TYPICAL NA PINOY

Pinasyalan ko ang isang kaibigan na Electrical Engineer sa isang Contracting Company ng Aramco. Tuwang tuwa siya ng makita ako at agad na pinatuloy sa kanilang cabin. Isang camp 45 km from the town ang kanilang accommodation, at ang bawat cabin ay tig 4 na room isang kitchen at 2 toilet and bathroom.

Pinapasok niya ako sa room niya at agad na inalok nang maiinom. Hiningi ko na lang ay tubig at agad na binuksan niya ang kanyang laptop. Ipinakita ang mga photos ng kanyang mag-anak at napansin ko ang pagmamalaki at ang labis na tuwa niya ng dumako sa photo sa graduation sa nursing  ng kanyang panganay na anak na babae. HIndi raw siya nakadalo sa graduation dahil di siya pinayagang bumakasyon, pero masaya naman siya dahil nga sa nakita niya na nakatapos ang anak.

Kitang kita ang pagmamalaki at ang kaligayahan niya sa bawat pitik ng mouse at naisip ko na ang isang OFW ay hindi kompleto ang happiness kung walang ibang nakikishare nito. Habang nagbabrowse ng picture ay panay ay puna ko ko kung gaano kaganda at kaguwapo ang kanyang mga anak.

“Siyempre naman Sir, kanino pa magmamamana.” Simpleng biro at yabang, pero di mababayaran ang kaligayahang kanyang nadama.

Then, he asked me to join him in their kitchen kasi magluluto raw siya ng aming tanghalian. Tuloy ang pagkukuwento niya habang ginagayat ang sibuyas at binabalatan ang upo. Wala kaming napagusapan tungkol sa trabaho. Lahat ay tungkol sa pinas, sa pulitika, sports at sa bayang kinalakihan. Tubo siyang Nueva Ecija, kaya nakarelate ako sa mga lugar na binabanggit niya dahil nagaral ako ng Engineering sa Munoz, Nueva Ecija.

“Sir pasensiya na kung ulam natin ay ginisang upo sa sardinas lamang. Di pa ako nakakapamalengke. Mamaya pang hapon kami bababa ng bayan, ” medyo nahihiya niyang sabi sa akin.

“Ay naku, ang sarap niyan. Pinas na pinas ang dating, ” ang sagot ko sa kanya. Naramdaman ko rin ang typical na pinoy trait, ang pagiging abala kapag may bisita. Aligaga sa local term.

Habang iginigisa niya ang bawang, tapos sibuyas then sinundan ng upo, binanggit niya na may kababaryo siya na natanggap sa aming kompanya. Sabi ko sa kanya, once na narito na siya, ibigay niya number ko at tawagan ako at magkita kami.

Binuksan niya ang sardinas (di ko na banggitin ang brand, di naman ako babayaran ng advertising fee) at ibinuhos sa ginigisang upo. Feel na feel ko talaga ang pagiging pinoy ng makita ko na niluglugan niya ng tubig ang lata ng sardinas at saka ibinuhos sa niluluto.

Pinoy na pinoy. Sasairin ang laman ng lata.

Feels like home.

—000—

“If you knew how lonely my life has been. And how long I’ve been so alone. And if you knew how I wanted someone to come along. And change my life the way you’ve done. It feels like home to me, it feels like home to me. It feels like I’m all the way back where I come from. It feels like home to me, it feels like home to me
It feels like I’m all the way back where I belong.” – Chantal Kreviazuk

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s