Bakasyon

Nagmumuni muni ako at iniisip ko kung ano ang susunod kong hakbang dahil sa hanggang ngayon ay ayaw pa rin akong payagan na magbakasyon ng me ari ng aming kompanya. Ang katuwiran niya ay dahil daw sa nasa alanganin ang lagay ng kompanya at kailangan nila ako para maituwid ito. Gusto ko sana sabihin sa kanila na 3 years ago tutol na tutol ako sa mga plano nila, at marami akong mga position papers, strategic plans at mga mungkahi para sa direksyon ng kompanya pero nanaig pa rin ang pulitika, ang mga malalakas ang kapit na ibang lahi at hindi ako pinakinggan. 

ulan

At ang nangyari ay naghire pa ng mga ibang lahi na pagkatataas ng sahod at position kahit na walang alam.

At heto na nga, nasa alanganin na ang lagay namin. Kundi sa mga long term projects na naikasa ko noong hibang sila sa tinatamasa naming progresso at pambobola ng mga bagong muders na ibang lahi in 2009 – 2010, wala kaming pagkukunan ng negosyo ngayon.

Di pa rin ako nakakabakasyon dahil sa mga taong ito. Marami pa naman akong dapat ding isaayos sa pinas.

Aside from my family, kailangan kong madalaw ang aking mahal na ina, isaayos ang kalagayan niya, ipagamot at kalingain sa konting sandali ko sa pinas.

When my Boss asked me kung puwede papuntahin ko rito ang aking mag-ina for 2 months vacation, sagot ko ay “talaga naman silang nagpupunta rito for 2 months vacation.”

Dagdag ko, “it is not the real reason why I need a vacation, aside from the fact that it is my privilege as an employee”.

philippine-countryside-10008413

Kailangan ko ring makakita ng luntiang kapaligiran.

Kailangan ko ring maranasang muli ang maligo sa ulan.

Kailangan kong matikmang maghatid sa eskuwela sa aking anak kahit ba matanda na siya.

Kailangan kong maranasan ang mamitas ng prutas sa puno, ng gulay ng sariwang bulaklak.

Kailangan kong matikman ang paborito kong ginataang langka at pritong tawilis.

Kailangan kong maramdaman muli ang pagiging tunay na Pilipino sa sariling bansa.

Sana ay payagan na ako.

—000—

“And I don’t know no friends like the old friends I never seem to laugh now like I did with them But deep inside me, a piece of my history Yeah, I hear their voices even though they’re gone . And it keeps me turning home” – David Nail

1 Comment

  1. Pingback: IT’S RAININ’.. IT’S FALLIN’ | ClinQuantLife

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s