Love of a parent till grandparent

Nasa dairy section ako ng Tamimi Superstore ng may bumati sa akin.

“Sir, kumusta? Tagal mong hindi napasyal sa opisina a!” bungad niya, isang Estimation Engineer sa isang General Engineering Services company na nakabase dito sa Al Khobar. He has been working in that company for 16 years and he told me the last time I talked to him in their office that he is already leaving the company for good. That was about 8 months ago.

“Uh, naku pasensiya na. Me bago kasing assignment akong tinututukan. Tapos me mga bagong Sales Engineers na ibang lahi na pagkagagaling daw, e iyon pala walang alam kaya kailangang tutukan kaya di na ako nakakapasyal sa inyo. ” ang sagot ko emphasizing that I am concentrating on some projects. Alam naman niya kapag ganun tiyak na may aberya na naman sa aming kompanya at aayusin ko na naman. Pag naayos na papasok na ang ibang lahi at bida na naman sila until nasira na naman nila ang takbo ng negosyo. Pasok na naman ako. Cycle lang iyan.

“Oo nga Sir. Si Sir Lino nga pala ay nagexit na last month. Pahinga na raw siya. Graduate na ang lahat ng anak niya e. Sa pinas na lang daw siya. Bawi naman sa wife niya.” ang sagot niya sa akin.

“Teka, e di ba sabi mo noong tayo ay huling mag-usap, magiexit ka na kasi gagraduate na ang bunso mo. At parehas ni Lino e bawi ka sa wife mo?” ang tanong ko.

“E iyon na nga sana Sir. Pero nagbakasyon lang ako. Kasi Sir, iyong dalawa kong anak e may asawa na. Me apo na ako. Oo nga at graduate na sila at may mga trabaho, pero lumalaki ang gastusin. Iyong panganay ko 2 na ang anak, Grade IV na ang panganay. Ilang taon na lang magCollege na iyon, sundan pa ng kapatid niya. Iyong sumunod ko namang anak ay 3 sunod sunod ang anak. Grade 1 pa lang ang panganay. Nahihirapan sa buhay kahit na pareho silang nagtatrabahong mag-asawa.” ang tugon niya.

“Kaya Sir, nagdesisyon ako na huwag na muna mag-exit. Para naman sa mga apo ko. Kawawa naman sila.” ang malungkot niyang tugon. “Anyway, ngayon naman e narito si Misis. Iyon nga lang wala ring kasama sa bahay. Kulong habang ako ay nasa trabaho.”

Kinurot ang puso ko sa aking narinig sa kanya. Heto ang isang marangal at masipag na ama, nagsakripisyo na malayo para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.

At ngayon ay patuloy na nagsasakripisyo, para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga apo.

How long can sacrifices end?

Sinagot din ako ni sacrifice.

As long as Love dwells in every Father’s heart.

—000—

“Let me tell you a secret. About a father’s love. A secret that my daddy said. Was just between us. He said, daddies don’t just love their children. Every now and then. It’s a love without end. Amen.” George Strait

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s