmas what would be my toy. Even though we sometimes would not get a thing. We were happy with the joy the day would bring.” – Stevie Wonder

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s