Usapang Quezon

I was invited to a birthday lunch ng isa kong kababayan sa Quezon. Maaga pa ay naroon na ako sa kanila dahil nais kong tumulong sa paghahanda ng pagkain. Isa pa ay nais kong makilala ang sinasabi niyang mga kaibigan niya na taga roon din sa bayan namin. Isa sa mga ito ay pamangkin ng aking kaklase noong high school, another one ay naging boyfriend daw siya ng pinsan ko. Mayroong nagsabi naman sa akin na malayo ko raw siyang kamag-anak. Sa madaling sabi, lahat kami ay iisa ang punto ng salita, ang nalalaman sa aming lugar at ang mga personalities na naninirahan doon.

This is the beautiful sunset in my hometown’s bay.

Mayroong maikling pagdiriwang at pasasalamat sa Panginoon, bago maglunch. Walo kami na nauna at may mga dumating pang iba na taga sa amin din at sa kalapit na bayan. Nakakatuwa ang kuwentuhan at kung puwede ko lang irecord ay gagawin ko dahil feeling ko “I travelled 30 years back in time.” Heto more or less ang takbo ng usapan.

“Kakaaduwa ka naman Alex. Kakahiya kay Sir, di ka man lang nagdamit ng maayos, kakapinaw mo lang yata niyan sa sampayan ay” Ang sabi ng isa, na sinagot naman ni Alex. “E naamoy ko kasi ang isdang binangi, palagay ko may tinoto pang kasama, kaya minadalai ko ang  paghambo at baka maubusan e. Alam mo namang puro ginanga ang ulam ko. Huwag ka nga pasyahan Ricky, ako ay lalakdang na dito ha.”

“Ay yanu ka talaga, bala bala e papormal ka ay asbag ka rin naman. O, mamaya baka di ka mangunguli ng pinagkanan. Huwag kang mag-alala, marami pagkain, may pampagana pang ginisang balaw.”

“Happy birthday nga pala Junjun. Ilang taghibas at taib na ba ikaw ngayon? Bag-as na bag-as ka nang tignan a, magaling na ba ang iyong kulebra?”

“Nagkakulebra ka ngani?” Ang tanong naman ni Yusi, (for Eusebio) na taga Marinduque.

“Oo. Aywan ko kung saan galing.  Ay napadali ako sa planta, wala namang sugat, aba ay after two days, nagnaknak, parang kulebra ay. Yanong hapdi at kati. Nahagas nga ako ay.”

Isa sa tanging okasyon ng pagsasama sama ng magkakaibigan ay ang pagsasalu salo pag mayroong may kaarawan.

“Heto lang ang masarap na parte pag magkakabayan ang nagkikita, ang kainan. Ilang damak na naman kaya ako ng kanin nito mamaya. Sana may adobong buktit o kaya ay nukos, ay yanu yan, ang liit naman ng isdang yaan, tambong pa lang yaan ah, nahuhuli ko lang sa pier pag ako ay naghahapin.” Ang sabi naman ni Tuding.

“Kahapon nung bumibili kami sa isdaan, mulaga ang mata ni Botong, nakakita ba naman ng chicks. Ay kahit na ang tugno tugno niya, ibinigay muna sakbat sa akin at papakilala raw siya. Para lang kakong nakatambay sa Tibag a. Durong tawa ko. Maliit ang mundo talaga. Ay pamangkin pala niya iyon sa pinsan niya sa Hagakhakin.”

“Tumigil ka nga diyan. Baka tambain kita ng hawak ko ay. Tatawa tawa ka ay napahiya na nga ako. Ay yanong barino ko noon.” Ang sagot naman ni Botong na sinundan ng malakas na halakhakan.

“Hala ay tayo ay magkainan na at mabibingkong na itong silok na hawak ko. Tigisin na ang sopdrenks sa baso para ready pag may naluluugan. Kulang ang upuan natin, isod na lang po tayo, o kaya ay lumupagi na lang ang iba para maghasi tayo. Walang magpipirde ng pagkain ha. Alalahanin natin na marami sa linang ang hindi nakakatikim ng ganitong pagkain. Narine ang hawong na para sa sabaw. Bahala na si Ato mamaya sa pagdadayag, hahaha. Basta lahat tayo ay nakaumis iyong parang naliligawgawan para kahit paano ay malimutan natin ang homesick .”

“Okay po. Magdasal muna tayo bago kumain.”

Ay talagang aliw na aliw ako sa araw na iyon. Namiss ko tuloy ang barkada ko noon, si Archie, Morris, Tito, Nick, Raul, Udong, Jun U., Pando, Ato, Ulok, Errol, Louie, Jongjong, at iba pa. Masayang buhay nang pagdadaisan, sama – sama anuman ang abyarin, sa halagang salapi ay nakakakain ng tanghalian.

Maaaring malabo na uli kaming magkasamasama ng aking barkada. Hindi na kami makakapangharana, hindi na makakapag-tidsu, o kaya ay maligo sa pulong niyugan o dumayo ng basketball sa Calauag, o kaya ay mamiyesta sa Dominlog ng aakyat ng 2 bundok. Pero sa puso ng bawat isa ay naroon ang alaala ng kabataan na siyang utay utay na naging pundasyon ng aming buhay sa ngayon.

Ipinagmamalaki ko na ako ay taga-Quezon. Ang lugar ng mga masasayang tao, tapat sa pagtutulungan at hindi nahihimbi kaninuman.

Yanu yan ay.

—00000—-

“As I go through the photographs, I laugh and turn the page It’s the ballad of me and you, from such an innocent age Talk about a dream come true, we reinvented a phrase It’s better than it used to be, back in my younger days” – Don Williams

11 Comments

    • Yes. Kuritas is the modern day Band Aid… or as Aling Dionisia puts it “Ban-id”.. Marami talaga tayong mga salita na naririnig lamang natin sa mga Taal na tubo sa ating lugar. Isang halimbawa sa Mauban, Quezon na ang letter “d” sa hulihan ng salita ay pinapalitan ng letter “r”.. e.g. “Sarsar na sa puntor, ay gaor ka pa ng gaor, naparpar tuloy sa tuor ng punong basyar”..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s