HEALING STARTS FROM FIGHTING YOUR FEARS

Noong buhay pa si Tatay, I heard this conversation between him and my younger sister while she was doing the laundry:

My Sister: “Sugat sugat ang kamay ko tatay, ang sakit, ang hapdi”
Tatay: “Bakit nagsugat sugat?”
My Sister: “Sa dami ng nilalabhan ko”
Tatay: (sabay bagsak ng ilan pang labahin) “o ayan pa ang labahin”
My Sister: “Tatay naman, paano gagaling ang sugat ko niyan e dinagdagan pa ninyo labahin?”
Tatay: “Nagkasugat ka sa paglalaba, diyan din sa paglalaba iyan gagaling. Takot lang iyan. Labhan mo, este, labanan mo.” (exact words niya iyan ha, hindi patawa)

Gumaling ang sugat sa kamay ng kapatid ko.

At gumaling pa siya maglaba.

That was when i learned to fight my fears.

—000—

“Oh, no, not I, I will survive Oh, as long as I know how to love, I know I’ll stay alive I’ve got all my life to live, I’ve got all my love to give And I’ll survive, I will survive, hey, hey” – Gloria Gaynor

Ang gulo

Meeting namin sa opisina kahapon with the owners.

Iba’t ibang lahi. Iba’t ibang paguugali. Iba’t ibang position at pinag-aralan. Iba’t ibang level of experience. Pinag-aralan? Experience? Hmmmm. Malaking question mark iyan para sa akin dito sa bansang ito. Ang ibang lahi ay magaling diyan… CLAIMS. They claim they have MBA, PhD, degrees, they are Experts, Masters, Specialists.

Sa lahat ng kompanya na pinagtrabahuhan ko, dito ko naranasan ang napagulong meeting. Walang direksiyon, walang decorum, walang professionalism, walang ugali. We presented a report ng benta for all groups na bagsak halos lahat ng grupo, pero nung iyong isang grupo na ito ang nagpresent coming from Riyadh branch, ang tataas ng benta nila, ang gagaling ng performance. Mali daw ang data ko. I presented all the POs we received at sinabi kong iyon ang basis ko. Iyong may formal order ang customer in the form of PO. They told me na malapit nang iiissue iyong mga PO sa kanila at iyon ang basis nila ng mga figures na binanggit nila. Ay grabe, nagbilang na agad ng itlog, and I saw that malabo nilang makuha iyon.

Worse ay iyong isang lahi ng mga putok. Ang dadaldal. Di ka makakasingit. Merong isang nagtanong “where are the market data, where are the analysis?” I need to study them so we can surpass our target. E for 3 months niya rito, for 4 meetings na yata namin, e hindi nagbago ang kanyang statement. Iyon pa rin ang kanyang tanong at ginagawa at wala ni isa mang report o recommendation siyang ginawa. Ni hindi marunong gumawa ng memo, considering na Senior Level Management ang position niya.

Anyway, that happens if you put together in one group people who only knows how to claim and submit volumes of fake qualifications. Idiotic chaos.

By the way, that Sr Management guy was kicked out 4 days after that meeting.

Touche!!

—000—

“What is it that makes us lose sight? True sight of what is real and essential I’ll take organized patterns of chaos Over the chaotic organizations of man, any day.” – Patterns

A PARENT’S PRAYER

In this age of internet, we wish that our children could find time to constantly communicate with us, kahit na busy sila sa pag-aaral, pagrereview, pagpiFacebook, YM, Twitter, Skype. Ang mabilis na takbo ng mundo natin ngayon ay lalo pang pinabibilis ng commercialism, na humihikayat sa atin ng kakaibang pamumuhay, pagpapaalipin sa mga wants na dulot ng kagamitang tumutulong daw sa mabilis na pagkuha ng kaalaman, impormasyon, balita at pagtatalastasan. Pero, sa halip ay parang baligtad ang nangyayari. Naging parang isang cold steel ang bawat isa, nawawala ang closeness instead na uminit.

11

Minsan, may kasama ako na kausap daw niya ang anak sa Skype, siyempre sabik na sabik siya dahil nga malayo siya, bigla pinutol ng anak niya usapan at me kachat daw na kaklase. It is a Sunday sa pinas, at gumising pa ng 1AM (6AM sa pinas) ang kaibigan ko para makausap ang kanyang anak, bago ito makagala, sumimba o makaalis kung saan man pupunta. Nagdamdam siya ng labis, dahil napansin pa niya na parang wala sa loob kung kausapin siya, dahil habang nag-iSkype sila ay may hawak na tablet. Nang tinanong niya, sabay pala na naglalaro ng Candy Crush.

As a parent, tinamaan ako ng awa sa kanya dahil nakikita ko kung paano siya nagtiis sa initan, mabulyawan, minsan ay mga 200 km ang biyahe sa site.

I mutter this prayer para sa kanya at sa lahat ng parents na nasa ibang bansa.

Salamat Lord sa pagbibigay sa akin ng mga anak
Na nagturo sa akin ng mga bagay
Nakakarindi at nakakagulat
Nagsasaya at nangiirita sa mga gawaing
Bahagi ng kamusmusan
Umaaliw at nag-aalis pagod
Ang kanilang pilyong kakulitan
Nais ko sanang di mawala
Ang kanilang kawalang muwang
Ngunit ang takbo ng mundo
Ay dapat nilang matutuhan
I pray na lumaki sila na tapat, respectful and smart
Love each other and they will never grow apart
I also pray na sa araw-araw kung anuman
Ang gadget nilang hawak
Ay lagi silang magtext, magPM, post, video call or chat
I pray they will never feel they are all alone
Ang that they always find time to call and visit home
Sa kaligtasan at guidance sa Iyo Lord sila pumunta
At lagi nilang isipin, sa lahat ng pagkakataon
Kahit ang kanilang magulay ay nagsusungit
Naghihigpit o nambubuwisit
Ang pagmamahal sa kanila ay walang kapantay o kapalit
I pray they always turn to You Lord
Through guidance and prayer
And know that You Lord and their parents
Will always be there.
Amen


—000—

“You don’t need direction, you know which way to go. And I don’t want to hold you back, I just want to watch you grow.  You’re the one who taught me you don’t have to look behind.  Oh yes, sweet darling.  So glad you are a child of mine.” – Carole King

SHORT POST ON FATHER’S DAY

Natatandaan ko pa noong ako ay hindi nakapagpatuloy sa College dahil sa kakapusan namin sa buhay. Isang gabi, ang pinsan ko ay hangos sa aming bahay at ang sabi si Tatay ay magpapasagasa sa tren. Nakita ko na nakahiga nga siya, at ang kaliwang kamay ay nakalatag sa riles. Sabi niya “papasagasaan ko ang aking isang kamay, para may makuha sa insurance na panustos sa iyong pagka College.”  Umiiyak ako na hinahatak ko siya paalis sa riles ng tren at sinabi ko sa kanya na, “ayoko namang makatapos ng pagaaral at sasabihin ng iba na ako ay anak ni Adyong Putol.”

tatayI realize that the greatest gift of a father is unconditional love; and, the greatest role ay ang maging huwaran at inspirasyon sa kaniyang anak. Tatay showered me with love.. unconditional love. He sacrificed a lot for us just to see to it that we are taken cared of in the best manner he can.

Salamat kay Tatay for showing me kung papaano magmahal ng anak. I know na nakikita niya ngayon ang kanyang mga apo at patuloy niya akong ginagabayan sa pagmamahal sa mga anak ko.

Happy Father’s Day Tatay Ladd!

—000—

“If there was ever a man. Who was generous, gracious and good. That was my dad. The man. A human being so true. He could live like a king
‘Cause he knew. The real pleasure in life. To be devoted to. And always stand by me. So I’d be unafraid and free.” – Horace Silver

LAUGH. DREAM. CHANGE. AND DON’T REGRET..

After a game of tennis with a friend whom I met a decade ago sa mga business meetings ko noong nasa pinas pa ako, he told me that I am still quick for my age. Samantalang siya raw approaching 50 years old pa lang ay hingal kabayo na sa first set pa lang namin. Kahit daw mas matanda ako ay malakas pa rin akong maglaro at masaya raw akong kalaro.

I suddenly remember ang isang nabasa ko tungkol sa isang Grandma at 87 years old ay pumasok ng College because she wanted to finish College. Natatandaan ko ang sabi niya “there are  only four secrets to staying young, being happy,  and achieving success. You have to laugh and  find humour every day. You’ve got to have a  dream. When you lose your dreams, you die. You have to always find opportunities for change and don’t regret everything you did.”

Growing-old-gracefully

Marami sa atin ang going through the motions of life, mga nabubuhay na patay at hindi nila nalalaman iyon. Going through the motions ay tulad halimbawa ng you wake up in the morning, kakain, papasok, magaaral or magtatrabaho, but marami ang natatakot na magtry ng mga bagong pamamaraan, explore, kasi nga kampante na sa ganoong routine na activity. Kaya ang nangyayari, we end up where we started at tumatanda nang walang nagawa. Dagdag pa nung 87 years old na si Rose,

“There is a huge difference between  growing older and growing up. If you are  nineteen years old and lie in bed for one full  year and don’t do one productive thing, you will  turn twenty years old. If I am eighty-seven  years old and stay in bed for a year and never  do anything I will turn eighty-eight. Anybody! Can grow older. That doesn’t  take any talent or ability. The idea is to grow  up by always finding opportunity for change. Have  no regrets. The elderly usually don’t  have regrets for what we did, but rather for  things we did not do. The only people who fear  death are those with regrets..’

Kaya nga naisip ko, ang pagtanda ay bumibilis kung iniisip mo na ikaw ay matanda na. At dahil iniisip mo na tumatanda ka na, nauunahan ng isipan ang iyong katawan. Ah, di ko na kaya ang magbuhat ng mabigat, baka bumigay ang aking tuhod. Di ko na kaya ang maglaro, baka mabalian lang ako. That is when fear starts creeping in our system, at naguumpisa na tayong manghinayang sa nangyari sa ating buhay.

Naalala ko iyong isa naming kasamahan dito na nagretiro na dahil di na raw niya kaya. Marami na siyang sakit at sumasablay na siya sa pagtatrabaho. Naaksidente na rin sa pagmamaneho at ilang kapahamakan na rin ang sinapit dahil sa maling pagintindi sa kanyang ginagawa sa trabaho. Sinabi niya na “sana ay puro gulay kinain ko noong mga 50’s na ako, sana ay di ako pumalya sa pageexercise kahit na masakit ang katawan ko.” At ang isang natawa ako ng husto nung sinabi niya na “sana, iyong mga nagustuhan kong babae ay pinagliligawan ko na noong bata pa ako, ang dami ko sigurong naging chicks.” Maraming “sana” which have turned him bitter at life.

oldup

Let us appreciate life. Laugh, cause laughter strengthen the heart. Dream, cause dreaming lightens up the spirit, it gives one a “kick” a “drive” to be more active. Always look for change, cause change excites the brain, it turns you into analyzing what is happening around you. And keep on going. No regrets. Life is full of discoveries and explorations. Tomorrow will be different from today.

After all, life is for living. Verb not noun.

Let us put some adjectives in the verb “living”.

—000—

“The shit-stains on your sheets. Show you’ve got three more weeks. You won’t grow old gracefully. The skin pulled from your cheeks. You’re voice is growing weak. You won’t grow old gracefully.” – The Tiger Lillies

DI NA NAREPAIR, PINALITAN PA ANG PIYESA

Nasira ang refrigerator ng kasama ko sa bahay. Nabutas ang condenser tube sa may freezer kasi pinilit niyang tanggalin ang frozen na isda from the freezer ang ginamit ay kutsilyo. Ito ay 3.2 cu ft room size na Haas brand refrigerator at more than 5 years na niyang ginagamit.

Dinala niya sa repair shop and he described what was the problem with the refrigerator. The shop is managed by a Pakistan and assisted by technicians from his own country. In this place, there seems to be stereo-typing when it comes to some jobs. Karamihan sa mga nagrerepair ng ref, aircon, and carpentry jobs ay mga Pakistani, kapag naman mga mekaniko, service crew sa international fast foods, dominated naman ng Pinoy at sa mga tindero, ay mga Indians.

Sinabi sa kasama ko kung magkano approximately ang kanyang babayaran at humingi ng 100 riyals na deposit. Then he instructed to call him after two days and the refrigerator will be ready for pick up.

Dahil busy at gabi na kung umuwi from work, hindi natawagan at nabalikan na ay after a week. Pagdating sa shop, my colleague was told it was still not repaired at maraming dahilan kung bakit. Tinanong kung kailan makukuha, ang sabi ay bumalik after 2 days.

Binalikan namin after 3 days pero the same pa rin ang situation, di pa naaayos at marami na namang dahilan. It went on and on for 4 weeks until my colleague decided to get his refrigerator and his money back. He even planned in selling it to Haraj, tindahan ng mga second hand equpment and anything, at ibenta kahit na 100 riyals lang.

When he told the Pakistani repair man he wants his ref and his money back, he was asked to come back the following day dahil wala raw cash.

The following day, he went back to the shop and his deposit of 100 Riyals was given back.  When he checked his refrigerator, the expansion valve is not the original one, it was replaced with an old one. When he brought it to the notice of the repair man, he was told nothing was done on his refrigerator, it was not touched.

My poor colleague just brought his appliance back home and vowed not to have anything repaired in that shop.

Hindi na kayang gawin, pinalitan pa ang original na piyesa.

—000—

“You know,  you fooled me. Put good things on my mind. Got me feeling free. Fooled me. You put good things on my mind.” – Grey and Hanks

A DIFFERENT KIND OF REPLACEMENT NG PIYESA

Tumawag ang kasamahan namin na Purchasing Engineer at sinabing magpapasama sa Dossary, isang place na puro Electronics Shops, at magpapaayos daw ng laptop niya. Dumating siya kasama ang aming Electrical Systems Engineer at ipinakita sa aking anak ang kanyang laptop. Sinabing ito raw ay madaling mag-init at naghahang. Binuksan ng anak ko at binaklas ang computer, at kanyang sinuri. Then, after a while he removed the cooling fan at sinabing ito lang ang bibilhin natin. Huwag mo na ipaayos.

We went to Dossary at hinanap ang piyesa. Nalibot na namin ang buong Dossary pero wala kaming makita, until an Indian referred us to one shop. Pagpunta namin sa shop, habang pinapakita namin ang piyesa ang anak ko naman ay naguusyuso sa mga shelf kung saan naroon ang mga katulad na piyesa. Wala makita iyong shop keeper na katulad na piyesa, pero nagsuggest siya na aayusin ang mismong sirang fan at siya na ang magkakabit, dalhin lang daw ang computer.

Sabi ng anak ko ay huwag na, and he pointed to one piyesa at sinabing kukunin na lang daw iyon. Sabi noong shopkeeper ay hindi raw iyon kasukat mas maliit daw ng konti. Sabi ng anak ko “even if it is not of the same size, but the specs are the same, we will take it, i can fix it.”

Napilitan ang shopkeeper na ibigay ang piyesa sa amin for 20 Saudi Riyals at sinamahan pa ng anak ko ng isang tube ng Glue.

We went back sa bahay, and after about 30 minutes, the laptop was running…. cooly… with a brand new cooling fan.

I asked my son why he did not allow the repair of the computer in the shop.

“Pagkukuhanan lang nila ng piyesa ang laptop, kasi rare to find na ang parts nito. Tapos sasabihin sa atin na maraming pinalitan at sisingilin tayo ng mahal.”

Iyan ang problema sa ibang katulad natin na ignoramus sa gadgets. Lolokohin ng mga nagrerepair.

—-000—

“Dishonesty . Your every word eats up a small part of me. I know your game and I just can’t get enough. I don’t wanna work it out with you.” – Apulanta