So many ways to solve a problem

We attended a Job Explanation Meeting sa isang malaking Petroleum Refinery ng Saudi Aramco at pagkatapos noon ay deretso na sa Site Visit. Ang Job Explanation Meeting ay isang pagpupulong ng Project proponents and controllers with the selected/invited contractors upang maliwanagan ang scope of works ng project na kanilang ikokontrata. Dito ay kadalasang ibinibigay ang mga drawings, designs, bill of materials at lahat ng detalye ng project. Ang site visit naman ay ang pagpunta sa mismong lugar ng project na gagawin upang ito ay makita at masukat ng actual ang mga dapat na sukatin. Napakahalaga ng dalawang events na ito sa pagestimate ng halaga ng gastusin at ang presyo ng proposal o bid na isasubmit sa customer.

Ang mga kasama ko na estimation engineers ay isang Pinoy at isang Indian. Both are masipag, mahusay at talagang doing their best para magkaroon ng maayos na estimate at ang ultimate na reward sa kanilang pagod – ang manalo sa bidding. The Indian expressed to me his frustrations about not getting any project, kasi raw ang lahat daw ng nagaapprove ng estimate nila, from his Boss-to Boss’ Boss-to Finance Boss ay puro dagdag dagdag ang nalaman. Factor of safety raw. Kako hindi factor of safety iyon, kasi kung di nila alam ang ginagawa nila as a Boss, ang tawag doon ay Fear Factor. Lalo na kung ridiculous na ang amount or percentage na ipinadagdag at hindi nila masabi kung bakit nagdadagdag. Basta babanggit lang ng figure or percentage.

Natapos ang Job Explanation Meeting at ibinigay sa amin ang gate pass para sa loob ng Refinery. Napansin ni Pinoy na may problema sa gatepass namin. Ang nakalagay na nationality niya roon ay “Indian”, so he voiced it out sa Contracts Advisor. Sabi niya oo nga, baka di papasukin. Kako, since iyan na ang nasa system, mahirap na baguhin, let’s solve it in a different way.

Ang suggestion ko: “tell the guards that the full surname is not Fontaron, but Fontaronathan, which sounds like Indian name.”

Maayos, mapayapa at nasa oras ang aming Site Visit.

Walang kahassle hassle sa mga guwardiya.

I am now worried sa kasama kong Pinoy. Baka later ay amoy Indian na rin siya.

—-00000—-

“We must make the changes, from the basic situation. We are keepin’ our own identity. We must look around. For ideas to be real. So many of the people have been justified.” – Jeff Beck

Advertisements

Why you were the culprit….

Kakarating ko lang sa office ng ang isa kong kasamahan, a Sales Engineer called up and told me nabangga siya. He was with two other employees at malaki raw ang tama sa tagiliran ng sasakyan. I asked him kung nainform na niya ang Boss niya. Sabi niya, nainform na niya, pero ang sagot lang daw sa kanya ay “report it to HR Department” at parang inis pa na siya ay tinawagan.  I asked him kung saan nangyari ang banggaan, took my camera and proceeded to our HR Department. Nireport ko sa Transport Section and told them to send our Saudi Transport Coordinator.

Dumating ako sa lugar na pinangyarihan ng banggaan. Actually, banggaan is not the right term, binangga kasi siya. Ang tagiliran ng sasakyan, sa Driver’s side ay heavily dented at tumbok na tumbok ng nguso ng sasakyan ng nakabangga sa kanya. Before talking to them, kinunan ko ng letrato ang mga sasakyan at medyo iyong Indian driver noong nakabangga sa kasama ko ay tumututol pa. They were waiting for our HR guy,  amo noong Indian driver at ang insurance police na magiimbestiga.

Sang-ayon sa kasama ko, he was driving cautiously, mabagal nga lang kasi residential ang lugar at bawat kanto ay bumabagal siya. Nakacross na siya at nasa gitna na ng intersection ng mabilis na dumating ang sasakyan ni Indian at siya ay binangga. From the damage, talagang kita mo na si Indian nga ang nakabangga. Imposible na siya ang bumangga dahil tagiliran niya ang may tama, at iyong sa Indian ay wasak ang nguso ng sasakyan.

Umalis ako ng dumating na ang HR Coordinator namin para mauna na akong magreport sa GM at HR Manager, dahil nga tatlo silang malilate pagpasok. I printed first the photos I took at pagpasok ko sa office ni GM ay sinalubong agad ako ng salita na “I heard your kabayan was driving very fast and so reckless that he bumped another car in the highway.” Sinagot ko siya, “Who told you Sir?”. Na sinagot ako ng “his immediate Boss, and his Boss already asked our HR to send our Tranport Coordinator.”

Taragis na iyan sabi ko sa sarili ko, loko talaga ang Boss ng kasama ko. I answered him, “Sir, let me correct 4 points in your statement. First, he was driving slowly since it is a residential area, second, he was so cautious, third, he was the one who was knocked by the other driver, fourth, I was the one who reported the matter to HR not his Boss. His Boss just instructed him to report it to HR.” Tapos ipinakita ko ang mga photos ng banggaan.

He looked at it and told me (ang another GM who was in his office), “right, it is very clear that the other driver bumped him” Tapos tumawag siya sa HR, at ang sabi “I have here the photos of the accident, don’t ever agree that it is our man who caused the accident.” Kako, at least kahit ibang lahi ito ipinagtanggol ang kanyang nasasakupang tao.

Dumating ang kasama ko na nakakunot ang noo at ang asim ng mukha. Tinanong ko siya kung ano ang nangyari.

“Alam mo ba na after the investigation, ako raw may kasalanan? 75% of the damage ay shouldered ng insurance natin! And I have to pay 500 riyals as penalty for reckless driving!” ang sama ng loob na bulalas niya.

“Bakit nagkaganoon e kitang kita naman na ang may kasalanan ay iyong isang driver? Saan ka nakakita nang banggaan na ang may kasalanan ay iyong binangga sa gitnang gitna ng tagiliran at iyong nguso ang wasak at naroon pa nag at kitang kita ng Insurance Police na nakasubsob ang nguso sa tagiliran ng iyong sasakyan.” ang pakli ko.

“Ewan ko. Dumating kasi ang amo nung Indian, isang Saudi at nambully agad. Nambulyaw agad sa HR Coordinator natin. Saudi to Saudi. E kaso, iyong amo nung Indian ay government employee yata, kaya matapang. Nagpaliwanag ang HR Coordinator natin na kitang kita nga na ako ang binangga. Even the Insurance Police agreed.” ang sagot niya.

“E bakit nagkaganun?” ang kulit ko.

“Noong nagpapaliwanagan na, iginigiit noong Saudi na wala nga raw kasalanan ang driver niya kahit na saan daw magkita. Lahat ng arguments ng HR Coordinator natin ay di niya tinanggap.” ang patuloy niya.

“Finally, noong wala na maikatuwiran, ang sabi niya: HE IS THE CAUSE OF THIS ACCIDENT! IF HE DID NOT COME TO WORK IN THIS COUNTRY, THIS ACCIDENT WILL NOT HAPPEN!”

Case closed.

By the way, ang Boss ng kasamahan ko ay isa ring Pinoy.

—-00000—-

“Early man walked away. As modern man took control. Their mind’s weren’t all the same and to conquer was their goal
So he built his great empire. And he slaughtered his own kind and he died a confused man. He killed himself in his own mind.
Were only gonna die from our own arrogance. That’s why we might as well take our time.” – Sublime

Work Permit. Permit to Work. Whateverrr!! Sasakyan ko iyan…

Mayroon na naman issue sa pagtatrabaho dito sa Saudi Arabia na ikinababahala ng mga expats, lalo na ang mga Pinoy at malamang na ito ay sasakyan na naman ng mga pulitiko at media sa Pinas. Ang tinutukoy ko ay ang nakatakdang mandate ng Saudi Government na patawan ng 2,400 Riyals per expat as work permit daw tuwing mag-aapply or magrerenew ng Iqama (Resident Permit). Ang nasabing kautusan ay para mapalakas ang layunin ng pamahalaang saudi na maisakatuparan ang kanilang Saudization Program o iyong pagbibigay trabaho sa mga lokal na mamamayan.

Nasabi ko na sasakyan na naman ito ng mga pulitiko, dahil nga sa iyon naman ang gawi nila tuwing may ikinababahala ang mga manggagawang pinoy sa abroad. Alam naman natin ang layunin nila ay ang makapagpapogi at magkaroon ng free advertisement sa kanilang pangalan. Instead of studying the issue very well, ay agad agad na sasakay at nakakadagdag pa sa worries ng mga OFW.

Katulad ng isa kong post noong June 24, 2012 ( https://clinquantlife.wordpress.com/2012/06/24/isyu-ng-saudisasyon/) na tinalakay ko ang issue ng saudization na nakapagdulot ng agam-agam sa mga pinoy at maraming pulitiko (Sen Loren, Cong. Arnel Ty, etc) at magagaling na media men ang sumakay, nasaan na sila ngayon? Actually, 2010 ko pa ito naipaliwanag sa isang pagpupulong na mas lalong darami ang work opportunities sa saudi with the saudization.

At heto na nga ang isa pang measure na idineklara ng Saudi government para mapatatag ang Saudization, ang pagbabayad ng mas mataas na Work Permit Fee from 100 Riyals to 2,500 Riyals.

Maraming Saudi no doubt ang walang trabaho. Ang huling tala ay about 484,000 ang bilang ng mga ito. Oo, maraming trabaho, pero ang mga ito ay iyong tinatawag na 3D Jobs, i.e. Difficult. Dirty. Dangerous. Sa tingin ba ng mga beterano na sa Saudi ang mga lokal ay gagawin ito kapag wala na ang mga expats? At sa obserbasyon ng mga beterano, paano ba magtrabaho ang mga lokal? Di ba iyong mga white – collar jobs lang at iyong mga utos lang ng utos? Iyong mga work na 3C -Cool. Comfortable. Commanding.

Ang malaking kicker sa issue na ito ay ang isa pang mandate:  Tinaasan ang minimum na sahod ng mga lokal sa 3,000 Riyals per month at at allowance ng mga walang trabaho ay 2,000 Riyals. For 1,000 Riyals difference magtatrabaho ba mga iyan?

Sabi nga ng isa kong lokal na kaibigan na may negosyo, “bayaran ko na lang ang 2,400 Riyals at pasahurin ko ng 2,000 Riyals ang aking mekaniko, kaysa maghire ako ng lokal for 3,000 Riyals na wala namang output at kailangan ko pa ring may aalalay na expat sa lokal. Ibig sabihin 2,290 lang ang ilalabas kong pera buwan buwan for a very efficient job.” So, hindi rin matutupad ang objective ng gobyerno.

Pag may sumakay na pulitiko rito (%$#@?≠*), itanong natin kung ano gagawin niya sa sinasabi niyang madidisplace na workers.  Lalo na pag sinabi niya na hundres of thousands ang bilang ng mga ito.

Dapat pagtuunan ay kung paano palalakasin at future focused ang educational system natin para handa sa employment trend or demand sa darating na 10 taon.

That is aside from making our country conducive to local business. Para di na nagaabroad ang mga Pinoy.

—-00000—-

“What’s the worst thing that could happen? That seems to be the hottest topic at this time.I ‘m getting over, all the comments. I’m feeling statements made by people are nonsense. I’m getting stronger, by the minute. And once I slip into position I’ll swing you and turn you all around.” – Jason Mraz

Damos Graciass

Isa sa napaganda at napakadaling ibigay sa kapuwa ay ang pasasalamat. Napakaraming bagay tayong dapat ipagpasalamat sa ating kapuwa. Kahit na ang isang payak na ngiti galing sa ating kapuwa, ang maliit na tanong na “how are you”, o pagtulong sa trabaho at pagpapagaan ng iyong dalahin. Ang totoo, sa moment na magsimula kang maging mapagpasalamat sa mga bagay na nakadadagdag sa kung anuman ang meron ka, lalo itong madadagdagan.

Kung me nakagawa ng maganda, ng kabutihan sa iyo, baligtarin mo ang sitwasyon. Ikaw ang dumama, ang magsapuso ng diwa ng pasasalamat. Ibig sabihin kung halimbawa ay may nagbigay sa iyo ng pagkain, huwag lang iyong magpasalamat ka. Damahin mo. Lasahan mo ng husto ang pagkain, at love it for somebody gives it to you.  Be overwhelmed with joy and feel the happiness that somebody gives something “out of him/her”. Sa bawat segundo ng pasasalamat means redirecting your negative thought in the other direction at gawin hindi lang isang positive toughts kundi awesome thought and feeling.

Sa umaga, dumaraan ako sa tinatawag na Boofiah (Cafeteria) to buy sandwich na baon ko pagpasok. It is an alternate of Falafil (fried balled beans), tuna, fried egg, boiled egg, hotdog or chicken sandwich na puno ng vegetables at ang kaibahan dito sa paggawa ng sandwich ay nilalagyan ng french fries. One day, iba na ang tao sa Boofiah na lagi kong dinadaanan at di pa nila ako kilala. I ordered 1 boiled egg and 1 falafil sandwich. At tulad ng nakagawian ko, pagkabigay ng sandwich at chaii (milk tea) ay nagpasalamat ako sa kanya.

Kinabukasan daan uli ako sa kanya, and I told him I like his sandwich at pagkaabot niya sa akin nagpasalamat uli ako. I was surprised na 3 sandwich ang ibinigay niya sa akin. I gave him more money for the additional sandwich, but he would not accept it. Then, tinanong ko siya kung bakit sobra ang binigay niyang sandwich sa akin.

He told me “I worked in kingdom 5 years, different boofiah. Sir, this is the first time somebody say my sandwich is good and you the first to give thanks. I give you free one sandwich. ”

Everyday, basta dalawa sandwich ang binibili ko, dinadagdagan niya ng isa.

Ang pasasalamat ay feeling good every one of the 3,600 minutes in a day. Ang pasasalamat ay ang pagbabaling ng mga isiping negatibo sa kapapakinabang na gawain at attitude so that  life will move forward in a beautiful, prosperous, peaceful and harmonious way.

 

Kaibigan – Kababayan

Gawi na nating mga Pinoy ang humingi ng discount sa anumang bibilhin natin. Kaya nga kanya kanyang diskarte, gimik at galing ng pagsasalita upang makahingi ng tawad sa anumang bibilhin natin. Minsan pag di natin nakakaya sa paghingi ng bawas sa presyo, ang hinihingi natin ay ibang item. At kung minsan naman ay humihirit tayo sa pamamagitan ng hulugan para makagaan gaan.

Dala ng pagiging kuripot ko, bago ako bumili ng isang bagay lalo na kung hindi ito sa isang Department Store na fixed ang presyo, ay marami muna akong tindahan na pinupuntahan at nagtatanong ng presyo bago ako magdecide na bumili.Sa ganito kong style, nakakatagpo ako ng mga stores na naging kaibigan ko na, at ang lagi kong sinasabi sa kanila ay “I will bring friends here because you are good” syempre, mga Pinoy iyon. Pinoy lang naman ang mahilig mamili rito e at gusto ko rin na ang kababayan ko mag-enjoy rin ng murang presyo. Kasi, pag di ka marunong tumawad dito, talo ka. Madalas, halos kalahati ang tunay na presyo ang turing sa mga items na madalas bilhin ng Pinoy dito e.

One day, pumunta ako sa electronics store ng isang kaibigan kong Indian. Naabutan ko siya na inientertain ang isang Pinoy na customer. Hindi ko kilala iyong Pinoy, but it appears na di sila magkasundo sa presyo. Nilapitan ko ang Pinoy at kinausap ko in Pilipino.

“Kabayan, kunwari magkakilala tayo ha. Tulungan kita na makatawad dito sa kaibigan ko.” Ang sabi ko.

“Ayos sir, “ ang sagot niya.

“Magkano ba ang tawad mo?” tanong ko.

“120 riyals Sir, 180 ang last price niya” sagot niya sa akin.

“Masaya ka bas a 150?” tanong ko uli.

“Oo Sir. Iyon nga ang target ko e.” ang kanyang sagot.

Binalingan ko si Indian friend.

“Sadik, this Pinoy is my friend. I asked him to go to your store because you are a good friend. Now, you are not giving him good price. I will tell all my friends not to come to this store anymore. Okay, give it to him for 150 riyals. No more haggling. My friend Pinoy, okay with you for 150 riyals?” ang sabi ko.

“Okay for me.” Tugon ni kabayan.

Bumigay si Indian at ang sabi pa sa akin “Thank you my friend, you give many customers to me. I am sorry, I did not know he is your friend.”

Masaya ang lahat.

Si kaibigang Indian, akala niya si Pinoy ay kaibigan ko na dinala sa kanya.

Si Pinoy naman, nakuha ang item sa gusto niyang presyo.

Ako naman, nadagdagan ang kaibigan.

Win sila. Win ako.

—-00000—-

“When the sun shines, we’ll shine together. Told you I’ll be here forever. Said I’ll always be a friend. Took an oath I’ma stick it out till the end. Now that it’s raining more than ever. Know that we’ll still have each other. You can stand under my umbrella.” – Rihanna

Sa Langis pa rin

Nagsadya kami sa planta ng Saline Water Conversion Corporation (SWCC) dito sa tabing dagat sa Aziziah, Al Khobar upang magresearch. Me ginagawa kasi akong proposal para sa negosyo namin sa kompanyang ito dahil gusto ko naman na mapasok namin ang SWCC.

SWCC, an entity under the authority of the Ministry of Water and Electricity (MOWE), is responsible for desalinating sea water, in order to augment the supply of potable water to coastal and inland cities in the Kingdom. Ang SWCC rin ang pangalawang pinakamalaking  electric power producer sa bansa at siyang namamahala sa operasyon ng 30 publicly-owned desalination plants, mga pumping stations at imbakan ng tubig at mga 3,700 km ng tubo ng tubig to distribute water in Saudi Arabia.

Ang desalination plant sa Al Khobar produces 450,000 cubic meters of desalinated water per day and 811 MegaWatt of electric power. This plant uses the Multistage Flash (MSF) technology sa pagaalis ng asin sa tubig o iyong iniinit ang tubig at certain pressure upang magevaporate tapos ay magcondense.

Kinausap namin ang Head ng maintenance at ng projects upang malaman namin ang volume of work that SWCC turns out for their plant. Dahil nga sa maalat ang kanilang tubig na kinoconvert, ang scale formation, corrosion ang main na kalaban. This result to more projects involving maintenance and replacement of part. Doon naman ang opportunities ng aming kompanya to have business with SWCC.

After the discussions, come the ungguyan time na. Nagpadala ng tea at cookies sa Tea Boy at nagkuwentuhan na kami. Nagkapalagayan na ng loob at nagtatawanan na kami. Tinanong ako tungkol sa isa naming product, kung saan ito galing. Sabi ko iyong Magnetrol is from Belgium at iyong Sirco naman ay from UK. We had an exhibition kako sa ADIPEC last month. Sabi nung I&C Foreman, nasa ADIPEC din daw siya at nakuwento na medyo nainis pa raw siya pagbalik niya rito sa Saudi via Dammam Airport.

Dahil ba kako sa haba at tagal ng pila sa immigration. Normal na kako iyan sa immigration dito. You see how different they are in UAE and Qatar, or in any other countries in GCC. Napakefficient at napakasisipag.  Dito e kahit na mahaba na ang pila, di pa rin magexert na konting effort na magmadali, o magdagdag ng officers para maraming booth ang mapipilahan. Worse pa kung abutan ng prayer time o ng tea time.

Oo nga raw. Nainis daw siya kasi, ang haba na ng pila nila, tapos bigla nagdagdag ng isang immigration officer. Lumipat sila doon sa bagong bukas na booth, pero sabi noong officer ay para sa mga taga Aramco lang daw iyon. Di raw siya umalis, at nung tinanong daw siya kung taga Aramco siya, sinagot niya na taga SWCC siya.

What is SWCC? Ang tanong sa kanya nung officer. Sinabi niya na Saline Water Conversion Company. Hindi raw niya alam iyon, basta pang-Aramco raw iyon. Pasinghal daw na sinabi niya na “we produce water that you use every day, don’t allow me to pass and we will cut your water supply.” Tinatakan na lang daw ang passport niya at pinadaan na siya, pero di pa rin daw makuha noong officer ang ibig niyang sabihin.

Hinaing niya sa akin, “this is the problem with our company, we are not known like Aramco.” Sinagot ko naman na, marahil ay sa branding at marketing ng inyong kompanya. SWCC is really difficult to remember, I suggest yo ustart calling your company simply as “Water”, then people will understand.

Then, I added.. “that only shows that in this country, they care more for oil, than water..”

—-00000—-

“All I wanna say is that they don’t really care about us. Tell me what has become of my rights. Am I invisible because you ignore me?” – Michael Jackson

Pekeng Duck (Fake na Itik)

Pag-usapan naman natin ang tungkol sa expertise ko, ang Sales, Marketing at Business Development. Ito sana ay gusto ko iparating sa mga may-ari ng kompanya namin dito kaya lang me mga tatamaang katutubo, at kanilang mga kaalyadong ibang lahi, e baka kuyugin ako.

Ang isang kompanya ay umaangat dahil sa benta, at ang grupo ng nagbibenta at gumagawa ng diskarte sa pagbibenta at pagpapalakas ng benta ang siyang mga tsuper, kutsero, abyador, makinista, timonero, giya ng negosyo ng kompanya. Ang ikaaangat ng isang kompanya ay nakasalalay sa kalidad at kakayahan ng kanyang mga tao sa sales.

Sa dakong ito ng mundo, ang daming mga ibang lahi na walang patumangga kung mandaya ng kanilang mga qualifications, documents at experience at ang nakapagtataka, ay nakakalusot. Dahil na rin siguro sa kalahi nila ang nagiinterview, at nagi-screen ng kanilang applications. Sa grupo ko ay lima kaming Pilipino at di naman sa pagbubuhat ng bangko, mga performers talaga. Ang ibang lahi, puro daldal, puro utos at puro palusot. Merong nahire na isang Marketing Manager kami na pag nagpupunta sa customer ay di ipinapakilala ang pangalan kundi ang kanyang posisyon, which led us to believe na dito lang nagkaposisyon. Kasi wala ring resulta e. Then, I took his CV, reviewed it, and verified it from him, I wrote down in front of him his experiences and his education, sinuma ko ang mga years sa harap niya, lumabas na negative 6 yrs ay grade one na siya. Taragis na iyan, ni hindi pa yata nagkakakilala ang kanyang mga magulang ay grade one na siya. Ni hindi pa siya binalak na binuo ng kanyang magulang. He was eventually kicked out after 1 and a half years of receiving high salary for nothing in return. Ang kinalabasan ay tindero lang pala sa kanilang bansa na sumasahod ng wala pa sa 1/20th ng nakuha niya rito, kaya iyong 1 and half years niya ay katumbas na nga 360 months or 30 years na sahod niya sa kanila.

Walang modo, walang customer relations at di nakakaintindi ng salitang teamwork. Maghapon na nakatunganga o kung lalabas man ay madalas kong mahuli na nakapark sa mall, o sa tabing dagat at natutulog. They’re really annoying, and even if we ask them to perform, they will not. I think they were hired by our Boss, because he just want to fill in the vacancy with his countrymen. At para lang hindi mapaso ang visa. He didn’t think about firing them because our sales is high anyway.  I told him, being also an employee like me and an expat at that,  we have to improve our sales, raise our target and have a higher sense of accomplishment. Fire the other people and hire true sales people. Tinanong niya, ano raw ang totoong sales people. Gusto ko sabihin sa kanya, just look at the Filipinos, hindi lang sa sales kundi sa lahat ng sulok ng kompanya.

That is when I somewhat asked him to answer True or False. Iyan ba kakong ibang lahi ay magalang, friendly at may pagcare sa business relationship. Kasi kako, ang pansin ko, ang customer ay bale wala sa kanila, para sa kanila ang dapat na masiyahan ay ang Boss. Kaya nga kung ipagtimpla ka ng kape, kung dalhan ka ng Zatar Pie, o magsumbong ng ganyan ganito, bolahin ka, kuwentuhan ka ng kung anu-ano, pero pag customer ang kausap ay galit at di sinasagot ang cellphone. Ang mga nagtatrabaho ba (mga pinoy) narinig mo na nanghingi ng bonus o incentives, pero ang mga hindurupot na mga iyan, konting kibot ay incentives ang hinihingi.

Hinamon ko pa nga ang Boss ko e, pumunta kami kako sa isang area na hindi ko madalas na puntahan dahil nagagalit iyong isang tagabenta pag nagpupunta ako roon kasi ang dami kong nadidiskubre. Sabi ko, sabay sabay kaming tatlo na pumunta roon at bilangin niya ang babati sa akin, sa kanya at ke amuyong. Kung sino ang maraming kakilala at kung sino ang unang aalukin ng kape o tsaa. Makikita niya kung sino ang tunay at full bloodied na sales and marketing guy.

Kaya nga ang aking rekomendasyon ay bigyan namin ng pagsusulit ang mga tao namin, interview uli at ang hindi makapasa ay ilipat sa ibang departamento. Ayoko na marinig ang katuwirang “As long as I receive my salary on time, I don’t care.”

But that is the reality in the corporate world, kahit na saang dako ng mundo. Mayroong madiskarte sa amo kahit na walang output, at mayroong magaling sa timing sa pag-ako ng credit kahit na makapang-apak ng kapuwa. Sabagay, ang pag-iimbot, katakawan at agawan ay bahagi na ng kultura ng ibang lahi.

Mapalad pa rin ang mga Pinoy, dahil kinikilala ang kanilang galing ng mga propesyonal na organisasyon dito tulad ng Saudi Aramco, Worley, Foster Wheeler, atbpa. At alam nila na istrikto ang mga ahensiya ng gobyerno sa pinas sa pagbibigay ng mga documents ng pinag-aralan at qualifications. Hindi basta basta makakapang fake. Hindi tulad ng ibang lahi ng mga Pekeng Ducks (Fake na Itik). Kung sa Pinas ay may Recto, sa kanila ay bawat bayan ay mga 10 ang Recto. Di naman ako galit niyan. Nagpapaliwanag lang.

Higit sa lahat, ang Pinoy ay malawak ang nalalaman, flexible at magalang. Pinoy lang yata ang kung magsalita rito ay laging may “sir” at kung puwede lang at maiintindihan ng iba ay laging may “po” at “opo”.

At ang pinakahigit sa lahat….

Ang Pinoy ay MALINIS at MABANGO!!!

—-00000—-

“Working 9 to 5. What a way to make a living. Barely getting, It’s all taking and no giving. They just use your mind and they never give you credit. Its enough to drive you crazy if you let it.” – Dolly Parton