Buti pa sila

Isang kaibigan ko rito ang napansin kong nagdeactivate ng kanyang FB account. Inakala ko na ilang araw lang ito tulad ng iba at babalik din. Hiatus, hibernate, dormant, hole up, immure,  stagnant, torpid, somnolent o nagpalipas lang.  But, a month passed at talagang di na siya bumalik sa FB.

Nagkita kami last week at naitanong ko kung bakit siya nag-out na sa FB. One by one ay binanggit ko ang mga posibleng dahilan, parang sa FB kapag magdideactivate ka.

  • Do you spend too much time using Facebook.
  • Don’t you feel safe on Facebook.
  • Do you have a privacy concern.
  • Is your account hacked.
  • Is this is ll be back.
  • Do you have another Facebook account.
  • You don’t understand how to use Facebook.
  • You get too many emails, invitations, and requests from Facebook.
  • You don’t find Facebook useful.

NOTA raw (None Of The Above). Tinanong ko siya,” e bakit? Ang saya pa naman ng mga asaran sa FB e.” Sagot niya, “nakakadagdag lang sa hinanakit at sama ng loob.” Whew! Nagulat ako roon. “Bakit naman” kako.

Sagot niya, “alam mo ‘dre tayo ay narito sa abroad nagtatrabaho. Ang tingin sa atin ng mga nasa Pilipinas ay ang yaman yaman natin. Ang dating sa kanila, nagpapala tayo ng pera at masayang masaya tayo rito. Pero di nila naiintindihan ang hirap na dinaranas natin. Ang init, lamig, hirap ng loob lalo na kapag nagkasakit ka at limitado ang oras ng dumaramay sa iyo dahil lahat ay may trabaho. Tapos, pressured ka pa sa trabaho, e dito pa naman, ang mga pinoy lang yata ang marunong gumalang at magsalita ng mahinahon. Dagdag pa ang isipin na magchachat ang anak mo, nanay mo, asawa mo, puro daing tungkol sa pera. “

Sinundan pa niya ng “me mga pagkakataon pa malalaman mo ang anak mo na pinapaaral mo, hindi pala pumapasok. Hihingi sa iyo ng pera, ng laptop, ng cellphone, ng tablet e parang binibingwit lang dito sa dagat ng Al Khobar. “

“Pards, talagang ganyan. Iyan ang papel natin sa mundo. Ang gawin ang lahat para sa kanila, kasi bottom line – mahal natin sila.” ang sabi ko naman.

“Okay lang iyon ‘dre, kaya ko iyon. Naiintindihan ko. Tungkulin ko iyon bilang isang nagmamahal na ama, ” pakli niya. “Kaya lang ‘dre, iyong huling post ng isang kababayan ko sa wall ko ang di ko nagustuhan.”

“Ano iyon pards?” ang tanong ko.

“Nanghihingi siya ng donasyon para sa pagpapagawa ng simbahan sa aming bayan, which is okay sa akin. Parte ng kabataan ko ang simbahan na iyon at malaki ang nagawa sa pagmolde ng aking katauhan.” sagot niya. “Naoffend lang ako sa manner ng panghihingi niya, na nasundan pa ng iba kong kaibigan na nanghingi na rin at iba’t ibang klase ng pagdodonasyon.”

“Anong ibig mong sabihin? Paanong nakakaoffend iyong ginawang panghihingi sa iyo?” usisa ko.

“Ang sabi sa akin, Don Osmundo ibahagi mo naman ang kayamanan mo. Paulanan mo naman ang mga kababayan mo rito. Huwag mong bulukin sa taguan ang kaperahan mo.” ang kanyang sabi sabay buntong hininga. “At iyong iba ay ganun na rin ang pinagsasabi.”

“Dre, una hindi ako mayaman. Kung ako man ay nakapagaral, nagkaroon ng maayos na hanapbuhay, iyon ay dahil sa pagsisikap ko. Sila na mga kumukutya sa akin noon ay patuloy na di ako iginalang. Bakit kailangan nilang sabihin iyon sa akin. Isa pa, sila ba ay may ginawa nang pagtulong sa kapuwa nila roon?” ang puno ng hinanakit niyang hinaing.

“Pards, ang tao ay iba’t iba ang pananaw sa kanyang kapuwa. Isipin mo na lang na napakapalad mo at dahil sa kanila, sa challenge na ibinigay nila sa iyo noong ikaw ay kinukutya, ikaw ay nagsikap. Iyon ang apoy na nagsilbing gatong sa iyong dibdib, at ang sinasabi mong di ka iginalang, palagay ko ay iba lang ang way nila to express respect sa iyo.” ang payo ko.

“Ewan ko ‘dre. Kaya nga I decided to deactivate my FB, kahit nga ang YM ko, nagiba na ako ng account. Isa lang ang sasabihin ko ‘dre, di ako magtitiis dito, di ako magtitiyaga rito, di ako magpapakasakit dito, kung ako ay mayaman. At tandaan sana ng mga nasa pinas, kahit na malaki ang kita ko, malaki rin ang gastos ko. Mentras lumalaki ang kita, dumarami rin ang umaasa. At ang mga umaasa, di na nagsisikap. Mas masuwerte sila. Nasa sariling bayan sila.”

—-00000—-

“And a little luck, we can clear it up. We can bring it in for a landing, With a little luck, we can turn it on. There can be no misunderstanding. ” – Paul McCartney

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s