INSPIRE THE OFW

Di ako naging masyadong active sa social sites at nawala sa aking blog for more than a week. This is a self imposed hibernation dahil medyo naapektuhan ako kahit papaano sa isang shocking na pangyayari dito.

Isang katrabaho, kasamahan,  kaibigan, ang nagpakamatay 11 days na ang nakakalipas. Natagpuan siya ng mga kasamahan niya na nakabigti sa kanilang kuwarto noong maguuwian na. Pumasok siya ng umaga, pero ng hapon ay di na bumalik ng opisina at iyon na nga nagkulong sa kuwarto, saka nagbigti.

Isa siyang Superintendent , may maayos na puwesto sa aming kompanya. Makuwento. Maingay at palagi na ay nais na siya ay pansinin. Although napansin ko na mareklamo, but I realized na sinasabi lang niya talaga kung ano ang nararamdaman niya. Kaya nga it came as a shock to me ng malaman ko ang ginawa niya.

Maraming lumutang na dahilan kung bakit siya nagpatiwakal, but for me it is already late. Kung anuman ang dahilan na iyon, ay dapat na nagawan ng solusyon o kung di man ay may nakapag-explain sa kanya o nakinig man lang sa kanya.

Marami magsasabi, “Life is Precious” and make judgment on what he did. But it could not bring back his life and his decision to end his life.

What can be done is to prevent another life to end in like manner.

Ang unang dahilan kung bakit nag-aabroad ang isang OFW ay dahil sa gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya, single man siya o married….. bago ang kanyang sarili. Sa pagtatrabaho niya sa ibang bansa, pinipilit niyang iadapt ang sarili sa kultura, kapaligiran, panahon, ibang lahi at ang pagkakalayo sa mga mahal sa buhay.

Marami akong nakikitang mga OFW na talagang tinitipid ang sarili para lang mas malaki ang maipadala sa pinas. Ang iba ay nagsasideline sa mga restaurant, pagtitinda ng kung anu-ano, at ang iba, dahil ang lugar na ito ay malapit sa dagat, ay nangingisda hindi bilang libangan, kundi para may maipang-ulam. Sa pananamit din, makikita na mga branded, pero ang mga ito ay bili sa ukay-ukay… kaya nga maraming ukay-ukay dito na karamihan ay mga afghans ang mga nagtitinda.

Ang pangungulila ang unang nagpapagulo sa isipan ng isang OFW . Ikalawa ay ang mga problema na naibibigay ng mga kaanak sa pinas. Imagine learning that your son or daughter is not attending school, kahit na ang padalang support ay sobra-sobra, or nalulong sa bisyo o nabuntis. Gaano kalaking gulo sa isipan ang malaman na ang asawa ay nagtataksil, o kaya ay baon na sila sa utang dahil nga sa napakaluhong pamumuhay, samantalang si OFW ay pinipilit na makatipid at siya pa ang magsasabalikat ng pagbabayad ng utang na hindi naman niya ginastos.

Maipapadama natin those back home ang pagmamahal sa ating mahal na OFW sa pagpapakita ng katapatan sa kanya. Mag-aral ng husto kung ikaw ay nag-aaral, kaya ka nga tinawag na mag-aaral, hindi magtatambay. Palaging mag-communicate at batiin ang OFW sa lahat ng okasyon ng pamilya. Maging matalino sa paggasta, at mamuhay ng simple at low profile. Ang pamilya ng OFW ang siyang target ng mga nagbibenta ng kung anu-ano na di naman kailangan at ng mga salbahe para pagsamantalahan. Keeping a low profile also means makakaiwas ka sa intriga ng mga inggitero/inggitera na makakasira sa pamilya. Invest wisely at sa talagang kailangan.

Always bring good news from home to OFW. Make him proud of his family. Kasi it boosts his pride, enthusiasm, gives him more energy and confidence to perform his work.

It gives him high sense of security.

Huwag puro hingi. Huwag puro hinaing. Huwag lang tuwing katapusan madalas ang tawag.

Keep his heart healthy. Keep his mind positive. Keep his body active.

Inspire the OFW.

—000—

“From the day we arrive on the planet. And blinking, step into the sun. There’s more to see than can ever be seen. More to do than can ever be done. There’s far too much to take in here. More to find than can ever be found. But the sun rolling high. Through the sapphire sky. Keeps great and small on the endless round
It’s the Circle of Life. And it moves us all. Through despair and hope. Through faith and love. Till we find our place. On the path unwinding. In the Circle. The Circle of Life.” – Carmen Twillie

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s