Dedicated

Sa Pearly Gates ay ini-screen ni St. Peter ang 4 na bagong
dating. He asked them one question: “Ano ang nagawa
mo sa lupa at dapat kitang papasukin sa langit?”
Doctor: “Marami akong pinagaling na may sakit ng hindi ko
pinabayad.”
St. Peter: “Hala, pasok!”
Engineer: “Maraming tulay at kalsada, at mga gusali akong
dinesign at nasupervise ang paggawa. Ang mga ito ay
nakatulong na malaki sa pamumuhay ng mga tao.”
St. Peter: “Hala, pasok!”
Businessman: “Ang itinayo kong pabrika ay maraming tao ang
nabigyan ng trabaho.”
St. Peter: “Hala, pasok!”
Teacher: “Sila pong tatlo ay dumaan lahat sa aking pagtuturo.”

It’s not all “good son, good child, good student” ako noong nasa Elementary. May kapilyuhan din ako at kakulitan na siguro ay bahagi talaga ng buhay kabataan. Nariyang habang nagbabasa ng kuwento from the book  “Doorways to Reading” sa harap ng klase ang isang kamag-aaral ay pumunta ako sa likuran niya at hinila pababa ang short pants (wala pa noong pantalon, short pants na Macandili o Macomber pa noon). Imagine the laughter and the “aayyy!” ng mga kaklase kong babae sa nakita nila.

That happened in the class of isa naming istriktong guro sa Grade V. Siya ang wika nga ay kinatatakutan ng mga mag-aaral dahil sa istrikto and at times masungit. Isa siyang dedicated at religious na teacher. In fact, sa tinitirahan niyang bahay na tiya niya ang may-ari, ay doon nanunuluyan ang aming kura paroko noong wala pa ang kumbento. Pinapaaral din niya ang kanyang pamangking babae at kasakasama sa mga lakaran at gawaing pang-simbahan.

Music ang forte niya sa klase, mala Soprano ang style parang si Sylvia La Torre. I remember, she asked me to sing the “solfeggio” in class and she told me na maganda ang timbre ng boses ko. But of course, me mga kaklase akong mas magagaling kumanta kesa sa akin. Ang natatandaan ko na itinuro niyang kanta noon ay iyong “Serenade” na may lyrics na “Oh you wear in your hair, a gay rose. But a blushing rose is your fair face. And your bright eyes beam. And your white teeth gleam.” So beautiful pag kinakanta niya.

clp46660

Tumanda at nagretiro siya sa pagtuturo na hindi nag-asawa. Ang kuwento sa akin ng Tatay ko, sobra ang pagmamahal niya sa pagtuturo at wala na itong time para harapin ang mga manliligaw. Kahit na istrikto at masungit ang dating niya sa mga mag-aaral, napakamatulungin naman niya at napakamaunawain. Ang nais lamang niya ay ang mag-aral ng husto ang mga bata at nang hindi masayang ang pinaghirapan ng mga magulang.

She used to tell me, “alam mo nakikita ko ang kasipagan ng Tatay mo at ang angkin mong talino. Dito sa ating nayon ay talagang salat tayo sa pananalapi. Ang medyo mapalad ay iyong may ilang mataas na katungkulan sa pabrika at iyong mga malaki ang sinasaka. Huwag ninyong damdamin ang aking paghihigpit dahil iyan ay para sa inyo rin.”

Tita Eveng ang tawag sa kanya ng mga co-teachers niya at madalas na gawin naming tambayan ng mga kasamahan kong sakristan ang kanilang bahay. Doon kami nagkakantahan at humahabi ng mga pangarap sa buhay.

Nakapag-aral ako ng College through scholarship at malaki ang naitulong niya sa amin.

May-sakit ako noon at naka confine sa infirmary ng University na nasa Nueva Ecija. My father came after two days para dumalaw. Before that, I received a telegram from my father, na baka di siya makarating dahil walang pamasahe (ang Telegraph Office ay nasa silong lang ng bahay namin sa aming nayon). Siyempre surprised ako at dumating si Tatay.

“Kaya ako nakarating ay binigyan ako ni Eveng ng pamasahe. Dinagdagan pa ni Ate Yollie mo ng konti for your allowance. Kailangan na mapuntahan at makita ko raw ang kondisyon mo.”

That’s Miss Nieves Cuartoy, single. A dedicated teacher. Halos lahat ng lumaki sa aming nayon ay naturuan niya…., nagabayan at natulungan.

—000—

‘Teacher Teacher, teach me love. I can’t learn fast enough. Teacher Teacher, teach me more. I’ve got to learn to love for sure.” – Rockpile

Ang walang kamatayang sulat ni Inay

Kahit na luma na ang mga binabanggit na mga palusot ni Popoy sa mga magulang niya ay di ko pa rin maiwasang hindi matawa.

This time, naisip kong iupdate ang nilalaman ng sulat ni Inay at bigyan ko ng twist sa hulihan.

Updated version ng sulat ni inay

Updated version ng sulat ni inay

Ginawa kong medyo updated na rin si Inay sa technology.

At medyo suwabe ang approach sa pagkabuko ke Popoy.

—000—

“Dishonesty is real. But that is not my deal. Missed not one chance. To  help others on their way through their life.” – Hate Squad.

Apat apat na ulit ulit ang suson susong salita

Nanunuod ako ng 24 oras ng marinig ko ang salitang “apaw apaw” at nasabi ko sa sarili ko na di ba puwedeng “umaapaw”? Tapos nasundan ito ng “Kapulisan”, na patterned after “Kapaligiran”, “Kasaganaan”, “Kaunlaran”. Taragis ang salitang Pilipino talaga, umaapaw sa exaggeration. The first one, ay iginaya sa “Paru paro”, “Ilang ilang”, “Anting anting” mga words na inuulit, pero walang root word. Pag sinabi mong Paro, hindi ito butterfly, or Ilang, hindi na ito flower, Anting, hindi na ito agimat.

We Filipinos love to exaggerate, because of our adherence sa tsismis, i.e. dagdag at dagdag ang isang simpleng kuwento o salita. Maaaring tanggap na ng mga pinoy ang “Kapulisan” at hindi ako magtataka kung sa susunod ay ginagamit na natin ang “Kabumberohan”, “Kakongresuhan” (although mas magandang pakinggan ang “Kabuwayahan”), “Kaguruan”, “Kadrayberan”, “Kasimbahanan”, tulad ng paggamit natin ng “Kalokohan”, “Katarantaduhan”, “Kagaguhan”, “Kabaitan”, “Kasipagan”, “Katamaran”.

Ito rin ay katulad ng pinalaganap ng ating mga showbiz reporters, in particular si Cristy Fermin na: “ang anak ko ay Top 5, or Top 3, or Top 8” na ang ibig sabihin pala ay No. 5, No. 3, No. 8. Kapag sinabi mo kasing Top 5, ay “Limang Nangunguna” kaya pang-ilan sa 5 ang iyong anak, pang-ilan sa 8 ang iyong anak?

Hindi rin dapat tanggapin ang tulad ng “apaw apaw”, “init init” dahil mayroon tayong sinusunod na alituntunin sa Literaturang Pinoy.  Ang “apaw apaw” ay “umaapaw”, “init init” ay “napakainit” atbpa.

Mas lalo namang nakakalito ang “dala-dalawa” na kung susuriin mo sa punto ng Linguista ay “apat” pero ang ibig palang sabihin ng nagsasalita ay “dalawa”. Iniemphasize lang niya tulad ng “Dala-dalawa na ang aking suot na jacket, tagos pa rin ang lamig.” Lalo ka nang magugulantang pag sinabing sampu-sampo.

Maraming variations na ng Pilipino ngayon. No thanks sa mga TV hosts at mga Komedyante na makapagpatawa lang ay babaluktutin ang ating wika. And they call themselves Filipinos.

“Di ba puwedeng umaapaw muna, bago apaw – apaw?”

—000—

“Give love to those who give you love. Love to those who give u warn love to those who hate you. Bless even those who
curse you. Respect all those whom God created.” – Lucky Dube

KILALANIN ANG MGA PERSONALIDAD SA HALALAN

“Politics, noun. A strife of interests masquerading as a contest of principles. The conduct of public affairs for private advantage.” —Ambrose Bierce, The Devil’s Dictionary

Maiba naman. Heto kasi ang mainit ngayon sa Pinas. Ang nalalapit na halalan. Maraming mga personalidad ang makikita nating nakahambalang sa gitna ng kainitan ng pangangampanya. Given na ang mga larawan ng mga pulitiko sa lahat ng forms of media, at maging sa mga donasyong tulad ng de-lata, mami, bottled water atbpa.

1. Indoy, ang super-alalay– mas nakakaagaw sa aking pansin ay ang mga alalay, kesa sa kandidato. Marami kasi akong kakilala na ginawang propesyon na nila ang pagiging alalay ng mga pulitiko. Paano ko ba ikakategorya ang mga iyan: “self-employed”, “government employee”, “private employee” o “self appointed employee”? Kapansin pansin na ang mga iyan ang mas maingay at handang makipag-away para lamang sa kanilang kandidato. No. 1 qualification ay kamag-anak, kababata, BFF. Kadalasan sila ang runner, driver, utusan, helper, etc. A.k.a. Bagman

2. Ma Roger, ang area campaign manager – si Ma Roger ang nagpapagalaw ng strategy para makilala si kandidato sa kanilang lugar. Nagpapagawa at nagpapakabit ng mga posters (may 25% siya sa halaga) sa mga mataong lugar, naghahire ng mga “promodisers” para magbahay bahay at mamigay ng polyeto ng kandidato (pasasahurin ng P300 isang araw, ang P200 ay sa bulsa niya), at sa oras ng bilangan ay nakabantay at umoorder ng pagkain para sa 100 upang ipakain sa hired na 20 watchers. A.k.a. Boy Kupit.

3. Mr. Regis, the campaign strategist – siya ang nagpaplot ng mga strategy sa pangangampanya at malawakang pagpapakilala sa kandidato. Kadalasan ay Marketing o Business Administration graduate. Ang mga script ng talumpati at ang pagdidirehe ng action ng kandidato, tulad ng pagkamay kamay sa mga mahihirap na botante (may nakahandang alcohol at basahan), paghalik halik sa mga bata at sanggol (may nakahandang disinfectant), paglapit sa mas mataas ang tinatakbuhang puwesto (kasama ang pag-abot ng sobre, of course, me kupit na siya), paghire ng mga artista na hihikayat sa mga miting de avance (kasama na ang GRO na kasiping nila sa gabi). A.k.a. Direk Celso Ad.

4. Kebinkosner, the bodyguard – siya ang sumisiguro sa kaligtasan ng pulitiko. Hinahawi ang mga tao kapag dumadaan at amo, malikot ang mga mata kapag nagsasalita ang pulitiko (hanap ay magandang chicks), kakapkapan ang mga gustong lumapit, at sinisiguradong off limits si misis ng pulitiko sa mga extra-curricular activities nito. Apat apat ang susong bulletproof vest at high powered firearms. Can switch loyalty, just name the price.. A.k.a. Tiyagong Lundag

5. Constante, the botante – mahalaga ang kanyang boto, kaya dapat na tapatan ng halaga. Susundin daw niya ang kanyang konsensiya sa pagboto, lalo na kung me nakaipit na P500 (P1,000 na raw ngayon) sa sample ballot. Hindi mabibili ang kanyang boto ng sinuman, lalo na kung kapag nanalo si kandidato ay kukunin niyang Ninong ng anak. He treats the ballot as sacred, lalo na at pinangakuan siya ng trabaho sa munisipyo pag nanalo si kandidato. Malaki ang takot sa Diyos, kaya kung sino ang sabihin ng kanilang Pastor na iboboto ay iyon ang ihahalal. A.k.a. Totoy Uto.

Sabi nga ng isang Senadora ( o given na ha, babae ito, kokonti ang babaeng senador ), politics refers to who gets what,  when and how. Masasabi kong tama siya, talagang ang SSPK (Sino, Saan, Paano, Kailan) ang umiiral. Sino ang nasa posisyon. Saan siya pupuwesto. Paano niya ito nakuha at Kailan siya tatagal. Iyan ang pinagtutuunan ng pansin. Kapag nahalal na nagpapakabusog at pinapagkitan ang puwesto para ang kapangyarihan ay hindi mawala. Kapag hindi na puwedeng kumandidato, ang patatakbuhin ay asawa, anak, kapatid o kaibigan.

Our 1987 Constitution, Article II, Section 1 states that:  “Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them.” Mahalin natin at ipaglaban ang ating karapatan. Ang respeto sa sarili ang unahin natin upang tayo ay respetuhin ng mga damuhong pulitiko.

“Vote, noun: the instrument and symbol of a freeman’s power to make a fool of himself and a wreck of his country.”

Hala mga pulitiko, bira dito-bira doon, tira, dakdak, pangako dito-pangako doon, uto dito-uto doon, sumige kayo.

Bottom line: Tayo ay malayang mamamayan, kalayaang galing sa Diyos, atin itong pagyamanin at respetuhin.

Huwag mag-halal ng hangal.

—000—

“Come senators, congressmen. Please heed the call. Don’t stand in the doorway. Don’t block up the hall. There’s a battle outside. And it is ragin’. It’ll soon shake your windows. And rattle your walls. For the times they are a-changin’.” – Bob Dylan

This happened to me (reposted from FB)

(NOTE: I am reposting this from FB account to proclaim the dedicated honesty of one Saudi guy, Mr. Salah Al Sabri – Sales and Marketing Manager of Ahmed Alwazzan & Sons, WLL. Dedicated since he really took time to find my contact number because at the back of his head, he knows I will be in deep trouble without my wallet.)

I decided to drop by an Engineering Company sa Khobar before proceeding to Aramco Ras Tanura dahil alangang oras na. After the meeting, dumaan ako sa isang Bakalah (Sari-Sari Store) at bumili ng Custard Puff Bread at tubig, then deretso na ako sa RT. Mga 5 minuto akong nagmamaneho, me tumawag sa akin na di ko kilala ang number.

“Are you Mr. Emilio Calvario?” buong buo ang pangalan ko a.
“Yes Sir. May I know who is on the line? Anything I can do?”
“Please check your Iqama (Residence Card)”

Ano kaya iyon, traffic violation? Kinapa ko ang bulsa ko, lahat ng bulsa ko. Naku, nawawala ang wallet ko.

IMAGE_009

“I cannot find it Sir.”

“Of course, because I have your wallet. Let us meet at this optical shop near Al Nawaris Restaurant in 25th St.” Sabi niya kasi para raw mas tiwala ako, kesa kung saan ko lang siya imeet.

Nauna ako sa kanyang dumating at pagpasok ko sa loob ng optical, tinanong ko ang dalawang bantay doon. Sabi nila wala raw tumatawag sa akin ni isa sa kanilang dalawa.

Feeling disappointed, I was about to go out of the shop when a guy in early 30s driving a Toyota waved at us and the shop attendant told me, “he is the owner of this shop.”

The guy parked his car, introduced himself to me and asked me, “what is the color of your wallet, what are the contents, what are the other things inside it,” to which he was satisfied with my answers which I topped by showing my Company ID, Aramco ID and my business card.

Di ko alam kung paano ako magpapasalamat, dahil bukod sa Iqama, Driver’s License, at pera ay naroon din ang aking Medical Card, ATM Card, Visa Card, Bank Remittance Card. Sabi pa niya sa akin, “I did not see any phone number I can call you, however, I found your Onaizi Hospital Card and I called the hospital, and they gave me your mobile number.”

Labis labis ang pasasalamat ko sa kanya. Biro mo talagang sinikap pa niyang malaman ang number ko. Intact ang laman ng wallet. Walang nabawas.

Thank you very much and God bless you Mr. SALAH AL-SABRI, isang Saudi. Ang kaya ko lang isukli sa kanyang kabutihan at katapatan ay ang ipagpatuloy at hikayatin kayo mga friends na tularan ang kanyang ginawa. At sa mga kaibigan ko dito sa Al Khobar, tangkilikin natin ang PERFECT OPTICAL, na nasa 25th near cor Riyadh St. Perfect talaga pati ugali at pananalita, napakagalang.
Idagdag ko pa…. guwapo siya!

Offering

I thought of my eldest son (by the way, when I talk of my children, it’s just my eldest son and my youngest son) and how he is doing. How I can guide him in developing a business.

I thought of my youngest son, and how he’s faring in his studies. How I can lead him towards his dream of being a doctor someday.

SAMSUNG DIGIMAX A503

I thought of my wife, and how she’s doing in her clinic and coping with my absence, add up the attention and understanding she must give to a hopeful, aspiring, diligent young man and an energetic, pasaway, attention-getter adolescent.

I thought of my mother, and how she’s coping with her old age, her weakening body, her shortening steps and the little joys she gets from her apo and her daughters, teledramas, eat bulaga, jose and wally.

I resolve that whatever I do here, whatever is the reason I am here, whatever I achieve here is for them.

I am sacrificing, I am fighting loneliness, I am struggling to keep my spirit alive because of them.

I patiently and dramatically wash (now I understand why it is called soap opera) and iron my clothes,  make do with my lunch of kaning lamig and my own style of cooking (you have to revise menu here, like for sinigang, I put lettuce instead of kangkong, etc).

I have to make do with the haircut I get from Indian barber, breakfast of khubos, instead of pandesal  (hmmm, however, khubos comes with sautéed ground beef swimming in tomato paste). I have to wear loads of sweaters and layers of blankets to fight off cold in the winter, and squeeze my towel and handkerchief of perspiration during summer.

All because of them.

But at the end of the day, when I am contemplating my life and my family, it comes down to, I am doing this because I want my family to succeed, my children to be progressive, so that we can extend this progress to other people. So that we will not be burdens to others, instead, help and give inspiration to them.

A smile lights up my face. I am doing these because I believe God tells me so. My family trusts me in doing these because they believe God asks them to. And we are into this because we believe this is the way God wants us to be.

I believe that my wife is smiling. I believe  my eldest and my youngest are beaming. I believe Nanay is having her gaptoothed grin with my sisters.

God I offer everything to you.

—-000—-

“Things in the past, things yet unseen. Wishes and dreams that are yet to come true. All of my heart, all of my praise. My heart and my hands are lifted to You. Lord, I offer my life to You. Everything I’ve been through, use it for Your glory. Lord I offer my days to You. Lifting my praise to You as a pleasing sacrifice. Lord I offer You my life.” – Don Moen

MORE TODAY THAN YESTERDAY

Araw ngayon ng mga puso.. Love and Romance.. Hearts.

Noong unang panahon, ang ganitong araw ay nakakabit sa kapistahan ng Lupercalia sa Roma, isang pagdiriwang about love and fertility on February 15. Ang kapistahan ay in honor of Lupercus, diyos ng fertility at pagsasaka at kasama sa pagdiriwang ang pag-aalay para mapurify ang lupa at ang kababaihan of child-bearing age. During the Lupercalia, two priests, called lupercis, sacrificed two male goats and a dog at the sacred cave where Romulus and Remus were supposedly nursed by the she-wolf. Pagkatapos ng pagdiriwang, ang mga kabataang lalaki ay tatakbo sa buong bayan na walang suot kundi isang sinturon na gawa sa balat ng kambing at hahapasin ang mga babae ng kapirasong balat ng inialay na lalaking kambing, para malinis ang mga babae, makasiguro na sila ay mabubuntis at mabawasan ang sakit sa panganganak.  Names were also drawn from an urn to pair up young men and women as part of the festivities. This was intended to lead to marriages and children.

Another origin of today’s celebration is that the day is named after one or more early Christian martyrs with the name of Valentine. St. Valentine secretly held marriages for young soldiers against the decree of Emperor Claudius. Claudius felt that when soldiers are married, they become more attached to their families and turn into weak soldiers. Siguro nanlalambot mga tuhod pag nasa laban na.

Ang diwa ng araw ng mga puso, ay iyon nga nasa symbol niya… ang puso. Pag-ibig. Pagmamahal. Kaya naman, lahat tayo ay gumagawa ng paraan how to express our love. May mga babasahin. May mga awitin. May nagreregalo, may kumakain sa labas, may nanunuod ng sine, namamasyal at mayroon namang ang meaning ng Valentines Day ay Biglang Liko Day.

Loving is the most wonderful feeling man ever had. It makes life go around. It brings color. It keeps us alive.

One of the most meaningful lyrics in a song that I can connect sa araw ng mga puso ay ang “More Today Than Yesterday” ni Pat Upton ng Spiral Staircase. It relates of the love that grows stronger every day. Which line of a song can beat this… “I love you more today, than yesterday, but half as much as tomorrow.” Ibig sabihin, nadodoble araw araw ang pagmamahal.

And as I browse You Tube, I am so happy na may version na si Bruno Mars para sa kasalukuyang henerasyon. Which means one of my favorite songs have transgressed generations. (Click here to watch the video  http://www.youtube.com/watch?v=M1qkirGpUn4 )

It is reaching more hearts…. and will not just remain a classic… but, a proactive classic…

—000—

“Everyday’s a new day, in love with you. With each day comes a new way, of loving you. Everytime I kiss your lips my mind starts to wonder. And if all my dreams come true, I’ll be spending time with you. I love you more today than yesterday. But half as much as tomorrow. I love you more today than yesterday. But only half as much as tomorrow.” – Spiral Staircase