SENSE OF ACHIEVEMENT

Magulo ang kompanya namin dahil sa politics. Palibhasa maraming mga differences… lahi, kultura, titles, level at standard ng pinagaralan sa bansa na pinanggalingan, qualifications, attitude at marami pang iba. May mga lahi na madadaya, mayayabang, may mga qualifications na hindi totoo, titulo na inimbento at ang bottom line ay ang power at pera. Lagi kong naririnig sa ibang lahi, seldom sa mga pinoy ang statement na “we are here for the money”.

Sa ilang taon ko na naglilingkod dito marami na akong pinagdaanang mga paninira, panggugulo, pambabara, pangaasar at pagmamaliit. Pero lagi na in the end, nakatayo pa rin ako at sila ay nangawala at nabubuko ang mga incompetence.

Lately, shuffle na naman kami and I was given an assignment na hindi naman sakop ng responsibilidad ko, although kaya kong gampanan at kaugnay din naman ng tunay kong position. Ito ay dahil sa mga sulsol at mga pagtatanong ng ibang lahi na matataaas ang posisyon at nais na pagtakpan ang kanilang kawalan ng kaalaman at ang pagbagsak ng kompanya. “What is he doing, what has he contributed to the company.. etc etc” Iyan ang madalas na mga itinatanong, at pag ako ay inuurirat na ng may-ari, ang lagi kong sagot “I don’t have to report one by one what I have done, because I am not paid to do that. My job is to lift up our business.” Na modesty aside naman, ay umangat ang level hindi lamang sa pananalapi, kundi sa kapabilidad, teknolohiya at kaalaman sa pagsalunga sa kompetisyon…. na pilit na inaangkin ng mga nagmamasid lamang na ibang lahi (meron ding ilang PInoy na ganyan ang attitude.)

So, ginampanan ko ang “bago” kong tungkulin, pero sa isang banda, tuloy ang pagtupad ko sa “tunay” kong tungkulin, dahil alam ko, at the back of my head, ang mga “magagaling” ay bubutasan ako sa “tunay” kong tungkulin. Doon naman nila dadalirutin ang issue kapag maayos kong nagawa ang “bago” kong tungkulin, or let us say “dagdag” na tungkulin.

Nakapagsara ako ng isang 5 years na kontrata, which means pampalusog ng cash flow, pampataba ng kita at paniguro ng trabaho sa kapuwa pilipino (itong huli ang tunay kong hangarin). So lahat ng hirap, pagpoprospect, paghahanap ng project, pagpaparehistro, pagprepare ng dokumento, pakikipagusap sa customer, pagiisip kung ano ang puwedeng gawin ng kalaban para masangga at matalo sila ay ginawa ko, salamat sa naestablish kong pakikisama sa pinoy na contract advisor at sa boss niya na Arabo.

Noong nagrereport na tungkol sa mga nagawa para sa buwang ito ng Agosto, lumusob na ang mga gahaman, tamad at madadaldal. Inangkin na ang kredito sa ginawa ko at sinabing hindi daw naman ako naghirap doon. Puro “I did this, I did that” ang narinig. Hindi ako nagsasalita, nagtanggol, nagcomment o hinarap sila. All I said was, “just ask them if they know the office, the persons and the full scope of work of the contract.”

When my Boss asked me kung ipinaliwanag ko ito sa may-ari, ang sagot ko, (in tagalog) “Hindi ko na kailangang magpaliwanag. Hindi ko kailangang ibaba ang aking pagkatao, ang aking pagka-Pilipino. Ginawa ko ang tungkulin ko. Kung iappreciate ng may-ari o hindi, hindi ko na iyon hinahangad. Dahil maiiba ang attitude ko pag ganoon. Magiging credit oriented ako, hanggang sa mang-agaw na rin ako. Ang pinapahalagahan ko ay ang aking NAGAWA at MAGAGAWA. Masaya ako roon. Walang insecurity na papatay at magpapaligalig sa akin. Mas maraming tao from outside of this company ang nakakakita, at nagkakaroon ng interes sa akin. Nadadagdagan ang marketability ko, at ang insecurity ng kompanyang ito kapag ganoon.  Bottom line: I have to feed my Sense of Achievement.”

Attitude ng kabayong me takip ang mata na humihila ng kalesa. Just get there. Don’t mind the negatives sa paligid.

Not attitude ng talangka.

(It is not the critic who counts, not the man who points out how the strong man stumbled, or where the doer of deeds could have done them better. The credit belongs to the man who is actually in the arena; whose face is marred by dust and sweat and blood; who strives valiantly, who errs and comes short again and again; who knows the great enthusiasms, the great devotions, and spends himself in a worthy cause; who, at the best, knows in the end the triumph of high achievement; and who at the worst, at least fails while daring greatly, so that his place shall never be with those cold and timid souls who know neither victory nor defeat – Theodore Roosevelt)

—000—

“Honesty, sincerity, tenderness and trust. A little less time for the rest of the world, And more for us.” – Rodney Atkins

Advertisements

MYPP

Kaninang umaga ay maagang pumunta sa Al Khobar Driving School ang aking anak dahil irelease na ang kanyang Saudi Driver’s License. Dinaanan ko siya paguwi at ikinuwento niya na nahirapan siyang makuha ang lisensya dahil sa kawalan ng sistema, suplado mga tauhan at di makapagsalita ng English.

He was asked to go from one counter to another. He studied the situation kasi yesterday pagkasubmit niya ng kanyang papers na pasado siya sa Driving Test at Driving Signs Test, plus the receipt of payment pinabalik siya today. Nakita niya ang isang counter na may shelves. Iassume niya na doon magrerelease.

Walang pila pero closed ang counter. Lumapit siya at totoo nga na naroon ang mga licenses at narelease ang license nya.

Pero di pa siya umalis. Inobserbahan niya ang mga tao at marami ang di alam kung saan ang releasing.

Sabi niya sa akin, “hindi ako umalis para ituro sa mga di alam kung saan ang releasing, at least makatulong man lang ako sa mga di alam kung saan kukunin ang lisensiya nila.” Which he did. Nilapitan daw niya ang mga di alam kong saan kukunin ang license at itinuro niya.

At wala siyang piniling lahi, kahit sino ay tinulungan niya.

Ang pagtulong sa kapuwa ay di nasusukat in monetary terms. It comes in many forms. Like this very simple act.

MYPP. Make Your Parents Proud.

—000—

“Everybody needs a helping hand. Take a look at your fellow man. And tell me what can I do today ’cause everybody needs a helping out.” – Amy Grant

YAN ANG DESISYON!

Tinawag ako ng boss ko at me ari ng kompanya in early March at ang utos ay gumawa raw ako ng Sales and Marketing Plan para makarecover sa pagbaba ng business revenues at ng kita ng kompanya. Pinalalabas nila na ang may kasalanan ay ang Sales and Marketing Group at dapat na gumawa ng short term na hakbang para masagip ang situation.

Ipinaliwanag ko na hindi naman ang Sales and Marketing ang may problema, kundi ang execution teams dahil hindi maayos ang kanilang mga trabaho. (Hindi ko lang masabi na since 2010 na pumasok ang mga pagkakataas na sahod at walang alam na ibang lahi ay nagumpisa na kaming bumagsak. Panay ang decline sa invitations to bid at puro lugi ang projects. Natural di ko masabi dahil iba ang bansang ito, iba ang arrogance ng mga Saudis.) I even showed them my studies, analysis, directional strategies, 5 year plans which I submitted in 2008 – 2009 which are now coming true. Iyon ang dapat na remedyuhan, lalo na ang bagong technology at competence.

Hindi ako pinakinggan at ang sabi, gumawa raw ako ng plan, at ang malupit pa, dahil nagpaliwanag ako at komontra, ako ang magiexecute ng plan ko. At pinamove ang scheduled kong vacation ng May to July para raw masiguro na derederetso ang execution ng plan (di pa rin ako nakakauwi as of this writing, which I posted a couple of weeks ago.)

Sa madaling sabi, gumawa ako, inapprove nila, inexecute ko. After 3 months, bumaha na ng mga invitations to bid, requests for quotations. Baha ang term na ginamit ko, kasi talagang biglang dami. But ang execution and manufacturing teams keep rejecting/regretting the invitations and requests. Ayaw ng project and I overheard one manager saying “Why would I wrack my brain and risks suffering losses in executing these projects when I am receiving my salary and my benefits on time while I enjoy sitting in my office. I don’t want to have headache with these new projects. It may even get me kicked out of my job.”

Lumabas ang financial report at maraming projects ang lugi. Nagkaroon ng Audits. Malalaki ang nawala at may mga anomalya. Narealize ng meari ang situation.

Gumawa ng hakbang.

Tinanggal ang mga nasa ibaba na maliliit ang sahod. Hindi na raw kukuha ng bagong projects.

Ang mga mudir mudir at matataas ang sahod?

Narito pa rin. Puro boladas at daldal pa rin.

At panay ang pressure sa Sales and Marketing group para taasan ang benta. Pero reject ng reject ang execution teams. Ayaw tanggapin. Ayaw iexecute o ideliver.

Pulitika = Futile Exercise.

—000—

“First you say you do, and then you don’t. And then you say you will, and then you won’t. Your undecided now. So what’s you gonna do?” – Ella Fitzgerald

AS WE GROW OLD

Of course nobody gets young. All of us grow old and there are signs that tell us about getting old. Here are some of them:

– Maraming nararamdamang masakit sa katawan, at ang hindi naman masakit, di naman gumagana

– Ang ningning sa mata ay ang tama ng araw sa salaming doble vista

– Pagod na pagod ka sa paglalaro ng Candy Crush

– Your children begin to look middle-aged.

– Sumali ka sa isang Health Club, pero di ka naman pumupunta

– You begin to outlive enthusiasm.

– Your mind makes contacts your body can’t meet.

– Alam mo na 3 ang senyales na matanda ka na.. Una ay ang pagiging malilimutin, at ang pangalawa at pangatlo ay di matandaan.

– Wala kang paki kung saan ang lakad ng asawa mo, basta ba di ka inaaya na lumakad

– Ang trabaho ay hindi na masyadong masaya, at ang pagsasaya ay mahirap na trabaho

– Ang mga kababaihan sa office ay humihingi ng payo sa iyo, instead na magaya sa date

– Mas matagal magpahinga kaysa mapagod

– When you think you are wise enough to watch your step, you’re too old to go anywhere.

– Hindi ka na lumalaki pahaba, kundi pahalang

– Kung ikaw ay pinapayuhang magdahan dahan hindi ng pulis, kundi ng iyong doktor

– You realize that caution is the only thing you care to exercise.

– Alam mo ang mga sagot, pero wala nang gustong magtanong sa iyo

– You look forward to a dull evening.

– Ang paborito mong basahin sa newspaper ay “Noong nakaraang 25 taon..”

– Uupo ka sa rocking chair pero hindi mo maiugoy mag-isa

– Tumigil ka na sa pagiging excited sa iyong susunod na birthday…. at

– Ang mga contacts mo sa iyong phone book ay may tag na M.D. after their names

Getting old is a blessing, and it is the time to reminisce the past.. hey, what was it again in the past?

—000—

“Will you still be sending me a valentine. Birthday greetings bottle of wine. If i’d been out till quarter to three. Would you lock the door, Will you still need me, will you still feed me, When i’m sixty-four.” – The Beatles

TYPICAL NA PINOY

Pinasyalan ko ang isang kaibigan na Electrical Engineer sa isang Contracting Company ng Aramco. Tuwang tuwa siya ng makita ako at agad na pinatuloy sa kanilang cabin. Isang camp 45 km from the town ang kanilang accommodation, at ang bawat cabin ay tig 4 na room isang kitchen at 2 toilet and bathroom.

Pinapasok niya ako sa room niya at agad na inalok nang maiinom. Hiningi ko na lang ay tubig at agad na binuksan niya ang kanyang laptop. Ipinakita ang mga photos ng kanyang mag-anak at napansin ko ang pagmamalaki at ang labis na tuwa niya ng dumako sa photo sa graduation sa nursing  ng kanyang panganay na anak na babae. HIndi raw siya nakadalo sa graduation dahil di siya pinayagang bumakasyon, pero masaya naman siya dahil nga sa nakita niya na nakatapos ang anak.

Kitang kita ang pagmamalaki at ang kaligayahan niya sa bawat pitik ng mouse at naisip ko na ang isang OFW ay hindi kompleto ang happiness kung walang ibang nakikishare nito. Habang nagbabrowse ng picture ay panay ay puna ko ko kung gaano kaganda at kaguwapo ang kanyang mga anak.

“Siyempre naman Sir, kanino pa magmamamana.” Simpleng biro at yabang, pero di mababayaran ang kaligayahang kanyang nadama.

Then, he asked me to join him in their kitchen kasi magluluto raw siya ng aming tanghalian. Tuloy ang pagkukuwento niya habang ginagayat ang sibuyas at binabalatan ang upo. Wala kaming napagusapan tungkol sa trabaho. Lahat ay tungkol sa pinas, sa pulitika, sports at sa bayang kinalakihan. Tubo siyang Nueva Ecija, kaya nakarelate ako sa mga lugar na binabanggit niya dahil nagaral ako ng Engineering sa Munoz, Nueva Ecija.

“Sir pasensiya na kung ulam natin ay ginisang upo sa sardinas lamang. Di pa ako nakakapamalengke. Mamaya pang hapon kami bababa ng bayan, ” medyo nahihiya niyang sabi sa akin.

“Ay naku, ang sarap niyan. Pinas na pinas ang dating, ” ang sagot ko sa kanya. Naramdaman ko rin ang typical na pinoy trait, ang pagiging abala kapag may bisita. Aligaga sa local term.

Habang iginigisa niya ang bawang, tapos sibuyas then sinundan ng upo, binanggit niya na may kababaryo siya na natanggap sa aming kompanya. Sabi ko sa kanya, once na narito na siya, ibigay niya number ko at tawagan ako at magkita kami.

Binuksan niya ang sardinas (di ko na banggitin ang brand, di naman ako babayaran ng advertising fee) at ibinuhos sa ginigisang upo. Feel na feel ko talaga ang pagiging pinoy ng makita ko na niluglugan niya ng tubig ang lata ng sardinas at saka ibinuhos sa niluluto.

Pinoy na pinoy. Sasairin ang laman ng lata.

Feels like home.

—000—

“If you knew how lonely my life has been. And how long I’ve been so alone. And if you knew how I wanted someone to come along. And change my life the way you’ve done. It feels like home to me, it feels like home to me. It feels like I’m all the way back where I come from. It feels like home to me, it feels like home to me
It feels like I’m all the way back where I belong.” – Chantal Kreviazuk

Of Poverty and Critics

I watched a video posted in FB about the children in Uganda sleeping in bare soil, could not get up and just move around crawling. It is really heart rendering and  I was moved in tears and thought out loud “I am blessed that this never happened to me and my children.” I went on to read comments and most are pointing at the parents, poverty and the harshness of the society as the causes of these sufferings.

However, as I read along, it becomes clear that those who readily make comments and condemn other people are the ones who have not experienced living or interacting with any of the kind of poor people shown in the video. I looked at the profile of the commentators and have seen that they are ones living in places where this kind of environment seldom exists and if it do exists, they live secured and separated from it. These people easily condemn others, but I think they have not done anything to share or help. It is easier for them to make comments, criticism, condemnation than taking out something out of their pockets or contact NGO’s or charitable organizations so they can give their help not necessarily to the people in Uganda, for poor people around them. I also abhor those who will not move and just say that their prayers are with them. Okay, your prayers, but the people in need don’t need just our prayers. God listens to prayers, but, He gave us hands to help, ears to listen, shoulder to cry on and a heart that feels and love.

And that is what’s wrong with people. The feeling of being righteous and intelligent. What this world needs are people who, before making comments and criticisms should have done something for their fellowmen. Being a critic is the most convenient excuse for hiding their unwillingness to help and share. Pure talks but no walks.

Another thing that caught my attention in the video is the lush vegetation in the background. There are banana trees, grasses and greens everywhere. Which goes to show that the land is fertile. Reading several commentators , “their parents just let them crawl in the soil because they have nothing to feed them” made me cringe in my seat. What? Nothing to feed them? The soil is there, the very soil that these children crawl around. The very soil waiting to be tilled, cared, sown and harvested. That comment justifies indolence.

Somehow, this post also makes me a Critic.

The only difference is that, modesty aside, I help and live with this kind of people. And truly help.

Anonymously.

—000—

“If everyone cared and nobody cried. If everyone loved and nobody lied. If everyone shared and swallowed their pride. Then we’d see the day, when nobody died.
And I’m singing. A, Amen I, Amen I, I’m alive” – Nickelback

Bakasyon

Nagmumuni muni ako at iniisip ko kung ano ang susunod kong hakbang dahil sa hanggang ngayon ay ayaw pa rin akong payagan na magbakasyon ng me ari ng aming kompanya. Ang katuwiran niya ay dahil daw sa nasa alanganin ang lagay ng kompanya at kailangan nila ako para maituwid ito. Gusto ko sana sabihin sa kanila na 3 years ago tutol na tutol ako sa mga plano nila, at marami akong mga position papers, strategic plans at mga mungkahi para sa direksyon ng kompanya pero nanaig pa rin ang pulitika, ang mga malalakas ang kapit na ibang lahi at hindi ako pinakinggan. 

ulan

At ang nangyari ay naghire pa ng mga ibang lahi na pagkatataas ng sahod at position kahit na walang alam.

At heto na nga, nasa alanganin na ang lagay namin. Kundi sa mga long term projects na naikasa ko noong hibang sila sa tinatamasa naming progresso at pambobola ng mga bagong muders na ibang lahi in 2009 – 2010, wala kaming pagkukunan ng negosyo ngayon.

Di pa rin ako nakakabakasyon dahil sa mga taong ito. Marami pa naman akong dapat ding isaayos sa pinas.

Aside from my family, kailangan kong madalaw ang aking mahal na ina, isaayos ang kalagayan niya, ipagamot at kalingain sa konting sandali ko sa pinas.

When my Boss asked me kung puwede papuntahin ko rito ang aking mag-ina for 2 months vacation, sagot ko ay “talaga naman silang nagpupunta rito for 2 months vacation.”

Dagdag ko, “it is not the real reason why I need a vacation, aside from the fact that it is my privilege as an employee”.

philippine-countryside-10008413

Kailangan ko ring makakita ng luntiang kapaligiran.

Kailangan ko ring maranasang muli ang maligo sa ulan.

Kailangan kong matikmang maghatid sa eskuwela sa aking anak kahit ba matanda na siya.

Kailangan kong maranasan ang mamitas ng prutas sa puno, ng gulay ng sariwang bulaklak.

Kailangan kong matikman ang paborito kong ginataang langka at pritong tawilis.

Kailangan kong maramdaman muli ang pagiging tunay na Pilipino sa sariling bansa.

Sana ay payagan na ako.

—000—

“And I don’t know no friends like the old friends I never seem to laugh now like I did with them But deep inside me, a piece of my history Yeah, I hear their voices even though they’re gone . And it keeps me turning home” – David Nail