Our system is down – Part 2

Hindi ko akalain na may Part-2 pala itong post na ito. Iniwan ko ang mga kalaro ko after playing 4 games, repeat, 4 games… sila pang lima iyong laro noong umalis ako, to go back to the clinic which I mentioned in Part-1  https://clinquantlife.wordpress.com/2013/01/18/our-system-is-down-1271/.

Dumating ako sa Clinic ng 5:15 pm at pumila sa reception. I showed my Medical ID Card and my Iqama sa Receptionist na Indian at salamat, this time ay system is up, not down. Tinanong niya ako ng pangalan ko at naverify niya ang file ko nga iyong nasa system. He noted down my cell phone number and asked me to sit down, to wait and MY NAME WILL BE CALLED.

Inoobserbahan ko ang mga pasyente na dumarating at nakuhan ng isang batang Lebanese ang attention ko. Mga 3-4 yrs old iyong bata at siyempre typical sa kanilang lahi, maputi at guwapo iyong bata. Artista na ito kako kung sa pinas.

Mga 7:00 pm napansin ko na naunahan pa ako ng 3 huling dumating kaya tumayo ako at kumatok ako sa room ng Doctor. I asked the Indian nurse kung naroon ang File ko dahil 2 hours na akong naghihintay, marami nang nauna sa akin. She looked at the files, pero wala iyong sa akin. Sabi ko naregister na ako sa reception at ako nga ay pinaupo para maghintay, which is the normal procedure.

Sinamahan niya ako sa reception para tanungin ang file ko. Sinabi ko sa Indian Receptionist na I gave him my Iqama and Medical Insurance Card, he even verified my name and took my cellphone number.

Nabigla ako sa sagot ng Receptionist. Pabulyaw niyang sabi sa akin, “WHY DID YOU NOT FOLLOW UP?” Sagot ko, “your instruction is to wait and my name will be called, and it is the normal procedure, we don’t have to follow up.” Galit siyang hiningi ang Iqama at Medical Insurance Card ko at pabagsak sa mesa na inilapag niya ito.

Sinabi ko sa kanya na hindi ugali ng pinoy na magsabi ng position at profession namin, pero this time ay mapipilitan ako. Sinabi ko na ang trabaho at position ko at kompanya ko. Sinabi kong about 800 of our employees renew their Aramco ID every year na ang requirement ay Medical Exam na ang kanilang clinic ang aming inaavail. That is a huge sum at SR 250/employee, na mawawala sa kanila pag nagreklamo ako, at iyan ay dahil sa kanyang arrogance at kawalan ng respeto sa pasyente.

Panay ang sorry niya at nakiusap na ibigay ko ang Iqama at Medical Card ko para makuha ang file ko at macheck up na ako.

Umalis na ako at doon na lang ako sa hospital na lagi kong pinupuntahan. Bakit nga ba ako nakabalik balik pa roon.

I thought the staff there, lalo na iyong receptionist ay… mga COOPERATIVE..

—000—

“Well I’m sitting on a seasaw seat. Thinking seasawing would be neat. And I can’t find a friend to sit on the other  side. Yes, I tried it all alone. But I crashed down like a stone. Couldn’t get no cooperation if I tried.” – Sesame Street

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s