Love of a parent till grandparent

Nasa dairy section ako ng Tamimi Superstore ng may bumati sa akin.

“Sir, kumusta? Tagal mong hindi napasyal sa opisina a!” bungad niya, isang Estimation Engineer sa isang General Engineering Services company na nakabase dito sa Al Khobar. He has been working in that company for 16 years and he told me the last time I talked to him in their office that he is already leaving the company for good. That was about 8 months ago.

“Uh, naku pasensiya na. Me bago kasing assignment akong tinututukan. Tapos me mga bagong Sales Engineers na ibang lahi na pagkagagaling daw, e iyon pala walang alam kaya kailangang tutukan kaya di na ako nakakapasyal sa inyo. ” ang sagot ko emphasizing that I am concentrating on some projects. Alam naman niya kapag ganun tiyak na may aberya na naman sa aming kompanya at aayusin ko na naman. Pag naayos na papasok na ang ibang lahi at bida na naman sila until nasira na naman nila ang takbo ng negosyo. Pasok na naman ako. Cycle lang iyan.

“Oo nga Sir. Si Sir Lino nga pala ay nagexit na last month. Pahinga na raw siya. Graduate na ang lahat ng anak niya e. Sa pinas na lang daw siya. Bawi naman sa wife niya.” ang sagot niya sa akin.

“Teka, e di ba sabi mo noong tayo ay huling mag-usap, magiexit ka na kasi gagraduate na ang bunso mo. At parehas ni Lino e bawi ka sa wife mo?” ang tanong ko.

“E iyon na nga sana Sir. Pero nagbakasyon lang ako. Kasi Sir, iyong dalawa kong anak e may asawa na. Me apo na ako. Oo nga at graduate na sila at may mga trabaho, pero lumalaki ang gastusin. Iyong panganay ko 2 na ang anak, Grade IV na ang panganay. Ilang taon na lang magCollege na iyon, sundan pa ng kapatid niya. Iyong sumunod ko namang anak ay 3 sunod sunod ang anak. Grade 1 pa lang ang panganay. Nahihirapan sa buhay kahit na pareho silang nagtatrabahong mag-asawa.” ang tugon niya.

“Kaya Sir, nagdesisyon ako na huwag na muna mag-exit. Para naman sa mga apo ko. Kawawa naman sila.” ang malungkot niyang tugon. “Anyway, ngayon naman e narito si Misis. Iyon nga lang wala ring kasama sa bahay. Kulong habang ako ay nasa trabaho.”

Kinurot ang puso ko sa aking narinig sa kanya. Heto ang isang marangal at masipag na ama, nagsakripisyo na malayo para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.

At ngayon ay patuloy na nagsasakripisyo, para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga apo.

How long can sacrifices end?

Sinagot din ako ni sacrifice.

As long as Love dwells in every Father’s heart.

—000—

“Let me tell you a secret. About a father’s love. A secret that my daddy said. Was just between us. He said, daddies don’t just love their children. Every now and then. It’s a love without end. Amen.” George Strait

Advertisements

Blend Forty Rice Coffee

We were having coffee in Starbucks when a thought struck my mind.

Here we are enjoying expensive cup of coffee but little did my companions know that there are several points in my life I longed for “real” coffee but I did not have the financial means to have one.

Noong nag-aaral pa ako ng College, madalas na nauubusan ng allowance at dala na rin ng pagtitipid dahil nga sa wala naman akong magulang na aasahan para sa aking mga pangangailangan, madalas ay alternative coffee ang aking iniinom.

2010-blend45-culinary-delights

Sangag ng bigas sa katamtamang init ng kawali hanggang sa ito ay maitim na parang kape. Then, ilalaga sa tubig, salain ng medyas (joke lang) lagyan ng asukal na pula (dahil mas mura), minsan pag walang wala talaga ay ngiti na lang pantamis, presto, me kape na. Sabi nga ng tatay ko, me kape ka na me gamot ka pa sa sakit ng tiyan. Iyong kape ay explanable, iyong gamot sa sakit ng tiyan, dahil iyong roasted na rice ay nagiging activated carbon which saps the acids in our stomach.

And to give a little class sa Coffee Rice, pinangalanan namin itong BLEND FORTYRICE, hinalaw sa Blend 45.

Hmmm!! Masarap kapag may kasabay na magkayapos na sumang balinghoy (kamoteng kahoy).

–000—

“A cottage small if all I’m after. Not one that’s spacious and wide. A house that rings with joy and laughter. And the ones you love inside. Some like the high road, I like the low road. Free from the care and strife. Sounds corny and seedy, but yes, indeed. Give me the simple life.” – Ella Fitzgerald

E SINO PA BA ANG MAGPAPAHULUGAN?

Naglalakad ako sa bayan kanina para mamili ng bintana (window shopping) at dahil Ramadan, wala pang gaanong tao. Normally, naglalabasan ang mga ito ng mga past 9PM na kapag ganitong panahon.

Naisipan kong pasyalan ang isa kong kaibigang Indian na siyang bantay sa isang Electronics Shop. Gusto ko bumili ng External HDD dahil puno na ang gamit ko, a 2009 – 120Gb pa.

Papunta sa kanyang shop, I was approached by a Filipino who offered me laptop.

“Kabayan, Sir. Laptop kayo riyan. Meron kami kahit anong brand. 6 months to pay. Walang down payment. ” Whooa. Hulugang laptop ha.  I politely declined and told him I already have one.

Pagtapat ko sa kasunod na tindahan, another Filipino stopped me. “Sir, laptop ba hanap ninyo? Dito sa amin, any brand. Hulugan 6 months. Walang down payment”

Pumasok ako sa shop just for curiousity at nakita ko na kompleto nga sila. At me mga pinoy na kumukuha ng hulugang laptop. The term is good. I compared the price ng 6 months na hulog sa kanila from the price in the mall or electronic outlets, ay mga 50 riyals lang ang difference. Which is very good since di ka huhugot agad ng malaking cash.

Both shops ang pinaka head ay Indians, or Bumbay in pinoy term.

That explains the “hulugan”.

This time nga lang, Pinoy ang nagaahente.

—000—

“I’d gladly lose me to find you. I’d gladly give up all I have to find you.. I’d suffer anything and be glad. I’ll pay any price just to get you. I’d work all my life and I will
To win you. I call that a bargain. The best I ever had. The best I ever had.” – The Who

COLOR HIM FATHER. COLOR HIM LOVE.

I have a colleague in our company whom I admire because of his positive and patient attitude. He joined our company last year after working in a big Utility Company here in Al Khobar for 25 years as the Operations Head of one Desalination Unit. He is an Asian, a very friendly guy and well liked by his former colleague.

Medyo na culture shock siya sa aming company dahil ibang iba sa kanyang pinanggalingan where everybody are cooperative, nagtatrabaho at dedicated sa kanilang mga responsibilidad. Dito ay nakita niya kung paano ang ibang lahi ay nagpapagalingan, nagaagawan ng credit at nagsisiraan para lang mapalapit sa may-ari. Gusto niya ang mga Pinoy dahil prangka raw at may pagkukusa, at magaling makisama.

Pag pumupunta kami sa kanyang dating kompanya upang makipag meeting tungkol sa aming produkto at serbisyo, hindi bababa sa 30 tao ang babati sa kanya, makikipagkamay o beso-beso ala arabo bago kami makarating sa aming meeting. Wala akong narinig na masama sa mga dati niyang kasamahan tungkol sa kanya. Kung sila lang daw masusunod, they want him to stay, kaya lang tinamaan nga sila ng Saudization at since 25 years na siya, isa siya sa mga naunang pinagretiro.

Ang kanyang mga anak ay dito na nag-aral mula elementary hanggang high school at isa na lang ang kanyang sinusuportahan sa College.

Minsan, nag-usap kami tungkol sa buhay buhay at nabanggit ko sa kanya na at my age, sariwa pa ang aking kaalaman at agresibo pa ang aking kakayahan kung kaya ako ay patuloy pa ring nagtatrabaho rito. I told him that sa Pinas, di ako makapagwork ng maayos o magsasucceed, blame it kako sa aking katapatan at pagiging istrikto sa trabaho. Dati akong nasa Senior Management sa Pinas, pero dahil sa nabanggit ko ay kaliwat kanan ang nais na ako ay ibagsak at worse ay mawala sa mundo. Naryan ang Unyon, mga tao na hindi makalusot sa mga pagnanakaw, at ang pinakamabigat ay isa sa mga incorporators na tatlong taon kong kinontra at hinadlangan ang mga kurakot at ang aim niya to propagate corruption.

Pangalawa kako ay ang layunin ko na alalayan ang aking anak sa kanyang pagtayo sa buhay. Pareho pala kami na dito rin nagwowork ang anak, parehong IT guys (I don’t want to use Expert o Specialist, overused na ng mga Indians iyan) at parehong sa bahay namin respectively nakatira.

I explained to him the joys of having your son here, see him off to work everyday, kuwentuhan sa gabi, at hingahan ng mga problema, insecurities at mga decisions tungkol sa work. Ganoon din daw siya.

One of the best thing na napagusapan namin ay kung paano namin inaasikaso ang aming anak respectively. Kako, since mahusay akong magluto ako ang nagluluto ng pagkain, anak ko ang nagliligpit. Ako ang naglilinis ng bahay, naggogrocery and at this stage ay libre lahat sa bahay ang anak ko. Siya rin daw ang nagluluto, nagliligpit, naglilinis, naggogrocery at libre nga ang anak niya sa lahat.

One thing kako na di ko na nagagawa mula nang dumating dito ang anak ko ay ang paglalaba at  pamamalantsa. Magaling magplantsa at maglaba ang anak ko. My son even told me that by next month, magsishare na siya ng pambayad sa bahay, sa kuryente, sa internet at sa pagkain.

Sagot niya, “I am still doing the laundry, the pressing of clothes and my son did not promise to share in our expenses. But that is what fathers are. I could have gone home like what you said and enjoy retirement in my home place. But I have to be with him. We have to provide support, care and love to our children, at all stages of their and our lives.”

Such show of unconditional love a parent can give.

By the way, his son has been with him for 4 years already, whilst mine is 4 months.

—000—

“There’s a man at my house he’s so big and strong. He goes to work each day, stays all day long. He comes home each night looking tired and beat. He sits down at the dinner table and has a bite to eat. Never a frown always a smile. When he says to me how’s my child. I’ve been studying hard all day in school. Tryin’ to understand the golden rule. Think I’ll color this man father. I think I’ll color him love. Said I’m gonna color him father. I think I’ll color the man love, yes I will.” – The Winstons

Jokes (2013-03)

POSPORO

LOLO: “Pakiabot nga ng posporo!”

LOLA: “Nasa tabi mo na ang Gasul a!”

LOLO: “So, gusto mo Gasul ipanlinis ko ng tenga ko?”

PHONE BOOTH

Lady outside a phone booth: “Excuse me, sir? Beynte minutos ka na riyan sa telepono pero di ka nagsasalita.

MAN: “Pwede ba?! I’m talking to my wife!”

BASTARD

If a girl vomits, parents ask, “Who’s the Bastard..?”

If a guy vomits, parents say, “Bastard!… Why are you drunk?”

MORAL: No matter who vomits, men will be called BASTARDS!

WALANG KURYENTE

Sa America, kapag nawalan ng kuryente, tumatawag sa power company.

Sa Japan naman, tine-test ang circuit breaker.

Pero sa Pilipinas, tsine-check kung meron ang kapitbahay.

ADVICE FOR WOMEN:

Do not play with dogs, you may get RABIES..

Do not play with men, you may get BABIES!!!

PERFECT CYCLE

Daga takot sa pusa,

pusa takot sa aso,

aso takot sa tigre,

tigre takot sa hunter,

hunter takot sa asawa at finally, asawa takot sa daga.

MAYAMAN VS MAHIRAP – MEDYO BASTOS EDITION

Kung mayamang babae ka, ang tawag sayo ay “liberated”.

Pero kung poor ka ang tawag sayo “makati”.

Kapag ikaw ay rich, makulay ang damit at sexy, “fashionable ka”.

Kung poor sigurado “japayuki” ka na.

Kung mayaman at tamad ka, ang tawag sayo “free spirited”.

Kung poor ka, “nagpapalaki ka ng ari”.

Kung rich ka at malaki harapan mo, ang tawag sayo “well-endowed”.

Kung poor ka, “kapos palad” dahil kapos ang palad ng guy kapag hinawakan harapan mo.

Kung rich ka at sobra laki ang ari mo, ang tawag sayo “gifted”.

Kung poor, “hampas lupa” kasi humahampas na sa lupa.

WAGAS NA PAGMAMAHAL

BOY: “I may not have expensive cars, houses, & may not be as rich as Berto, but I sincerely do love you & care for you.”

GIRL: Nangingilid ang luha na niyakap ang boy ng mahigpit and whispered, “If you really love me.. introduce me to Berto!”

POWER OF MATH

One day, a box can’t be opened..

Lawyer applied all laws but wasn’t able to open it.

Chemist came, applied all formulas but wasn’t able to open it..

Physician applied all force but wasn’t able to open it.
Then Mathematician said..
“Let us assume the box is open.”

SALISI

RICK: “I’m ready for a holiday, only this year, I’m going to do it a bit different. Three years ago, I went to Spain and Mary got pregnant. Two years ago, I went to Italy and Mary God pregnant.

Last year, I went to Majorca and Mary got pregnant.”

MARK: “So what are you going to do this year?”

RICK: “I’ll take her with me!”

HIYANG HIYA

Sa MRT…

JUAN: “Pare nakakahiya tayo.”

PEDRO: “Bakit naman?”

JUAN: “Yung matanda nakatayo, tayo nakaupo. Ayoko makakita ng matandang nahihirapan.”

PEDRO: “Ako rin eh. Tara…PIKIT TAYO!!

NERVOUS WRECK

Do you know what a Nervous Wreck is?

A man with a housing loan amortization, a car loan amortization, 2 girlfriends…
AND THEY’RE ALL A MONTH LATE!

BEAUTY

Before a woman became engaged, she was a beauty and she didn’t mind letting her boyfriend know it too.

“A lot of men are gonna be totally miserable when I marry,” she told him.

“Really?” ask the boyfriend. “And just how many are you planning to marry?”

SIMPLE OPERATION

A man was seen fleeing a hospital. “What’s the matter?” he was asked.

He said, “I heard the nurse say, “It’s a very simple operation. Don’t worry, it will be all right.”

“She was trying to assure you, what’s so frightening about that?”

“She wasn’t talking to me. She was talking to the doctor!”

APLIKANTE

Boss asks the Applicant, “Alam mo ba ang pangalan ng kompanyang ito?”

The Applicant answers, “Opo, ang kompanya pong ito ay PUSH.”

Boss exclaimed “Saan mo nalaman na iyan ang pangalan ng kompanya namin?”

Applicant irritatingly answers, “Hellooooo! Nakasabit kaya ang PUSH sa pintuan ninyo!”

000—

“Remember I made you eat crab apple. And you were sick for a week. Then I stuck your sucky up the chimney. Till you cried for a week. Then I killed your canary with the hair dryer. And kicked you just to see you bruise. Purple and blue I was only joking my dear” – Rhatigan