POSTPONED VACATION

I was asked by my friends about my vacation next month at ang mga plans namin na get together at pasyal pasyal. About 12 of them ang sana ay kasabay ko. I told them that it was moved to July, kasi nga ang me ari ay nakiusap sa akin na after June na ako tumuloy. Marami nagsabi na timed sa Ramadan, where there are less business activities kaya siguro pinamove vacation ko.

I talked to 3 of my friends na sana ay kasabay ko bumakasyon. Si Friend no. 1 ay taga Malabon at me plan nga na aakyat siya sa lugar namin and spend a weekend with his kids sa amin. Sabi niya, hindi rin siya matutuloy umuwi. Baka next year na. Kasi raw, magka college na panganay niya. Iyong ticket ay inencash na niya at iyong vacation pay, para may pambayad tuition sa pasukan ng June.

Friend no. 2 naman na taga Pampanga ay ganun din ang sabi sa akin. Hindi na rin siya uuwi for vacation. Next year na lang daw, kasi nagkasakit ang Nanay niya at naoperahan. Nakapangutang sila at iyong ticket at vacation pay niya ang ipambabayad niya.

Si Friend no. 3 na taga Laguna man ay hindi rin matutuloy sa pagbabakasyon. Ang dahilan ay kumuha ng lupa at bahay ang kanyang asawa at kailangan ng pangdown payment. Sabi niya, maganda raw naman iyong objective ng wife niya sa pagkuha ng lupa at bahay kaya pumayag na siya kahit na next year na rin siya makakauwi.

Idagdag pa nating dahilan nila ay the thought na kukuyugin daw sila ng mga manginginom, manghihingi at mangungutang. Ano ba at tuwing uuwi na lang daw ang mga kasama ko for vacation, doon natatapat na me mga sakit ang mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay nila. At kung bakit, lahat iyon ang sinasabi ay “wala na kaming ibang malapitan…”

Ito talaga ang malungkot na katotohanan sa buhay ng isang OFW. Kinakalaban mo sa buong isang taon ang homesick, inis, hirap ng trabaho, init at lamig, ibang kultura, iba’t ibang nationalities at sabik na sabik ka na makabakasyon. Tapos pag babakasyon na ay ito ang nangyayari. At kung makabakasyon naman ay mistulang isang Piggy Bank na babasagin at kukunin ang laman.

Tinawagan ako ng ilan ko pang kaibigan at sinabing matutuloy sila, at tulad ng dati, kaming mga narito na hindi nakabakasyon ay on-stand by para sa kanila. Ibig sabihin, ready lang kami pag humingi sila ng saklolo or kinapos sa budget sa Pinas.

Just the same. Napakasarap pa rin ng magbakasyon.

Kaya lang, ang pagkaSABIK ng OFW sa paguwi, pagbalik ay magiging HIBIK.

–000—

“Well, I’ve sacrificed time with family and friends. Gave up vacations for work without end – 24/7, 365. But I was willing to make the sacrifice.I think about Jesus and all that he gave. And the ultimate sacrifice that he made. He is my strength and my guiding light. And he’s taught me that nothing’s without sacrifice.” – Dolly Parton

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s