Ang Postmaster at ang Kartero

Napalaki ng papel na ginagampanan ng aming Barangay before the electronic mail came. Nasa amin kasi ang sentro at buhay na buhay ang Kagawaran ng Koreo until the early ‘80s. Ang mga sulat ay nagyayao’t doon at dito sa pamamagitan ng Perokaril (Philippine National Railways) of which our barangay is the center of the Bicol Railway Line. Sa operations ng Train Station sa barangay namin ay may Maintenance and Repair Teams na siyang dahilan kung kaya lahat ng biyahe ng tren ay tumitigil ng matagal sa station sa lugar namin.

Ang Kagawaran ng Koreo (Post Office) sa aming barangay also serves the neighboring barangays of Matinik, Bagacay, Bigajo, Dominlog, Sta Jacobe, Roma, Guites, Lourdes at Kumaludkod. Napakasipag ng long serving Postmaster na si G. Edilberto Raza at talagang he even goes out of the office at pumupunta sa mga nabanggit na barangay kung sakaling may problema sa mga sulat na natatanggap.

Ang tanggapan ng Koreo noong nasa itaas pa ng bahay nina Aling Mimay

Ang tanggapan ng Koreo noong nasa itaas pa ng bahay nina Aling Mimay

Kapag panahon ng pasko at valentines ay asahan mong napakabusy nila sa paghahakot at pagpapadala ng mga cards at sulat, and as always, si Tatang Edil ay all smiles at hindi mo kakakitaan ng pagkabagot o pagkainis.

Ang Post Office rin ay siyang nagsisilbing Savings Bank noong panahong iyon. Mayroong tinatawag na Postal Savings Bank na mahihiya ang interest ng mga bangko ngayon, dahil kung time deposit sa ngayon sa bangko ay 0.5% to 1.0% per annum, noong panahong iyon ay 3% to 7% per annum ang interest.  Sa savings naman ang kasalukuyang 0.25% to 0.3% ay 3.6% to 4.9% per annum sa Postal Savings Bank.

Unang tahanan ng Koreo ay sa itaas ng bahay nina Aling Mimay, at nong mga late 70’s ay lumipat kina Aling Deling Requesto.

Ang Kartero noong araw ay talagang lakad lang ang ginagawa. Walang bisikleta, motorsiklo o anumang sasakyan. At inaakyat nila ang bundok para lang maihatid ng wasto ang mga liham.

Ang kartero noon ay walang kapaguran kung magdeliver ng sulat hanggang Matinik, Bagacay at Bigajo at mayroong silang usapan ng mga taga kalapit na Barangay kung paano maipapadala ang mga sulat sa mga tao sa kabilang Barangay. Ang natatandaan ko, nagkaisip ako na ang katad (leather) na bag ng aming kartero ay di na napalitan kahit noong humina na ang koreo.

Umulan, umaraw. Bumagyo. Uminit. Hindi pumapalya ang aming kartero.

Postmaster and the Postman.

Two of the most dedicated and honest workers on earth.

—000—

“All the rain never stopped you. At work, your work. Never gave up. built with strength, Step by step with his might.. We love you honest worker, Your family, your world.  We love you honest worker, ‘Cause no one can buy you.” – Kelly Family

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s