Naindiyan ng New Year

Gabi ng a-30 ng Disyembre, pagdating ko galing ng Riyadh ay dumaan ako sa Lulu Hypermarket at namili ng prutas, manok at gulay para sa pagdiriwang ng Bagong Taon. Alam ko na ang mga kasamahan ko ay wala pang sahod kaya I opted na maghanda ako kahit papaano.  Di ko naman gusto na maulit noong pasko na kami ay sa restaurant nagkainan. Pag sa restaurant kasi ay walang pagdiriwang. Kain ka lang at pagkatapos ay lalabas na ng restaurant. Ang plano ko ay magluto ako ng pansit, chicken balls in sweet and sour sauce, mga prutas at kung ano naman ang mabibitbit nila sa bahay.

Kinabukasan, sinabihan ko ang mga kasamahan ko na instead of going out at patak patak ay sa bahay na lang pumunta at magcelebrate dahil me mga handa naman ako. I also called my friend sa isang restaurant na ipagluto kami ng spaghetti, itatawag ko na lang sa kanya kung “go” na.

Umuwi ako ng tanghali at inihanda ko ang pagkain at lamesa. Iginisa ko ang mga sangkap ng pansit para ready na at ganun din ang sauce ng chicken balls.

Balik ako sa office at tinapos ang mga reports at documents na kailangang pirmahan. Nang mag-uuwian na, my friend sa restaurant called me kung lulutuin na ang spaghettiat, sabi ko wait muna. Magsasalang na sana ako ng pansitin ng tumawag si Arnel at sinabi sa akin na walang makakapunta dahil nakapagbukas na raw ng YM/FB/Skype, etc at kachat na ang pami-pamilya sa Pinas. Buti na lang pala at di pa ako nakapagsalang. Tinawagan ko ang aking kaibigan at kinansela ko ang order kong spaghetti.

toshiba-laptop-computer

Nalungkot ako at naisip ko na after all of the preparation ay di man lang sinabi sa akin nga maaga na di sila magsisipunta. But, on second thought, naisip ko na hindi ko naman sila puwedeng agawin sa pakikipag-usap sa kanilang mga mahal sa buhay. This is a Filipino tradition na mahirap harangan, ang pagsasama sama kahit man lang sa Social at Chatting Sites tuwing bagong taon.

I turned on my YM and talked to my family. Sabay sabay kaming kumain since it was about 12:30 AM of 2013 sa Pinas, kahit man lang sa pamamagitan ng YM. Now, I can relate better bakit ang mga kasama ko opted to stay in their rooms.

Nakita ko rin na opportunity ko ito upang magbalik-tanaw sa nakaraang taon at pasalamatan ang Panginoon sa mga biyaya, pagpapala, pag-iingat at pagbibigay ng mga kaibigan at mahal sa buhay upang maging bahagi sa lungkot o ligaya at kabiguan o tagumpay.

At sa pagbibigay rin ng Panginoon sa akin ng mga taong ayaw sa akin, mga istorbo, mga kontra-pelo, mga sakit ng ulo, mga pasaway, dahil sa challenge na ibinibigay ng mga taong ganito at ang pasensiya at lakas ng isipan na lalong nadidevelop sa akin.

KANGEI 2013!

—-00000—-

“All is quiet on New Year’s Day. A world in white gets underway. I want to be with you. Be with you night and day. Nothing changes on New Year’s Day. On New Year’s Day.” – U2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s