Huweteng ka talaga…

Balita sa Pilipinas hanggang ngayon ang madugong “shoot out” daw sa Atimonan na ikinasawi ng 13 tao. Hinihinalang ang pinag-ugatan ng “shoot out” ay ang sigalot sa paghahari sa Huweteng sa dahilang ang isa sa namatay, si Vic Siman ay sinasabing isang Huweteng Operator at may dalang pera at ginto ng araw na iyon. Mahirap na talaga sugpuin ang sugal na Huweteng sa dahilang napakalalaking personalidad na ang nasa likod ng operasyon nito.

Naalala ko tuloy ang isang kaibigan ko na Mayor ng isang maliit na siyudad sa Northern Luzon. Siya ay dealer ng aming produkto noong nasa Pinas pa ako at isang araw ay pinuntahan ko siya upang magreconcile ng accounts at dalhan siya ng mga promotional materials ng aming kompanya. Dinadalaw ko talaga siya at least every other month sa paglilibot ko sa mga customers namin.

Pagakyat ko sa office niya sa City Hall, maraming tao dahil it turned out Constituents Day niya. Naghihintay ng tawag ang mga naroong mamayan at lahat sila ay may hinaing.. may namatayan, walang pampalibing.. mayroong masakit na miyembro ng pamilya.. merong nasira ang bahay ng bagyo.. at bawat isa sa kanila ay inaabutan ni Mayor ng karampatang halaga.

Pinaupo ako ng kanyang Aide sa may reception at binigyan ako ng kape at babasahin habang naghihintay. About 12NN ay tinawag na ako pero bago ako nakaupo sa harapan niya ay inaya niya ako sa kalapit na room na nagsisilbing Dining Area. Magtanghalian daw muna kami, di na raw siya nakakauwi kapag Constituents Day kaya nagpapacater na lang siya at doon na kumakain kasama ang mga alipores niya.

Nang naguumpisa na kaming kumain, ipinaliwanag ko ang aking pakay, at kinuha sa akin ng kanyang Sekretaryo ang dala kong Statement of Accounts at ang isang bag na Promo Materials. Pinansin ko ang maraming tao sa labas ng opisina na mula umaga pa yata ang iba. Sabi niya, inaabutan nga niya ng halaga ang mga tao, pero mayroon siyang record ng ibinigay niya, pangalan ng pinagbigyan at dahilan ng paghingi sa kanya.

Habang nilalantakan ko ang sinigang na bangus belly (na marami sa kanila), tinanong ko siya papaano niya nasusustinehan ang mga gastos na iyon na hindi birong halaga.

Napabuntunghininga siya, uminom ng tubig, saka sumagot sa akin. Sinabi niya na aaminin niyang iyon ay galing sa Huweteng. Hindi raw kakayahin ng sahod niya o ng kanyang sariling negosyo ang pagbibigay sa mga tao. Kulang din ang pondong nakalaan para dito. At hindi lang daw iyon mayroon pa raw siyang 20 scholar sa High School at 10 sa College. So kung di siya papatol sa Huweteng, hindi niya maipagpapatuloy ang ganoong pag-alaga sa kanyang mga kababayan.

Bumaba ako ng opisina niya na iniisip ko ang mala-Robin Hood niyang style sa pamamahala. Paglakad ko papuntang parking ng aking sasakyan, napansin ko na may isang kubrador ng huweteng sa tabi. Tumataya ang isang Ale na kakagaling lang at kakatanggap lang ng perang tulong mula kay Mayor.

  1. Kumukuha ng pera si Mayor para maibigay sa Ale na nangangailangan.
  2. Itinataya ni Ale sa Huweteng ang perang ibinigay ni Mayor.
  3. Kumikita ang Huweteng sa taya ni Ale.
  4. Back to number 1.

Vicious Cycle.

Nagtataka pa tayo kung bakit di masugpo ang Huweteng.

—-000—-

“It won’t be long and down we fall. Cuz living a life insane kills us all. And I prey tonight on piece of  mind. This vicious cycle’s  mine. Round and round I  go in vicious cycles. Always find my way to let you down. Tumble  like a ragdoll.” – Red Line Chemistry.

Read

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s