Libre kain for 10 days

I attended a Job Explanation Meeting for a project in Saudi Aramco – Udhailiyah WIPS No. 1, followed by a project site visit this morning (WIPS – Water Injection Pumping Station, ito iyong facility na nagiinject ng pressurized water sa Oil Bed para umangat ang oil from the well). After the site visit we drove back to the office, mga 1:00 PM na, at ang kasama kong Instrument Engineer drove to the town of Abqaiq para maglunch.

I had a lunch of vegetable qhurma at porrota at ung dalawa ay chicken tikka (barbecue) with fried rice. After lunch, I went to the cashier para bayaran kinain namin, pero inagawan ako ng Instrument Engineer namin sa pagbabayad.  Aba kako, nakakadalawa na ako ngayong araw na ito a. Nung breakfast kasi namin ay iyong Mechanical Engineer naman ang nagbayad. Walandyo, parang si FPJ sa bunutan itong mga kasamang kong ito..

Naisip ko tuloy na for the last 10 days ay halos di ako gumagastos sa pagkain. I am a “palamunin” for the past 10 days. Noong first day, I had lunch with our Sales Engineer.. libre. Noong gabi, ang kasama ko sa bahay dumating ng 1030PM at kinatok ako. Dinalahan ako ng mga pagkain galing sa Movenpick Hotel dahil doon sila nagdinner ng isa naming Principal/Partner. The food he brought me lasted for 3 days. Then, puro biyahe ako the following day kasama ang Boss ko, at natural libre na naman pagkain. Tapos me seminar pa ako na libre din ang pagkain, meryenda, coffeee at juice. Then, I attended the dinner meeting with the delegates ng British Trade Mission, libre again. Idagdag pa ang Estimation Engineer namin na mahilig kumain at palagi akong inililibre para lang may makasama siya pagkain sa labas.

Before we drove to the office, I decided to drop by Aramco Abqaiq office at tingnan ang announcement sa Bulletin Board ng Contracts Administration for some projects. Then, before coming out of the building, nagtimbang ako sa may lobby.

I realized the danger of being libre ang kain that moment.

Bumigat ako ng almost a kilo.

—000—

“Flowers in spring. The robins that sings. The sunbeams that shine. They’re  yours and they’re mine. Love can come to everyone.Best things in life. They’re free.” – Sam Cooke

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s