STARSTRUCK

Umuwi ako isang Miyerkules from work na pagod na pagod. Natulog muna ako at ng magising ng around 8PM, nagdecide akong magjogging. Para sa akin kasi kapag ang pagod ay iyong pressure na dala ng work, kailangan ipawis mo at tiyak ang ginhawa ng pakiramdam pagkatapos pawisan.

After completing the 2 km one way length, nagstretching muna ako then naupo. I looked at the sea at ang mga ilaw na kumukutitap doon, and I was fascinated by the scene. When I look up, it was a cloudless night and it was like the whole sky was alive with light.

It was so wonderful to see. Matagal na akong hindi nakakakita ng makapigil hiningang kagandahan ng sky and what I saw was a blissful blue sky and the millions of stars seemed to twinkle with happiness. Medyo malamig pa ang panahon, but I felt a warmth around me. Ang pagmasdan ang napakagandang creation ni Lord was like being wrapped in a blanket of love. It was so perfectly peaceful.

It reminded me of my hometown and my father. Noong maliit pa ako, we will go out para mangilaw (manghuli ng lamang dagat sa gabi with the aid of a De Gasang ilawan – Petromax or Coleman), bitbit ang balde, hila hila ang alambre panuhog ng nukos at pugita, we go out and gather fish, pugita, nukos na natrap ng mga batong maglow tide (hibas ang tawag sa amin – other term for mangilaw ay manghibasan). Pag nakakuha na kami ng sapat, mamamahinga kami ni Tatay at pagmamasdan ang dagat at ang langit. Isang napakagandang pagpapala ni Lord ang makita ang kabigha-bighaning mga bituin na nagniningning sa langit.

Having all the lights of the night sky shining above me I could see my own inner light shining brighter as well. I wanted to live long, love well, and shine bright. I wanted to fill my life with God’s light and then share it with the world. I wanted to spend all of my days and nights brightening the hearts and souls of others.

Sana lahat tayo ay saglit na tumingin sa langit and joyfully watch the stars. I wish that everyone could see the gloriousness of Heaven above them and feel the love of God within them. Kadlasan ay natutukso tayo ng mga artipisyal na ilaw, hungkag na kaligayahan at kaginhawahan at hindi nakikita ang mga ilaw sa ating sarili, ang pagmamahal sa ating puso. Natatangay tayo ng materyalismo ng mundo, ng layaw ng daigdig.

Madalas na natatangay at napapailalim tayo ng creations of man at nalalambungan ang creations ni Lord.

Lagi tayong maging mababa, dahil doon tayo nakakatingala sa langit at nakikita natin si Lord. Ang mapagmataas ay nakatuon lang ang paningin sa mababa, dahil tingin niya ay siya ang mataas.

Mas masakit ang stiff neck na resulta ng nakatingin sa ibaba, kesa sa nakatingin sa itaas.

—000—

 

“I’m watching the stars that hang in the sky. Hoping that one will fall. Then I’ll get the wish I’ve been wishing for. Without any trouble at all. Still I’ve been told that I shouldn’t feel blue. Cause star fallen wishes often come true. So I’ll keep on watching and wait for the time. When my star will fall and I’ll wish you were mine.” – Webb Pierce

Advertisements

LET YOUR LOVE BE FELT NOT JUST HEARD

This Holy Wednesday, let me share a Christian piece in my literary album “JEWELS”.

Me isang aplikante sa trabaho ang ipinatawag for an interview. Magaling niyang nasagot ang mga tanong sa kanya tungkol sa kakayahan niya at sa kanyang karanasan.

Sinabi ng Manager… “ dito sa position na inaaplyan mo hindi naming tinitingnan ang magaling o ang maabilidad. Ang kailangan namin ay taong Responsable. “

Sumagot ang aplikante… “ e di ako talaga ang kailangan ninyo, tanggap na ako.”

Tanong ng Manager…” at bakit ka namin tatanggapin, ang gusto namin ay taong responsible”

 Ang masigla tugon ng aplikante… “ ako na nga iyon, kasi sa dati kong trabaho, pag me palpak o problema ang laging sinasabi ng mga kasama ko, I AM RESPONSIBLE”

Ang tao ay may rights and responsibilities. Rights are defined as something we are ALLOWED to do. Responsibilities are something that we are SUPPOSED to do. Ngunit kadalasan natatandaan ng tao and kanilang rights and completely forget about their responsibilities. We accept our rights na maging Christian, subalit ang responsibilidad na nakaatang sa pagiging Christians ay kadalasang nakakaligataan. People tend to enjoy life na bigay ng Panginoon, ngunit kinalilimutan ang mga tungkulin kaakibat ng buhay na bigay niya.

May mga kaloob ang Panginoon na ibinigay sa atin, at ito ang maari nating ituring na mga rights natin as Christians (Matthew 25:24-30) 1) Ito iyong huling part ng parable of the talents. 2) The parable teaches that each individual is responsible to God for the abilities he or she has. 3) Nalaman natin na kailangang gamitin ang mga talents na ito to please God 4) Hindi katulad sa One Talent Man, kailangan nating pangalagaan at gamitin ng nararapat ang talentong natanggap natin because we were given the adjacent responsibilities sa mga talents or rights na ito.

Ano ang mga inaasahan sa atin ng ating Panginoon  Ano ang inaasahan sa atin ni Hesus?

UNA:   Tulungan ang mga nangangailangan

Proverbs 3:27-28 “Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito ay gawin. Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka at bumalik uli at bukas ay magbibigay ako, pagka ikaw ay mayroon.” Jesus taught that we always have opportunity to help the poor kahit na walang mag-appreciate sa atin “Sapagkat laging nasa inyo ang mga dukha at kung kailanman ibigin ninyo ay magagawan ninyo sila ng magaling datapuwat akoy hindi laging nasa inyo” (Marcos 14:7)

IKALAWA:   Mamuhay para sa Panginoon

Bilang Kristiyano tayo ay tinubos sa ating kasalanan. As a result of that pagtubos, we have an obligation sa tumubos sa atin.

2Cor 5:15  “At siya’y namatay para sa lahat, upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay para sa sarili kundi duon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay”. Sino ba ito? Ang ating Panginoong Hesukristo. Tayo’y mamuhay para sa ating Panginoon. Kung paano tayo mamuhay ang pinakamahalagang aspeto ng pagiging Christian natin sa ating kapuwa. Mas naririnig nila ang mga salita kapat NAKIKITA ang ating mga ginagawa. 1 Cor 11:1  “ Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Kristo” Paano sila magiging katulad ni Kristo? Sa pamamagitan natin, nang ipinakikita nating pamumuhay para sa Panginoon.

IKATLO:   Upang ipangaral ang kanyang mga Salita

Isa sa mga huling tagubilin ni Hesus sa Kanyang mga disciples before he ascended to heaven is recorded in Matthew 28:18-20. “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa Akin. Dahil dito, magsiyaon nga kayo, gawin ninyong alagad ang lahat ng bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo” Hindi ba tayo ay disciples din ng Panginoon, na tayo ay may tungkulin na palaganapinl ang Kanyang mga Salita.

Sa buong aklat ng Acts, Christians go into the world and teach and preach the gospel. Kailangan natin na mailahad ang mga Salita ng Panginoon. Sa makabagong panahon, ang daming pamamaraan ang maari nating gamitin ng naaangkop sa takbo ng panahon, and WE CAN INFLUENCE AND CORRECT THE CURRENT MODERN WAYS, huwag nating takbuhan ang pagunlad ng teknolohiya, at manatili sa makalumang paraan, kundi gamitin ang teknolohiyang ito upang maging paraan sa paglaganap ng salita ng Panginoon.

At dito madalas na maraming nagkakamali sa atin. Dahil sa description na “salita ng Panginoon” kung kaya ang nangyayari ay puro rin tayo “SALITA” at madalas na ipinagwawagaywayan pa ng ating mga dila ang puro Panginoon, Panginoon o verses sa Bible. Ang salita o sabihin na nating daldal kadalasan ay madaling makasakit sa kapuwa, lalo na kung ang dating mo ay napaka “righteous”.. ikaw ang magaling dahil ikaw ang nakakaunawa sa Bible, ikaw ang bida, ikaw ang nag-aral.. wala ka na time para makinig sa iba at unawain ang kanilang damdamin. Lalo na kung palagi na ay ibinibigay mong halimbawa ang iyong sarili.

Let us go out and reach out to others by being humble, by being a listener.. not a talker.. by being a motivator, not a spoiler… by being an inspiration.. not a basher.

Madalas kong sinasabi tuwing may pagdiriwang sa Panginoon, “Anuman ang gagawin mo, be sure wala kang masasagasaang tao bagkus ikaw ay may natutulungan. Marami ang humuhusga kahit kapwa mo Kristiyano kapag namuhay ka sa Panginoon sapagkat ang mundo ay puno ng materyalismo. Laging ang pagtulong at pagsuporta sa kapuwa ay isasakay nila sa Pera, hindi sa tunay na gawang Kristiyan. You have the Responsibility to uphold your being a Christian. Kung hindi ikaw, who is a Christian, who will uphold Christianity?”

Our Christian RIGHTS IS A RESPONSIBILITY. Let us use our RIGHTS TO BE RESPONSIBLE.

Let it shine in ourselves. Less talk. More reflections.

—000—

“If I let you know. You can’t tell nobody, I’m talking ’bout nobody. Are you responsible?” – Aaliyah

FREE MEAL

Kanina ay omorder ako ng mukablah for lunch sa isang turkish restaurant na malapit sa isang General Engineering Services offices where I had a technical meeting about one project. Mukablah is an Arabic Mixed Vegetarian Food served with unleavened bread topped with olive oil and  lemon.

While eating I was thinking of the next meeting and contemplating on my supposed vacation na nareschedule after June. Inisip ko na hindi naman dapat na ang tulad ko na nagbigay na magagandang opportunities sa aming kompanya will be given this kind of treatment. Dahil sa ibang nagmamagaling at mga sakim na empleyado (mga matataas ang puwesto, na ibang lahi) ay nagkaganito ang sitwasyon at ngayon ay ako ang naapektuhan. Naging krusyal ang kalagayan at ang role ko to get us up ay mahalaga (raw) sabi ng meari.

Then, like a true believer in God, baka kako me meaning iyon. Lalo na at ang aking eldest ay kailangang alalayan sa kanyang pagwork dito. Halos 1 month pa lang siya at kung maiiwan siya rito next month ay baka masira ang loob, lalo na ang ganda ng momentum niya sa bagong work niya rito.

Ibinaling ko ang attention ko sa ibang kumakain at nangiti na lang ako sa manner ng pagkain ng ibang lahi. Kanya kanya ika ngang culture at paguugali. Merong nakakamay at kinukuyom muna ang kanin sa kanilang kamay bago isubo, meron namang padakma ang dakot ng kanina at naglalabasan sa pagitan ng daliri bago isubo, mayroong nakataas pa ang paa sa upuan.  Kako sa sarili ko, makapagmamalaki pa rin tayong mga Pinoy pagdating sa table manners.

After I have consumed the mukablah, I ordered for tea pampatunaw ika nga. A call came from my colleague assigned in Yanbu asking for my advise in one prospect, then I finished the tea and rose from my seat. I proceeded to the cashier, and took out my wallet asking him how much was my food.

He replied that my food was paid, and pointed at the two gentlemen on the second table from the cashier. Their faces were somewhat familiar, pero di ko matandaan kung saan ko sila nakita. I approached the two gents to thank them.

“Sadik, shukran for paying my food. But, tell me please, how did you know me. And why are you paying my food?” tanong ko sa kanila.

“Ah Mister Kabayan, we don’t know your name and you don’t know us also. But, about a month ago, if you remember, we were in the parking lot of that GES office and our car would not start. It’s battery was dead, and you came to us and asked what was the problem. Then you drove your car next to us, pulled out jumper cable and connected it to our battery. We managed to start our car and get back to our office on time. We are the ones who must say “Shukran”” ang sagot nila sa akin.

Natandaan ko na nga ang dalawang ito. Nakita ko na nakataas ang hood ng kotse nila, na nakapark two park lines away from my car. Papasok na ako sa kotse ko noon but instead of leaving,  nilapitan ko nga sila at tinulungan.

“We were not able to say thank you that time. Luckily we found you here. Thank you very much Sir” was their further comment.

We exchange business cards before I left.

One business contact added.

One opportunity to spread kindness.

Without putting in vain God’s name.

—000—

“Take a look at the world, and the state that it’s in today, I am sure you’ll agree, We all could make it a better way. With our love put together, Ev’rybody learn to love each other, Instead of fussing and fighting.” – Jimmy Cliff

LET’S BE THE BLESSED, BROKEN AND SHARED GIFT TO EVERYONE.

Napanood ko sa Wish Ko Lang ang isang episode tungkol sa kanilang social experiment, i.e. to find a Samaritan sa napakaabalang Boracay. Isang foreigner ang kanilang pinag-anyong gutom, at me sugat pa sa binti. Walang wala ang foreigner at kailangang maipagamot.

Dinaan daanan lang siya ng mga tao, maging ng kapuwa foreigner, until isang babae na papasok sa trabaho ang nakakita sa kanya across the street. Tumawid at nilapitan siya ng babae, at nang makita ang  kalagayan ay nagpatulong sa ibang tao para maisakay sa tricycle at madala sa pagamutan. On the way, huminto pa siya sa isang tindahan para magtanong ng pain reliever at maibsan ang nararamdamang sakit ng foreigner. Hindi niya ito hiniwalayan hangga’t hindi nadadala sa pagamutan. On top of that, pinuntahan pa niya ang kasintahan ng foreigner para ipaalam ang kalagayan nito.

Nang mainterview na siya pagkatapos ireveal na iyon ay isang eksperimento at siya ay hinirang na Samaritan ng Boracay the following points caught my attention:

1.  Hindi niya inalintana kung malate siya sa pagpasok basta matulungan ang foreigner at masiguro niya na magiging maayos ang kalagayan nito. And take note na nasa kabila siya ng kalsada, pero tumawid siya para lamang makatulong.

2. Wala siyang pera, pero tumulong pa rin siya. Noong huminto nga raw sa tindahan para bumili ng pain reliever, handa siyang iwan ang ID niya bilang prenda sa gamot na bibilhin at saka niya tutubusin.

3. Aniya, hindi siya nag-iexpect ng kapalit sa ginawa niya.

4. Iminulat siya ng magulang niya na “ang mabuting gawa ay hindi naghihintay ng kapalit, ang Diyos ang siyang nakakakita ng ginagawa mo”

Ang ginawa ni Anna Mae Buyco ang nagreinforce sa aking paniniwala sa paggawa ng kabutihan sa kapuwa ay hindi nakikita sa yaman o impluwensiya, available time, hindi kailangang ipagsigawan na may ginawa kang kabutihan, at hindi naghahangad ng kapalit.

Isa pang kapansin – pansin, sa buong interview sa kanya, once lang niya ginamit ang Diyos dahil alam niya ang tungkulin niya sa Panginoon. Ang pasasalamat sa Kanya ay nasa puso niya, hindi inaannounce sa pagbubulalas ng “Praise the Lord” o pangangaral ng Kanyang salita. Gusto niya na masalamin sa kanya ng iba ang kabutihan, ang blessings ni Lord.

Ang honest na puna ko, ang measurement ng karamihan sa atin ng blessings ay ang pananalapi. Kapag sa tingin ay may pera ka, iyan ang full of blessings at uulanin ng kantiyaw na “share your blessings”. Doon lang nakatuon sa kung ano ang nakikitang yaman. Ang salitang “mayaman” ay isang attitude lamang. Lahat ng tao ay mayaman, kung ang kayamanan ay iiequate mo sa blessings.

Katulad ng ginawa ni Anna Mae, she realize na she is full of blessings…. may pamilya, may trabaho, may mga kaibigan, malusog at maraming nagmamahal. Iyan ang tunay na blessings. Anong gagawin mo sa pera mo kung ikaw ay sakitin, walang nagmamahal kundi ang may gusto lang sa pera mo, walang kaibigan or kung meron man, ay lalapitan ka lang dahil sa pera.

Isa pang mahalagang elemento na ipinakita niya sa pagtulong ay ang siguraduhing may epekto sa tao ang kanyang pagtulong. Hindi panandalian lamang. Talagang inalalayan niya. Ipinakita niya na may kaakibat na responsibilidad ang pagtulong. Hindi iyong inabutan mo lang ng pera o tulong ay sapat na. Siguraduhin natin na ang tinulungan natin ay long term ang magagawa sa buhay niya.. makapagbibigay ng pag-asa para siya ay magsikap…. hindi MAGHINTAY na lang palagi ng tulong ng iba.

Anna Mae works hard para sa pamilya niya. siya lang ang inaasahan. Hindi iyon pahirap sa kanyang buhay, bagkus blessing pa nga because that keeps her alive, that keeps her have faith in God, that keeps her have a purpose in life, that keeps her to continue loving, that keeps her meet sincere friends and that keeps her go on helping others. Hindi sagabal ang kawalan niya upang siya ay makatulong. Sa kawalan pa nga nakikita ang TAPAT na pagtulong.

Next time somebody asked you and said “share your blessings” give him a smile, a praise, a listening ear, a shoulder to cry on, arms to lean on and a hand ready to help.

That is the best sharing of blessing we can give. Hope and Love.

—000—

“Let us be the gift to everyone. Let us thank the Lord for all He’s done. So that all can be a gift, blessed, broken and shared.” – Freestyle

CORRECT TOOLS FOR BEST RESULTS

Nagkaayaan kahapon na mangisda sa isang lugar na mga 100 kms from here at merong pond na hindi nauubusan ng tubig. Mga 2 hectares ang pond at me mga parang talahib na ring tumubo at dito ay sagana nga sa tilapia at hito. It is along the highway kaya marami rin ang nagpupunta para mangisda.

Nadatnan namin na me mga Pakistani na nagka-cast ng net sa me bungad ng pond at me isang pick up naman ng Bangla Deshi na ang dala ay kawil, o iyong itinatapon na net, may pabigat sa dulo at kusang titiklop paghila.

IMG_2123 (2)

Ang dala ng tropa ay single ply net mesh no1 or isang mesh per square inch at pagdating namin ay nilagyan ng pabigat na mga empty bottles ng mineral water na pinuno ng buhangin. Ang palutang naman ay empty bottles din na me takip.

What is noticeable ay ang katuwaan, ang tuksuhan at ang kanya kanyang diskarte sa pagbugaw sa mga isda papunta sa net. Naroong me mapapatapak sa naputol na puno ng talahib, o mabubuslot sa medyo malalim na part ng pond o kaya ay iyong nasa tabihan ay madudulas at siyang tampulan ng tawa at kantiyaw.

Nakakatawa pa dahil iyong isa naming kasama ay kontodo long sleeves at hithit ng sigarilyo proteksyon daw sa lamok, samantalang ang marami ay langaw.

Naka isang oras na ay wala pa rin kaming nahuhuli. Pumunta sa me lugar namin iyong mga Bangla Deshi at itinapon ang kawil, pagbawi ng kawil ay nakita namin na puro isda ang net. Dalawang tapon lang nila at nangalahati na ang dala nilang timba. Nilapitan ng mga kasama ko ang Bangla hoping to borrow the kawil even for one throw. Natural, dahil iba ang ugali ng lahing ito, hindi kami pinahiram.

tilapia

Pack up na kami na mga bigo, bago umalis ay dinaanan namin ang mga Pakistanis. Wala rin silang nahuhuli at aming kinantiyawan na kunwari ay marami kaming huli.

Habang daan, we arrived at the conclusion na mali ang gamit naming net, binubundol lang ng isda. Mas mabuti pa ang mamingwit at tiyak na me huli. We will come back at kawil gamitin namin or 3 ply na net.

Lesson learned: Sa bawat gagawin, dapat ay tama ang tools na gagamitin.

We decided to use our Back Up Plan.

Punta kami sa Dammam Fish Market at bumili ng isda. Wallet lang ang pain e ang dami nang huli.

—000—

” I need a little more luck than a little bit. Cuz every time I get stuck the words won’t fit. And every time that I try I get tongue tied. I need a little good luck to get me by. I need a little more help than a little bit. Like the perfect one word no one’s heard yet. Cuz every time that I try I get tongue tied. I need a little good luck to get me by this time” – Faber Drive

BAKIT NAKALABAS ANG BUTO NG KASOY?

Iyan ang tanong sa akin ng isa kong guro noong ako ay nasa ikaapat na baytang. Hindi ko siya masagot noon, at para sa akin ay isang napakahiwagang katanungan ang kanyang ibinigay sa aking assignment. When I could no longer find the answer, sabi niya sa akin “ang buto kasi ng kasoy ay tulad ng isang tao na kailangang ilabas kung ano ang kanyang nasasaloob. At ito ang bagay na nagpapatingkad sa kagandahan o kabutihan ng tao”

Lubhang malalim pa rin para sa akin ang kanyang paliwanag at dala ko ito hanggang ako ay lumaki.

Sa pagdaan ng panahon, marami akong nakitang kaugnay ng kanyang paliwanag. Isang Nanay na may kalong na anak, asawang lalake na hawak ang kamay ng asawang babae, anak na hinahaplos ang buhok ng kanyang ina, magkakapatid na masayang naglalaro.. ilan lang sa mga bukas ang kalooban sa pagpapahayag ng kanilang saloobin.

At naunawaan ko lalo ang isang  bagay na tulad ng buto ng kasoy ay dapat nating ilabas.. ang pagmamahal. Ang pagmamahal ay buhay. Walang sinumang tao ang di nagmahal. Kahit na anong sama pa niya ay marunong din siyang magmahal. Ang pagmamahal ay nagsisimula kapag narealize mo na ikaw ay buhay. Love cannot be controlled nor restrained. Para itong sa galyangan, kusang bumubukal. Love transcends everything. It knows no boundary and it is immeasurable. That is why the expression of love has no limit, at it makes loving all the more beautiful.

Napakaganda ng aral na ibinigay sa akin ng aking guro. It made me an understanding person, mapagpatawad, makalinga at higit sa lahat ay mapagmahal. Dahil nga nakalabas ang aking buto, mas nauuna ang pang-unawa sa mga bagay na nakalulungkot o nakakasakit.

Ang gaan sa pakiramdam habang kumakain ako ng sinangag na buto ng kasoy.

Salamat sa aking guro sa Industrial Arts na nagbigay ng tanong na iyan sa akin.

Salamat sa aking guro, si G. Eladio Villasaya Calvario, ang aking Tatay.

—o0o—

“So now I come to you, with open arms. Nothing to hide, believe what I say. So here I am with open arms. Hoping you’ll see what your love means to me. Open arms.” – Journey

PRACTICAL LOGIC

“Okay, you are telling me that you can monitor every minute what is happening in our pumping stations and pipelines through your system. You can even install a movement activated camera in any area?” bungad sa akin ng Division Manager.

“You are also implying that since the Master Station, the heart of the whole system is your product, you can easily configure everything to fit this system you are talking about. And we are referring to almost 2,500 wells, about a hundred field facilities, thousands of kilometers of pipeline.” Dagdag pa niya.

“Yes,” kako and then I started explaining how it works, and how it alerts the security force of the company, who will then immediately coordinate with the police if there is an eminent danger to the company.

Tinanong niya ako kung halimbawang may Ali Baba na nagnanakaw ng mga cables o communication equipment sa mga remote facilities ay magbibigay ng alert sa security. (Ali Baba ay common term dito sa magnanakaw). Tapos ang dami kong pinagsasabing Smart Wireless Technology at mga features tulad ng touchscreen security monitors, alarms, auto lighting, etc.

“Make it simple and practical.” Ang maikli niyang sagot sa napakahaba kong paliwanag.

“What do you mean Sir?” Ang tanong ko.

Tagalugin natin ang kanyang tugon.

“Ano sa palagay mo ang mangyayari kung me 3 o 4 na Ali Babas na ninanakaw ang cable ng isa naming facility, 10 kms from the Security Post sa alas 3:00 ng madaling araw? Pupunta ba kaagad doon ang mga guards para magcheck sa disoras ng madaling araw? At paano kung pumunta nga at me inabutan, sa palagay mo ba ay huhulihin nila mga iyon? Okay, itatawag nila sa pulis. Balik tayo sa unang dalawang tanong ko. Pupunta ba sila at manghuhuli. O magtsatsaa na lang at sasabihing malakas lang ang hangin kaya nag-alert ang system.? Puwede rin na sabihing sira ang system, nagshort. At iyan ang pinakaconvenient na excuse, sira ang system dahil sa dami ng features, bumigay sa exposure sa mataas at mababang temperature.”

Napatango na lang ako. Nabira ako roon a. Nawala ng bisa ang mga explanation at presentation ko.

Kaya pala kako, walang perfect na system. Lagi na lang ito ang nasisisi kapag may mga failures o sablay.

Kahit sa araw araw na pamumuhay.

Na-late sa pagpasok, kasi hindi nag-alarm ang orasan.
Hindi nasagot ang importanteng tawag kasi nawalan ng signal.
Nabura ang ginagawang report, dahil bigla na lang nawalan ng kuryente.
Nakaligtaang naglalambing si bunso, dahil nakatuon sa video games.
Hindi natapos ang trabaho, kasi navirus ang computer.

Practical reasons. Convenient excuses.

—000—

“When I was young, it seemed that life was so wonderful, a miracle, it was beautiful, magical . And all the birds in the trees, well they’d be singing so happily, joyfully, playfully, watching me . But then they send me away to teach me how to be sensible, logical, responsible, practical.” – Supertramp