DE PALITO

I went to a Watch Boutique sa bayan para papalitan ng battery ang aking Fossil Watch. Meron silang isang Indian Repairman who speaks good Pilipino and is well liked by everyone.

Sabi niya pagpasok ko, “ay si Kuya, anong problema?”

“Magpapapalit ng baterya ng relo ko,” sagot ko.

Sabi niya, “tingnan ko ang relo.”

Iniabot ko at nagkasundo kami sa presyo.

Nagbayad ako at bago lumabas ay tumingin tingin pa ako ng mga nakadisplay na relo sa kanilang tindahan.

Natigilan ako at napatawa nang marinig kong nagsalita ang Indian sa isang kakarating na Pinoy at may ipapagawang relo.

“Ay kabayan, bumili ka na lang nga bago. DE PALITO naman itong relo mo. Saan mo ba ito nabili?” ang malakas niyang sabi.

Ang DE PALITO ay bansag sa isang mumurahing relo noong araw. Kaya tinawag na DE PALITO, dahil kapag ito ay nagloloko ang pag-andar, sinisingitan ng palito ng posporo sa may susian para tuloy tuloy ang pag-andar.

Noong araw kasi ay hindi pa uso ang mga relo na de baterya, at ang nagbibigay ng power sa minutero ng relo ay ang main spring coil which turns the gears system that move the hands. The spring gives off energy as it unwind and ito naman ay kinocontrol ng hair spring to keep the rotation of the hands constant.

May dalawang klase ang relo noong, ang DE-SUSI at ang SELF WINDING (o ngayon ay tinatawag na AUTOMATIC). Ang relong DE susi ay iyon na nga.. sinususian by  turning a small knob on the case, the crown, to provide energy to run the watch. Otherwise, once the watch loses its stored energy o iyong maubos na ang susi, it stops.

watches

Ang AUTOMATIC naman ay may mekanismo which winds the mainspring through an eccentric weight (the rotor), which turns on a pivot. The normal movements of the user’s arm cause the rotor to pivot on its staff, which is attached to a ratcheted winding mechanism.  Sa paggalaw galaw ng kamay, natatranslate ito ino a circular motions ng rotor which through  a series of reverser and reducing gears, ay nasususian ang  mainspring. Ang tibay naman ng relo noon ay binabase sa kung ilang jewels o iyong mga synthetic ruby bearings.

Natuto ako ng mga pag-aayos ayos ng relo sa pagmamasid ko kay Tatay at sa pinakamaasahan na RELOJERO sa aming Barangay, si Mang Enciong. Napakasipag at napakatiyaga ni Mang Enciong at ang isang magandang bagay sa kanya ay iyong ipinapaliwanag niya ng husto sa kanyang parukyano ang sira ng relo, ang dahilan ng pagkasira at kung paano ito maiiwasan.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

The fully wound mainspring in a typical watch can store enough energy reserve for roughly two days, allowing the watch to keep running through the night while stationary. In many cases automatic watches can also be wound manually by turning the crown, so the watch can be kept running when not worn, and in case the wearer’s wrist motions are not sufficient to keep it wound automatically

Kaya nga pala ako napatawa ay dahil ngayon ko lang uli narinig ang salitang DE PALITO. In this age of advanced technology, ang salitang DE PALITO ay outdated na, archaic, outmoded.

At ito ay sa isang Indian ko pa narinig.

Ang sub-standard products ay kasa-kasama na natin sa lahat ng panahon.

Ganoon din sa pag-uugali at gawi ng tao.

Marami ring DE PALITO… sa lahat ng panahon.

—000—

“I know you brought your tools today..my heart needs a few repairs..and I will open up, just a few adjustments here and there..Can you be my repairman?” – K. Michelle

Advertisements

A FATHER’S LOVE.. NAUULIT LANG ANG KUWENTO..

Narealize ko ang naramdaman ng Tatay ko noong siya ay nabubuhay pa sa hindi lang iilang pagkakataon sa aking dalawang anak na lalaki.

1. LAGNAT BLUES

Isang araw ng Biyernes in one of my vacation, lumuwas kami ng panganay ko dahil may interview siya sa may Mega Mall at ako naman ay susundo naman si bunso sa kanyang Dorm dahil nilalagnat daw. After dropping my eldest sa Julia Vargas, I drove towards Cubao para sunduin muna ang pinsan ko na sasama sa amin paguwi ng Quezon. Babalikan ko na lang si eldest dahil sakto naman siya sa appointment at mga kalahating oras lang daw siya roon. Nasa may Galleria na ako ng nagtext ang aking bunso at nagtanong kung nasaan na raw kami, dalian daw namin at siya raw ay ang taas taas na ng lagnat. I called him and he was really crying na at nagagalit na sa akin. Tinawagan ko ang pinsan ko at sinabi kong mag MRT na lang at bumaba ng Crossing.

Naconfine ako sa University Infirmary noong ako ay first year college dahil sa trangkaso. Mataas ang lagnat ko at para makasigurado ay ipinasok na nga ako sa infirmary. My best friend Gerry sent a telegram kay Tatay na sinasabing may sakit nga raw ako at nakaconfine.

I drove towards Crossing and parked sa Robinson’s. Nagtext ako sa panganay ko na doon na lang pumunta pagkatapos niya. Halos magkasunod silang dumating ng pinsan ko and I asked my eldest to drive towards Quiapo. Ang bunso ko ay nagrerent sa isang Dorm malapit sa CEU at Malacanang. Tinawagan ko ang bunso ko at umiiyak na at sabi ay sakit sakit daw ng ulo niya at taas taas na raw ng lagnat niya. Pagdating namin sa Dorm, agad akong nagtungo sa room at inaalalayan ko siya na sumakay ke Teroy, with his GF sitting beside him. He ordered his GF to sit in front dahil gusto raw niya mahiga sa aking lap. Then, noong nakahiga na siya sabi niya sa akin “Pa, ang sakit ng ulo ko. Hilot mo. Haplos mo buhok ko.” He just turned 18 that time.

Tatay came the following day that Gerry sent him a telegram, binigyan daw siya ng pamasahe ng co-teachers niya, si Mrs. Aguado, Miss Cuartoy at Ate Yolly. When he entered the room, I asked him to sit beside me and told him “Tatay, ang sakit ng ulo ko. Hilot mo. Haplos mo buhok ko.” I was about to turn 18 that time.

2. KILITI SA TALAMPAKAN

Isang araw ng Friday, a rest day here, ang panganay ko ay nagpapatanghali ng bangon para raw makabawi ng tulog. Nakapaglinis na ako ng salas at kusina ay tulog pa rin siya. I tried waking him up para maghanda sa worship but he just replied, “5 minutes pa “Pa”

Nag-high school ako sa aming bayan ng Lopez which is about 11.5 km by rail, and 15 km by road. Mahirap pa ang transportation noon sa amin, kaya nakikipanirahan ako sa kamag-anak ni Tatay at lingguhan ako kung umuwi.  Pag Sunday, nagpapatanghali ako ng bangon para makabawi ng tulog at sina Tatay ay naglilinis ng bahay habang ako ay tulog pa. Then, Tatay will try to wake me up para magsimba, and my usual reply was “5 minutes pa Tatay.”

I took a piece of paper, folded it into 1/16 at kiniliti ko talampakan ng aking panganay. Panay ang pasag ng kanyang paa tuwing kikilitiin ko and suddenly bumangon siya at sabi “Parang may gumapang na ipis sa paa ko.”

Tatay will then take out a chicken feather at kikilitiin ang talampakan ko. Nagpapasag ako at biglang bangon na sinabi kay Tatay “Parang may gumapang na ipis sa paa ko.”

The experience gets repeated. The emotion flashed back.

The father’s love remains the same.

I miss Tatay.

—000—

“There is no power on earth like your father’s love. So big and so strong as your father’s love. A promise that’s sacred, a promise from heaven above. Did I hug enough, did I care enough?. When you most needed me, am I there enough? Enough to make you feel the power of your father’s love.” – Gary Valenciano

Ang Postmaster at ang Kartero

Napalaki ng papel na ginagampanan ng aming Barangay before the electronic mail came. Nasa amin kasi ang sentro at buhay na buhay ang Kagawaran ng Koreo until the early ‘80s. Ang mga sulat ay nagyayao’t doon at dito sa pamamagitan ng Perokaril (Philippine National Railways) of which our barangay is the center of the Bicol Railway Line. Sa operations ng Train Station sa barangay namin ay may Maintenance and Repair Teams na siyang dahilan kung kaya lahat ng biyahe ng tren ay tumitigil ng matagal sa station sa lugar namin.

Ang Kagawaran ng Koreo (Post Office) sa aming barangay also serves the neighboring barangays of Matinik, Bagacay, Bigajo, Dominlog, Sta Jacobe, Roma, Guites, Lourdes at Kumaludkod. Napakasipag ng long serving Postmaster na si G. Edilberto Raza at talagang he even goes out of the office at pumupunta sa mga nabanggit na barangay kung sakaling may problema sa mga sulat na natatanggap.

Ang tanggapan ng Koreo noong nasa itaas pa ng bahay nina Aling Mimay

Ang tanggapan ng Koreo noong nasa itaas pa ng bahay nina Aling Mimay

Kapag panahon ng pasko at valentines ay asahan mong napakabusy nila sa paghahakot at pagpapadala ng mga cards at sulat, and as always, si Tatang Edil ay all smiles at hindi mo kakakitaan ng pagkabagot o pagkainis.

Ang Post Office rin ay siyang nagsisilbing Savings Bank noong panahong iyon. Mayroong tinatawag na Postal Savings Bank na mahihiya ang interest ng mga bangko ngayon, dahil kung time deposit sa ngayon sa bangko ay 0.5% to 1.0% per annum, noong panahong iyon ay 3% to 7% per annum ang interest.  Sa savings naman ang kasalukuyang 0.25% to 0.3% ay 3.6% to 4.9% per annum sa Postal Savings Bank.

Unang tahanan ng Koreo ay sa itaas ng bahay nina Aling Mimay, at nong mga late 70’s ay lumipat kina Aling Deling Requesto.

Ang Kartero noong araw ay talagang lakad lang ang ginagawa. Walang bisikleta, motorsiklo o anumang sasakyan. At inaakyat nila ang bundok para lang maihatid ng wasto ang mga liham.

Ang kartero noon ay walang kapaguran kung magdeliver ng sulat hanggang Matinik, Bagacay at Bigajo at mayroong silang usapan ng mga taga kalapit na Barangay kung paano maipapadala ang mga sulat sa mga tao sa kabilang Barangay. Ang natatandaan ko, nagkaisip ako na ang katad (leather) na bag ng aming kartero ay di na napalitan kahit noong humina na ang koreo.

Umulan, umaraw. Bumagyo. Uminit. Hindi pumapalya ang aming kartero.

Postmaster and the Postman.

Two of the most dedicated and honest workers on earth.

—000—

“All the rain never stopped you. At work, your work. Never gave up. built with strength, Step by step with his might.. We love you honest worker, Your family, your world.  We love you honest worker, ‘Cause no one can buy you.” – Kelly Family

LARO LARO. GALAW GALAW

I’m already past 50 years old but can still swim 5 laps, run 5 kms and even play 3 games of basketball. Noong bago ako rito sa lugar na ito, I asked around where can I swim, run or play basketball. After 2 months, may umaya sa akin na maglaro ng basketball. Ang sakit ng mga muscles ko sa hita at binti kinabukasan.

Halos twice a week ay naglalaro kami at sinasalitan ko ng swimming at madalas na jogging sa tinatawag naming Corniche. Ito ay isang lugar sa tabing dagat na may facilities for jogging/running, may mga exercise bars at iba pang facilities for a pleasant exercise.

Then I coached the team ng kompanya namin, nagchampion, sinundan ito ng pagplaying coach ko sa team ng church. Napansin yata ako ng ibang kompanya, at inaya ako na magcoach sa kanila. Isang Engineering company ang hinawakan ko, then isang kompanya ng gatas, isang electrical manufacturer at kasabay ng mga ito ang sa sarili kong kompanya.

904643_297688273694545_2142482634_o

But, I have a group of friends na ang talagang layunin lang namin ay maging physically fit. At dahil ako ang matanda sa grupo, ako ang nagtuturo ng disiplina. Talagang nambubulabog ako at dinadaanan ko sila para maglaro. Pito pa kaming natitirang magkakasama rito sa paglalaro, from an original of 15. Marami ang nagexit na, lumipat ng ibang kompanya o namalagi na sa pinas pero kaming pito continuously play and exercise.

Two years ago, we decided to form the team at sumali sa mga tournament. Nagambagan kami para sa uniform at sa entry fee. From a barkadahan na hindi naman professional na naglaro kundi pampakondisyon lang nga katawan ay palagi kaming finalist. Napansin kami ng isang manager sa kompanya na isa naming kasama at siya ngayon ang aming sponsor. We were runner up noong nakaraang liga kahit na nga di mga tunay na players. Isa lang lamang ng kalaban noong championship. Ika nga ay “sa kanila ang breaks” and we hope next time ay kami na ang champion. At ang latest ay nasa FIBA league na ang team namin.

Hindi lang sa kalusugan ng katawan naging mabuti ang aming samahan, kundi sa pagiging panatag sa aming trabaho dahil nagkakatulungan, nagkakahingan ng mga problema, nagkakashare ng pangarap at nagkakatuwaan kapag magkakasama. Minsan ay nangingisda, nagjojoy ride papunta sa disyerto, nagsuswimming at higit sa lahat ay nagkakasama kami sa panalangin.

Nagpapagawa ako ng basketball jersey para sa aming magkakasama tuwing babakasyon at ang katuwiran ko, “What is the P6,000 spent for the jersey compared sa kalusugan ng katawan at isipan na naibibigay ng aking mga kasama. Baka hindi lamang ganyan ang gagastusin ko sa pagpapagamot kung wala akong laro laro at ako ay magkasakit.”

One can find pleasure even in difficult environment.

Nasa pagsusunuran lang iyan.

—000—

“Beautiful life inside. Living, moving, breathing. So let hope arise. God knew what he was doing when He gave Beautiful, beautiful life. Let it live. ” – Trip Lee

ANG GANDA NG BUHAY

I love composing poems noong bata bata pa ako. Siguro kaya di na masyado ngayon, e dahil sa mas gusto ko na ikinukuwento ko sa paraang malaya at walang taludturang binabalanse ang aking mga puna at mga karanasan sa buhay. Anyway, heto nagtry pa rin ako.

Kailangan mo bang maging malungkot
Unawain ang sarili na ikaw ay pinagpala
Kailangan mo bang makaramdam ng pagod
Unawain mo na anumang bagay ay makukuha sa tiyaga
 
Kailangan mo bang sa sarili ay maawa
Unawain na marami kang nabibigyan ng tuwa
Kailangan mo bang matakot sa buhay sa lupa
Unawain na kayang tawirin malawak mang sapa
 
Kailangan mo bang mawalan ng pagasa
Ang talino at galing, kailangan mo lang gisingin
Kailangan mo bang makiusap at umasa sa iba
May dalawang kamay at paa na iyong gagamitin
 
Kailangan mo bang sa kasawian ay iba ang sisihin
Unawain mong ang desisyon sa iyo nanggaling
Kailangan mo bang ang buhay ay sayangin
Unawain ang “BUHAY” ay upang sa buhay ay gugulin  
 
Kailangan bang pagdudahan ang sarili
Unawain mong lahat ng bagay ay kakayahin
Walang sagabal kung iyong sisikapin
Samahan ng pagmamahal, kapuwa ay kalingain
 

Okay lang ako.

—000—

“The lights are off, it’s time to play. Got work to do, but that can wait. I wanna let go, letting everyone know. All that matters is a beautiful life. It’s a beautiful life.” – Kesha

I’M ON DIET

We were in Udhailiyah facility ng isang customer 250 kms from our office para sa isang meeting na susundan ng inspection sa project site. Udhailiyah ay isang maliit na community / compound ng Saudi Aramco located in the desert southwest of the Dhahran-Dammam-Khobar metropolitan area. Udhailiyah camp has Administrative, Operation and Maintenance offices at Residential Area para sa Southern Operations ng Aramco tulad ng Haradh Gas Plant, Hawiyah Gas Plant, Utmaniyah Gas Plant.

It has amenities including swimming pools, weight rooms (separate for males and females), dining halls, golf course (oil-sand greens), tennis facilities, squash and racquetball courts, library and a commissary (small grocery store). There is also the Wahat Al-Ghawar, a large, air-conditioned tent used for company and social events. Udhailiyah is heavily planted with green spaces and open parks with large trees and extensive irrigation. After the meeting, we were given 45 minutes to have lunch after which we will meet  near the main gate and proceed to the site.

Untitled2

Left is Kabsa while on the right is the Turkish mixed vege salad.

We went to a restaurant that serves Kabsa (grilled chicken/litsong manok with fried rice and fresh green vegetables), fried fish with fried rice, inihaw na isda, manok, baka basta may fried rice na kasama. I took the mukhlaba mix- a combination ng humus (ground chick pea), talong cole slaw, tinadtad na dahon dahon, kamatis, olives at grape leaves plus lebanese bread (unleavened bread).

My companion ordered a can of Diet Pepsi, dahil nga diet daw siya although fried rice na kasama ng grilled chicken ay good for 3 persons na yata.

Indian Waiter: “Pare, no available Diet Pepsi.”

My companion: “Then, Diet Seven Up Bay” (Bay is for the Indians as Pare is for the Pinoys)

Indian Waiter: “Pare, no available anything Diet in Can.”

My companion: “I am on Diet, I don’t want regular.”

Indian Waiter: “Pare, we have Diet Pepsi but Big Size.” Na ang ibig niyang sabihin ay iyong 1.5 liter size.

My companion: “I am on Diet. Only small Bay.”

Bubulong bulong ang Indian Waiter noong dumaan sa tabi ko.

“No diet in eating too much Kabsa, but softdrinks this man wants Diet. I cannot understand people.”

“Sometimes good. Sometimes crazy.”

—000—

” Well breakfast black coffee one slice of dry toast no butter no jelly no jam. Lunch just some lettuce two celery stalks no booze no potatoes no ham. Dinner one chicken wing broiled not fried no gravy no biscuits no pie. And this dietin’ dietin’ dietin’ dietin’ sure is a rough way to die” – SHEL SILVERSTEIN

PAROKYA MYSTERIES

Ako ay dating sakristan at kasama ng pari sa aming barangay for 10 years, from 2nd year High School till I graduated from College during the 70’s. I lived with him in the parish convent for 2 years, noon ako ay out of school at maging noong malipat siya sa Tagkawayan, Quezon ay doon ako pumupunta pag bakasyon. Maraming aral sa buhay at mga praktikal na application ng religion ang natutuhan ko sa kanya. Modern at progresibo ang approach niya sa pagpapatakbo ng parokya at marami ang nagmamahal at sumusunod sa mga pangaral niya.

Lima kami sa batch namin na very close sa isa’t isa, si Tito, Morris, Nick, Macky at ako,  although iyong iba ay mga katropa rin namin like Errol, Jong, Viyo, Ato. Music at basketball ang malakas na pamigkis sa aming pagkakaibigan.

Then, I trained young boys aged 10 to 13 para kahalili namin at bumuo din ng team sa basketball para sa kanila. Ako ang nagbigay ng pangalang “Acolyte” sa kanila para may distinction sa mga naunang sacristan. They were good players at their age at ilan sa kanila ang madalas na kasama ko sa convent at doon natutulog.

Ang gusto ko munang ishare ay ang mga nakakatakot na karanasan namin na hindi kayang ipaliwanag at maunawaan. (Note na totoong naranasan namin ito)

1.     1. Nagsasara ng mga pinto ng simbahan at 11AM at nagiiwan lang ako ng isang pintuan para sa mga nais na pumasok para manalangin. Isasara ko ang huling pinto na malapit sa altar ng biglang may tumayo na matanda sa harap ko, nalimutan ko na ang pangalan, pero ito ay ang matandang Comia na kalapit ng simbahan ang bahay. Malalim ang boses niya that day “magsasara ka na ba?” Sinagot ko ng “opo, doon na po kayo dumaan sa harapan pagkatapos ninyo.” Deretso ako sa pagsasara ng pinto, and when I looked at him habang papunta sa harapan ang tingin ko ay nakalutang siya. I just shrugged it off and walked towards the sacristy pero tumaas ang mga balahibo ko. Nagpaalis ako ng takot sa pagkanta ng “when will I see you again” ng Three Degrees. Pagkapahinga after dinner, nagpaalam si Errol kay Father na magkasama kaming pupunta sa lamay sa malapit lang. Imagine ang kilabot ko ng puntahan namin ang bahay ng mga Comia at ang nakaburol ay ang matandang nakita ko sa simbahan. Namatay raw ng about 11 ng umaga.

2.     2. Isang kasama kong bata sa kumbento, si Abet ang pumunta ng tindahan para bumili ng sardinas na hahaluan namin ng papaya for lunch. Ako naman noon ay naglilinis ng mga paso ng halaman sa gilid ng simbahan malapit sa kumbento. Wala noon si Father, nasa Sariaya para sa isang mahalagang meeting ng mga pari sa Quezon. Bumalik si Abet na kumakanta pa ng “One Forty (140) ang Ligo” with reference sa presyo ng Ligo, sa himig ng “143 I Love You” ng Popcorn. Ang Popcorn before ay grupong Best Friends at later ay Tito, Vic and Joey. And this song was written by Joey de Leon at Music by Tito Sotto back up vocal si Vic Sotto, producer: Tito Sotto at secret lady voice ay si Aloha or Ali Sotto (Link: http://www.youtube.com/watch?v=FtrsaAw9JJ8 ). Ang paalam ay magsasaing na raw siya at ako na raw ang bahalang maggisa ng Ligo na pangulam namin. Makaraan ang mga limang minuto, nagsisisigaw siyang lumabas papunta sa akin at ang sabi may naghahatak daw ng upuan sa kuwarto sa itaas e wala namang tao. Ayaw bumalik sa loob ng hindi ako kasama.

3.    3.  Madalas na makasama kong matulog sa kumbento kapag wala si Father ay ang dalawang Acolytes, isang kung tawagin namin ay si Liit at isang kaliweteng shooter, Noel sa basketball. Isang gabi, ginising ako ni Noel at sinabing naiihi siya samahan ko raw sa ibaba. Ang CR ay nasa tapat mismo ng hagdan at kalapit ang pinto ng Sacristy sa bandang kanan. Nagising si Liit at sumama sa amin dahil natatakot magisa sa kuwarto. Umiihi si Noel ng may marinig akong lagabog sa Sacristy.Siyempre concerned ako dahil “gold chalice” at iba pang mahalagang items ang nasa loob ng room na iyon. Kinuha ko ang tubo sa may paanan ng hagdan, sabay bukas ng Sacristy at ilaw dito. Wala naman akong nakita, pero si Liit ay sumisigaw at takot na napayakap sa akin, at ang nanginginig na sabing “may paring pugot, may paring pugot” I immediately turned the lights off and closed the door. Takbo paakyat kami sa itaas at nagkulubong ng kumot.

Marami pang mga kababalagahan at di ko masabi kung guni-guni na pangyayari noong stay ko sa kumbento. I was told na sa bandang altar ng simbahan na iyon ay may mga natagpuang kalansay noong ginagawa iyon which was presumed na napatay noong panahon ng hapon.

Nagkaroon pa rito ng himala, an apparition na may tumulong dugo sa mga sugat ni Hesukristo sa altar as witnessed by Nick Opeda (or is it Chari Opeda?) at dinayo ng mga deboto ang aming simbahan for sometime. But that is another story, another post.

Mysteries happen.

Unexplainable hair raisers occur.

But one thing is sure, God is everywhere.

Be good. Stop talking about it. Just do it!

Our action is the best form of preaching.

—000—

“You were the first and You’ll be the end. Time cannot hold You down. Why save a wretch like me?. No eye has seen, no ear has heard. No heart could fully know. All of Your mystery.” – Phil Wickham