PAGPAPAKUMBABA

A pastor in a congregation here delivers messages during worship services humorously and is well liked by the worshipers. He even explains the points of his message very well, ang pagiging mabuting Kristiyano dahil nga sa nakakatuwa siyang magsalita. Ngunit ang katuwaan sa pakikinig ng kanyang mensahe ay natatakpan ang tunay na attitude ng isang mangangaral. Ang pagpapakumbaba.

Lagi na ay napapansin ko na sa bawat mensahe niya, ang ginagawa niyang halimbawa ng kabutihan o kakristiyanuhan ay ang sarili niya. To the point na nagiging self-righteous na he tends to drive the congregation to emulate him. This is self serving.

When we do something for God, when praise God and preach God’s words, lalo na kung tayo ang naglilead sa pagsamba, dapat ay tayo ang unang nakikitaan ng pagpapakumbaba.

Pagiging mababa – HUMILITY – nag-ugat sa salitang HUMUS – Greek word for SOIL. Feet on the ground. Nasa lupa ang mga paa.

When we remain humble, hindi lamang iyong ibinababa ang ating sarili – o iyong hindi nagyayabang. Iyong hindi mo kinokonsidera na ikaw ang pinakamarunong sa salita ng Diyos o ikaw ang pinakamabait. Being humble also means admitting mistakes, accepting it, facing it – not attempting to make any excuses.

When the Lord taught us to be humble, He taught us to admit our mistakes – dahil kung hindi, ito ang pinakaugat ng kapalaluan. You are alienating yourself to your fellow Christians.. to fellow men.

Kapag tayo ay nagdesisyon sa isang bagay, halimbawa ay sa pagaaral ng ating anak, kapag ito ay nag-fail ano ang una nating sinasabi – “hindi ka kasi nagaaral (yung iba pa, uhm! sabay batok), o puro barkada ka kasi o puro ka facebook, o ang eskuwelahan kasi niya o ang teacher kasi niya. Did we accept our responsibility? Inamin ba natin, na minsan ay di natin pinansin ang kanilang mga paglalambing, pagtatanong, at ang mga tulong na hinihingi sa atin. We are in the internet age. Kahit na ang mga nasa ibang bansa ay maaari silang makausap at mapayuhan… mapakinggan sa kanilang mga problema at mga tagumpay.

When we play basketball? Kapag natalo tayo – we don’t admit immediately. Dinaya ng referee, kasi wala ng oras counted pa, etc. Pero, di natin inaanalyze ang ating laro, baka me kulang, sa execution ba ng plays, etc.

When we cannot improve our lives, sinisisi natin ang iba. Kasi, di ako tinanggap sa trabaho, kasi di ako tinulungan ng kamag-anak ko, kasi iyong kalaban ng kompanya namin, nag-aunder the table, kasi ang daming sipsip sa aming kompanya,  at WORSE pa nga,  we tend to SHORTCUT at kinukutsaba pa natin ang Panginoon:

LORD papanalunin mo ako sa Lotto, promise kalahati ay ibibigay ko sa Iglesiya, ang one-fourth ibibigay ko sa bahay ampunan. Pag hindi nanalo, sisisihin ang Panginoon.

The best gifts from God are around us. The best things in life are the most simple things. When we aim for things that are not within our means – doon na tayo naguumpisang mag fail. God gives us some weaknesses to make us strive, dahil ito ang nagpapaalala sa atin para maging humble ( 2Cor-12:9-10 Buong galak na na ipagmamapuri ko ang aking kahinaan upang palakasin ako ng kapangyarihan ni Kristo. Dahil kay Kristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y mahina, kutyain, pahirapan, usigin, at magtiis. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako malakas) The very essence why other religion succeeds. Its founder delves on the basic weakness of its followers – maysakit, nangangailangan, nangungulila, kinukutya,  binibigyan niya ng lakas – o itaas ang inyong mga putting panyo at sobre ng kahilingan at kayo ay pagbibigyan o gagaling sa inyong karamdaman. But remember… it is US who make the difference.

Let us be humble, admit and accept our mistakes and live within our means. Happiness is where simple things are.

I remember noong ako ay kasakasama pa ng pari. We held mass at a Barangay na tatlong bundok at dalawang ilog ang tatawirin mo. During lunchtime, hiyang-hiya ang host namin at sinasabing pagpasensiyahan na namin ang kanilang nakayanan – mahirap lang daw na nayon ang kanila kaya kung ano lang ang nasa paligid nila iyon ang kanilang naihanda ( simple things di ba ). Pagpasensiyahan – pagpapasensiyahan ba namin ang inihaing Ginataang Pako, Adobong Manok Tagalog, Tapang Usa at Pesang Dalag – my, iyon ang pinaka simple para sa kanila, pero napakarangya para sa amin.

We may be simple people, with simple dreams, but in the eyes of the Lord, we are Grand Individuals, Gracious Christians and a Big Community.

Sabi nga sa Kawikaan 30:24 – 28

Sa daigdig ay may apat na maliliit na hayop ngunit may pambihirang kaisipan,
  1. Ang langgam, sila ay mahina ngunit nag-iipon ng pagkain kung tag-araw
  2. Ang mga kuneho, mahihina rin sila ngunit nakagagawa ng kanilang tirahan sa batuhan
  3. Ang mga balang, bagamat walang haring sumusubaybay, ay lumalakad ng maayos at buong inam
  4. Ang mga butiki, maaaring kuyumin sa iyong palad dahil sa kaliitan, ngunit nasa palasyo ng hari at doon naninirahan

They all are little, simple beings, YET sa pagiging simple o kaliitan nila, doon sila nakakagawa ng pambihira. If you just take a look around, ang makapagpapasaya at makapagpapaunlad ng iyong sarili ay nariyan mismo sa iyo… IKAW!! Maaari lamang na nagiging mapagmataas tayo.

—000—

‘Well Humbleness is proof of your intellect.  if your humble and you wise you will get respect. A man who cherish intellect no need to fret. You live, you learn, you die, you move, you make another step.” – Alborosie

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s