ALONEliness (一人で孤独)

I have a friend here who constantly complained of his companions in his accommodation. Lagi niya sinasabi na hindi man lang siya tinutulungan na maglinis ng banyo, ng kusina, ng buong bahay. Ang salas daw ay nanlilimahid, tapos madalas daw ang pinagkanan ay itatambak lang sa lababo at kinabukasan na huhugasan, iyon ay kung sisipagin maghugas. At kung hindi raw ay siya ang maghuhugas.

Maging ang pagkain ay inirereklamo niya. Kesyo madalas daw na siya ang bumibili ng bigas, mantika at iba pang sangkap sa kusina. Ang tatlo raw niyang kasama ay madalas din daw na iniaasa sa kanya ang pagluluto. Siya rin daw ang nag-aasikaso ng lahat ng bayarin sa tirahan nila – ilaw, internet, atbpa maging ang pagpapalit ng mga pundidong bumbilya o sirang gripo.

Nagdecide siya na lumipat ng tirahan. Pinili niya ang single bedroom flat, na me salas at kusina para raw sarili lang niya ang inaasikaso niya at hindi na ang iba. At least, mapapanatili raw niyang malinis at maayos ang flat niya at walang umaasa sa kanya sa pagbili ng pagkain.

Nung unang dalawang buwan niya sa flat ay halos weekly napapasyalan ko siya, pero nitong nagpandalas ang aking biyahe, in and out of the kingdom ay di na ako napasyal sa kanya. Umabot ng tatlong buwan bago ako muling napunta sa bahay niya. Dinalhan ko siya ng Atsarang Ampalaya at tinext ko na doon ako maghahapunan after ng laro namin ng basketball.

Masaya siya nang makita niya ako pero napansin kong nangayayat siya at iba ang aura niya. Di siya galawgaw at palatawa tulad ng dati.

He opened our conversation tungkol sa pagkakapromote at dagdag sahod niya, pero may kasama na itong mga hinaing at panay buntunghininga.

“Alam mo, mahirap pala ang nag-iisa ka. Noong mapromote ako at nadagdagan ang sahod, tuwang tuwa ako. Gusto ko maishare sa iba ang katuwaan ko. Alam mo bumili ako ng pagkain noon, pero pagdating ko ng flat, nag-iisa ako. Sino ang kakain nito kako sa sarili ko. Iba iyong may kakuwentuhan ka at nakakasalo mo sa katuwaan.”

“Oo naman, ” wika ko. “Pag may kasama ka lalo nadadagdagan iyong saya mo at nakapakagaan sa pakiramdam”

Sagot niya, “Namimiss ko mga dati kong kasama, kahit naman ganoon sila, ang bigay naman nilang saya sa akin, todo max. Iyon bang pag-uwi mo, ay may kakuwentuhan ka, may kakulitan.”

“Alam mo, ang kaibigan, kasama, katrabaho, kalaro, kabayan, katropa.., iyan ay bigay sa atin ni Lord para magfunction ang lahat ng sensory system, nervous system, puso, isip at katawan, dahil nag-iinteract ka. Nagagamit mo ang iyong tenga, mata, bibig, pang-unawa, tuwa, at kahit iyong inis, dabog, bad trip.. iyan ay mga gatong sa ating katawan at isipan para lagi tayong aktibo… tayo ay buhay, gumagalaw, nakakadama, nag-iisip at umaasa.” Ang paliwanag ko sa kanya.

“Tama ka. Baka ako maburyong dito. Baka isang araw ay kausapin ko na sarili ko. Sana magkasama sama uli kami. Kakahiya man e tanggapin ko na, basta sama sama uli kami.” Ang kanyang nasabi.

Makaraan ang dalawang buwan, tinawagan niya ako at nagpatulong na makahirap ng pick-up. Maghahakot daw siya ng gamit niya.

Babalik na siya sa dating flat. Kasama ang dating mga kaibigan.

Balik ang kanyang katinuan.

—-00000—-

“Let me ask you a question. Will you lend me your ear. Do you know the meaning of emptiness. If not I’ll make it clear. Alone, alone. Nobody knows how lonely it can be. And I’m so tired of being alone.” – Utopia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s