PAROKYA MYSTERIES

Ako ay dating sakristan at kasama ng pari sa aming barangay for 10 years, from 2nd year High School till I graduated from College during the 70’s. I lived with him in the parish convent for 2 years, noon ako ay out of school at maging noong malipat siya sa Tagkawayan, Quezon ay doon ako pumupunta pag bakasyon. Maraming aral sa buhay at mga praktikal na application ng religion ang natutuhan ko sa kanya. Modern at progresibo ang approach niya sa pagpapatakbo ng parokya at marami ang nagmamahal at sumusunod sa mga pangaral niya.

Lima kami sa batch namin na very close sa isa’t isa, si Tito, Morris, Nick, Macky at ako,  although iyong iba ay mga katropa rin namin like Errol, Jong, Viyo, Ato. Music at basketball ang malakas na pamigkis sa aming pagkakaibigan.

Then, I trained young boys aged 10 to 13 para kahalili namin at bumuo din ng team sa basketball para sa kanila. Ako ang nagbigay ng pangalang “Acolyte” sa kanila para may distinction sa mga naunang sacristan. They were good players at their age at ilan sa kanila ang madalas na kasama ko sa convent at doon natutulog.

Ang gusto ko munang ishare ay ang mga nakakatakot na karanasan namin na hindi kayang ipaliwanag at maunawaan. (Note na totoong naranasan namin ito)

1.     1. Nagsasara ng mga pinto ng simbahan at 11AM at nagiiwan lang ako ng isang pintuan para sa mga nais na pumasok para manalangin. Isasara ko ang huling pinto na malapit sa altar ng biglang may tumayo na matanda sa harap ko, nalimutan ko na ang pangalan, pero ito ay ang matandang Comia na kalapit ng simbahan ang bahay. Malalim ang boses niya that day “magsasara ka na ba?” Sinagot ko ng “opo, doon na po kayo dumaan sa harapan pagkatapos ninyo.” Deretso ako sa pagsasara ng pinto, and when I looked at him habang papunta sa harapan ang tingin ko ay nakalutang siya. I just shrugged it off and walked towards the sacristy pero tumaas ang mga balahibo ko. Nagpaalis ako ng takot sa pagkanta ng “when will I see you again” ng Three Degrees. Pagkapahinga after dinner, nagpaalam si Errol kay Father na magkasama kaming pupunta sa lamay sa malapit lang. Imagine ang kilabot ko ng puntahan namin ang bahay ng mga Comia at ang nakaburol ay ang matandang nakita ko sa simbahan. Namatay raw ng about 11 ng umaga.

2.     2. Isang kasama kong bata sa kumbento, si Abet ang pumunta ng tindahan para bumili ng sardinas na hahaluan namin ng papaya for lunch. Ako naman noon ay naglilinis ng mga paso ng halaman sa gilid ng simbahan malapit sa kumbento. Wala noon si Father, nasa Sariaya para sa isang mahalagang meeting ng mga pari sa Quezon. Bumalik si Abet na kumakanta pa ng “One Forty (140) ang Ligo” with reference sa presyo ng Ligo, sa himig ng “143 I Love You” ng Popcorn. Ang Popcorn before ay grupong Best Friends at later ay Tito, Vic and Joey. And this song was written by Joey de Leon at Music by Tito Sotto back up vocal si Vic Sotto, producer: Tito Sotto at secret lady voice ay si Aloha or Ali Sotto (Link: http://www.youtube.com/watch?v=FtrsaAw9JJ8 ). Ang paalam ay magsasaing na raw siya at ako na raw ang bahalang maggisa ng Ligo na pangulam namin. Makaraan ang mga limang minuto, nagsisisigaw siyang lumabas papunta sa akin at ang sabi may naghahatak daw ng upuan sa kuwarto sa itaas e wala namang tao. Ayaw bumalik sa loob ng hindi ako kasama.

3.    3.  Madalas na makasama kong matulog sa kumbento kapag wala si Father ay ang dalawang Acolytes, isang kung tawagin namin ay si Liit at isang kaliweteng shooter, Noel sa basketball. Isang gabi, ginising ako ni Noel at sinabing naiihi siya samahan ko raw sa ibaba. Ang CR ay nasa tapat mismo ng hagdan at kalapit ang pinto ng Sacristy sa bandang kanan. Nagising si Liit at sumama sa amin dahil natatakot magisa sa kuwarto. Umiihi si Noel ng may marinig akong lagabog sa Sacristy.Siyempre concerned ako dahil “gold chalice” at iba pang mahalagang items ang nasa loob ng room na iyon. Kinuha ko ang tubo sa may paanan ng hagdan, sabay bukas ng Sacristy at ilaw dito. Wala naman akong nakita, pero si Liit ay sumisigaw at takot na napayakap sa akin, at ang nanginginig na sabing “may paring pugot, may paring pugot” I immediately turned the lights off and closed the door. Takbo paakyat kami sa itaas at nagkulubong ng kumot.

Marami pang mga kababalagahan at di ko masabi kung guni-guni na pangyayari noong stay ko sa kumbento. I was told na sa bandang altar ng simbahan na iyon ay may mga natagpuang kalansay noong ginagawa iyon which was presumed na napatay noong panahon ng hapon.

Nagkaroon pa rito ng himala, an apparition na may tumulong dugo sa mga sugat ni Hesukristo sa altar as witnessed by Nick Opeda (or is it Chari Opeda?) at dinayo ng mga deboto ang aming simbahan for sometime. But that is another story, another post.

Mysteries happen.

Unexplainable hair raisers occur.

But one thing is sure, God is everywhere.

Be good. Stop talking about it. Just do it!

Our action is the best form of preaching.

—000—

“You were the first and You’ll be the end. Time cannot hold You down. Why save a wretch like me?. No eye has seen, no ear has heard. No heart could fully know. All of Your mystery.” – Phil Wickham

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s