Organizational Behaviour

Naguusap kaming magkakasama sa trabaho over dinner tungkol sa nangyayari sa aming kompanya the past 3 years. Year 2009 was considered as our best year, dahil lahat ng mga projections ko at directions na resulta ng study ko ng market noong 2007-2008 are slowly being put in place. At isa pa, ang mga diabolics ng kompanya ay hindi lang isa-isa kundi dala-dalawa nang nalagas dahil nga nabisto na ang mga kalokohan at hindi na abot ng kakayahan nila ang development. I’m proud to claim na isa lang pinoy ang nakasama rito, matagal na siya sa kompanya at ang mga kapuwa pinoy ay ginigiba.

But in 2010, unti unti kaming pinasok ng mas malala pang personalidad… mga walang alam, mga magirgir (pure talks), mga manggagamit at mga freeloaders, ang masama pa nagtanim ng mga tao nila na wala ring alam. We became a bloated organization sa bandang itaas (kabaligtaran sa tao, kapag bloated asahan mo tiyan ang lumalaki), dumami ang mga high-sounding positions, at dahil walang alam, naghire ng tig-dadalawang assistants (manager ang title).. so, siyempre ang mga benefits ay pagkakalalaki at lumobo ang aming overhead costs.

I aired my fears in early 2010, and showed my opposition to what was happening, kaya lang sa dami nila, nalunod ang boses ko. Worse, they see it in a cultural manner… gusto lang daw ng Pinoy na magpasikat. My fear worsen when they took some critical responsibilities from me.. at pinaupo ang isang “wearing expensive suits, expensive shoes, driving expensive car, living in expensive flat” so natural ang demand ay almost 3x salary ng mga nadatnan dito. What happened next ay talagang parang halu-halo after you stirred it. Ang gulo at kaliwa’t kanan ang lugi sa mga projects at kahit na traded products. Ika nga ay papaimbulog na kami at lahat ay pumapagaspas ng pakpak, pero itong mga bagong naiksakay ay naging pabigat lang, di man lang kumampay ng pakpak.

Ang Boss ko who is so kind, helpful and accepts everything na iutos, ipaayos, and even blames ang siyang nasisi at ang mga loko ay siya pa ring nananagana.

Dito na nga ako nakarelate sa post ng kaibigang Derrick Surio sa FB which goes like this:

May isang magkaibigang Kabayo at Kambing na pag-aari ng magsasaka. Isang araw ay nagkasakit ang kabayo at sinabi ng Beterinaryo na may malalang Virus ang kabayo. Bibigyan niya ng 3 shots ng gamot, at kung di gagaling, ito ay kakatayin para di mahawa ang ibang hayop. Narinig ito ng kambing kaya pagkatapos na mabigyan ng 1st shot ang kabayo ito ay kanyang pinayuhan.

“Bangon ka kaibigan, pag di mo kinaya iyan, kakatayin ka nila.” Subalit di pa rin makabangon ang kabayo.

Kinabukasan ay binigyan ng 2nd shot, at nilapitan na naman ito ng kambing. “Bangon ka na kaibigan, baka katayin ka na nila.” Subalit, di pa rin makabangon ang kabayo kahit anong pilit nito.

Pangatlong araw ay iiling iling ang Beterinaryo at sinabing “Huling shot na ito, pag di pa siya gumaling, tumawag na kayo ng matadero.”

Alalang alala ang kabing kung kaya sinabihan niya ang kabayo. “Kaibigan, huling tsansa mo na ito. Sige na bumangon ka na, aalalayan kita. Ayan, ganyan… dahan dahan. O subukan mo nang humakbang. Ayan!!! Try mo tumakbo ng dahan dahan muna.” Ang amuki ng kambing. At ang kabayo ay nakatakbo at papalakas ng papalakas hanggang sa naging normal na ang kanyang tindig at gilas.

Nakita ito ng may-ari at napasigaw, “Himala, magaling na ang aking kabayo. Kailangang tayo ay magdiwang. Pedro, halika. Magsasaya tayo, maghahanda tayo dahil magaling na ang aking kabayo. Katayin mo ang kambing at lutuin upang tayo ay may mapagsaluhan!!”

The Lesson: Nobody truly knows which employee actually deserves the merit of success, or who’s actually contributing the necessary support to make things happen.

Remember: Ang recognition sa ating nagawa comes in many forms, and what you get today may not be the full recognition you deserve. The best recognition will come at the right time!

If anyone ever tells you that your work is unprofessional, laging tandaan:

AMATEURS BUILT THE ARK [which saved all the species] and

PROFESSIONALS BUILT THE TITANIC [ended in tragedy]

Naging conclusion naming magkakasama, just do our work, our objectives, our purpose but be careful with these fiends, imps, hellions, bigots, ogres, etc… All good things we do will be rewarded in the end. And all bad things done will be punished.

Philosophical reciprocity. In short…. KARMA.

—-000—-

“You’re confusing me, what you say to me . Don’t play with me, don’t play with me, ’cause what goes around, comes around . What goes up, must come down . Now who’s crying” – Alicia Keys

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s