Singhutin mo pa Sir!!

Normal route namin pag-uwi from work ay driving to Bahrain – Abu Hadriyah Highway, a 32 km stretch from the junction of Dammam-Abqaiq Highway which is about 15 km naman from our office. Then we’ll proceed left, before the Toll Plaza of the Bahrain Causeway to the highway going to Dharan and turn right to 30th street, Al Khobar.

About 100 meters pagkakaliwa namin sa Riyadh street ay may Checkpoint, na normal na in this country. Ang purpose ng checkpoint ay kung mayroong mga takas, mga pinaghihinalaang walang residence permit, mga illegal na drugs, alak, at iba pang mga bawal sa bansang ito (of course kahit naman sa ibang bansa ay may mga ipinagbabawal din). Normally naman, di kami pinapapatigil kasi mag parking light ako kaagad, open my window, turn on ang ilaw sa loob ng sasakyan at inilalabas namin ang ID namin ng kompanya. This way, alam kaagad nila na mga professionals kami at makita nila na Pinoy kami. Kadalasan kasi sa mga pinapahinto ay numero uno na ang Pakistani, Sudanese, Bangla Deshi-Indian-Sri Lankan, kasi maraming mga krimen na nangyayari rito na sangkot ang mga lahi na ito.

Nagtaka ako at kami ay pinatabi ng police, at may kasunod kaming mga Pinoy din. Tapos, pinalabas kami ng sasakyan at sinabihang sa tabi lang muna kami. After nang sinusundan naming kotse ng mga Indians, ay hinalughog na ang aming sasakyan. Inuna ang trunk kung saan naroon ang bag namin, ang laptop at ang dalawang bola ng basketball. Talagang lahat ng sulok ay sinaliksik at inilawan. Then pumunta sa unahan at binuksan ang cupboard, kinapa at inilawan. Tapos ang ilalim at likuran ng upuan.

Noon ko narealize kung ano ang talagang hinahanap nila ng makita nila  ang dalawang bote ng mineral water. Una, tiyak na drugs ang hinahanap nila (which explains kung bakit Pakistani, Bangla ang kanilang pinapahinto), ikalawa, ay ang alak, kasi noted na ang Pinoy sa paggawa at pagbibenta ng alak dito. Talagang di ko nga maintindihan kung bakit alam ng mga kababayan natin na bawal iyon dito, at kasama iyon sa ipinagbilin sa kanila bago magpunta sa bansang ito, pero marami pa rin ang matigas ang ulo. Kapag nahuli naman, at nakulong, isinusumpa ang mga Saudis at puro drama na nagpapatulong sa ating gobyerno.

Balik ako sa pagkuha niya ng bote ng tubig. Iyong unang bote ay may kaunting laman, binuksan niya at inamoy. Di pa nakontento at ibinuhos sa hawak na tissue at inamoy ng inamoy. Then, kinuha niya iyong ikalawang bote. Tagal niyang inamoy. Although iyon ay wala nang laman, dahil naibuhos ko na ang laman. Naghahanap lang ako ng basurahan para itapon ang bote.

Di ko mapigilan ang matawa habang paulit ulit niyang inaamoy ang bote. Then finally, sumenyas na siya na puwede na kaming sumakay habang panay ang punas niya sa kanyang ilong.

Kaya ako natatawa, ang bote kasing iyon ay dating may ihi.

Dito kasi di puwede ang gawi nating mga pinoy sa pinas na kahit saan ay iihi na lang. Galit sila roon, dahil parang aso raw. Kaya kahit na medyo awkward, huwag lamang magkasakit sa bato, sa bote ako umiihi pag aabutin na at walang makitang CR.

Talo pa ang mukha ng modelo ng Datu Puti suka nung pulis habang sinisinghot ang bote.

—000—

“The police high beam froze her perfect face. In white glow for a while. The  politburo’s on high alert. And her name showed up on file
And she’s been speaking out. Checkpoint Charlie’s  radioing in.” – Red Star

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s