E ano nga kung 2013 na?

Ano ba ang Bagong Taon? Sabi sa Wikipedia, “New Year is the time at which a new calendar year begins and the calendar’s year count is incremented” o ito iyong pagpapalit o pagdadagdag ng taon na nagsisimula sa ika-1 ng January. January being the first month of the year, so the first day of January is the start of the New Year.

Pinaniniwalaang si Julius Caesar ang nagpanukala na ang January 1 ang unang araw ng taon noong 46 BC. Ito ay dahil sa ang January ay kinuha sa pangalang ng Roman God Janus, who is personified as having two faces, one facing the front and the other facing the back, and he is believed to be the god of doors and gates. Para kay Caesar ito ay simbolo ng pagpapalit ng luma at bagong taon. At marahil ay sa kanila rin nakuha ng mga tao ang marangyang pagdiriwang because Roman celebrations of the New Year were flooded with blood and drunkenness.

E ano nga ba kung 2013 na? Ang excitement at ang kaligayahan ng pagdiriwang ng Bagong Taon ay parang nagnipis na dahil sa Social Globalization na dala ng Internet at iba pang communications. Nagdidiliryo sa pagdiriwang ang mga tao sa United States, o ang mga British ay langong lango na sa alak at pagkain, samantalang ang mga tao sa Pinas ay may mga hang-over na, o marami na ang naputulan ng daliri at naligawan ng bala ng baril. Nagbabatian ng Happy New Year sa California at sa Canada, samantalang sa Pilipinas ay balik sa kaguluhan ang mga kakapagbati lang ng magdiwang ng Bagong Taon.

Ang Bagong Taon ay pagbabago? Madalas natin itong marinig, coupled with New Year’s Resolutions. Let me ask you.. what is Resolution? Palasak na palasak natin itong maririnig at ang madalas na interpretation ng Resolution ay “a list of changes in one’s behavior to be done in the new year.” Right, ang alam natin ay it is “A LIST”, kaya naman ang haba haba ng listahan ng resolutions na gagawin for the new year.

Resolution is “a firm determination to do something.” Firm, matibay, matigas. Determination, determinado, naninindigan. Something, may resulta, may pagbabago. And that is the gist of what I am telling. Baliktarin natin ang diwa ng New Year’s Resolution. Ang matigas na determinasyon upang gumawa ng pagbabago tuwing bagong taon. Sa tuwing tayo ay determinadong nakagawa ng pagbabago – iyon ang Bagong Taon, dahil ikaw ay isa nang Bagong Tao.

Isa pang maling notion sa New Year’s Resolution ay ang biglaang pagbabago. Ang pagbabago need not be dramatic. Ang pagbabago ay maaaring magumpisa sa maliit, sa unti-unting pagsugpo ng mga hindi kanais nais na gawi. So that the total change will not be difficult.

By having an attitude of “New Year comes everytime we make a change” di na natin kailangan na dumating ang a-31 ng Disyembre para magkaroon ng panata ng pagbabago. Makikita natin na lagi na ay nagdiriwang tayo ng Bagong Taon sa maraming pagkakataon sa loob ng isang taon (pardon the redundancy).

And by the way, dahil marami ang lasing pag Bagong Taon, lasing din ng maglahad ng New Year’s Resolution.

—-00000—

“This past year was good to us the one before just a little rough. .We’ve made our mistakes with love we learned that it can’t promise us. Tomorrow and forever things what will the new year bring.” – Donna Fargo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s