HIGH TECH PLIGHT

Last Saturday, I was talking to a Canadian Consultant na empleyado ng pinakamalaking Oil and Gas Company dito sa GCC about technology and the way it is being marketed by companies.

Sabi niya sa akin, “actually, technology is really good and very helpful if it applies to our basic objectives in owning a gadget, tools, equipment or machine.”

Ginawa niyang halimbawa ang cellular phone. “When buying a cellphone, define what you want to do on your cellphone, then decide what brand and model best answers your objectives.”

Marami nga namang mga dagdag na kung anik anik na features na hindi naman natin kailangan pero ito ang ginagamit ng mga marketing people para mabenta ang kanilang produkto.

Then he told me his experience with his service vehicle, a GMC Truck with all the “smart” feature that he really gets confused everytime he enters the vehicle. Nariyan daw ang magkakalembang kapag di siya nakasuot ng seat belt pagtakbo ng sasakyan, or mga ilaw ilaw ng kung anu-ano ang ibig sabihin sa dashboard. He added that what he needs in the car is to satisfy his basic needs: a steering wheel, kambyo, silenyador, preno, clutch at convenient na upuan. But he was provided with a vehicle that you can start at a distance, beep when there is something in the path when you are backing it, and a lot of other “smart” things that somehow irritates him.

The height of his irritation happened one day when he was inspecting a monitoring station 20 kms off the highway. Disyerto raw iyon at talagang bihira ang dumadaang sasakyan. Mainit daw at pagkapark niya sa tabi ng station, he decided na ang susi ay ilagay sa upuan para hindi uminit sa kanyang bulsa dahil nga expose sa araw.

Habang binubuksan niya ang panel ng monitoring station, bigla raw naghonk ang sasakyan at dinig na dinig niya ang tunog na “tsak tsak” which means naglock mag-isa ang sasakyan. It is too “smart” that when you park it, took a key, leave your seat and close the door, ay maglalock ito ng sarili after 5 minutes. Buti na lang daw at me konting awang ang window glass ng vehicle. Mahaba ang collapsible antenna ng kanyang radio, at ito ay pinutol niya from the radio para maipangsungkit niya sa susi.

He was laughing habang ikinukuwento niya ito sa akin, sabay sabi nang “now, that is a really dumb smart vehicle”

Uncontrolled technology.

-000—

“Computer age.  Bikes and vans.  Fly by me on the desert.  But I’m all right Standing out here in the hot sun.  When I see the light I feel like more than just a number” – Neil Young

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s