SENSE OF ACHIEVEMENT

Magulo ang kompanya namin dahil sa politics. Palibhasa maraming mga differences… lahi, kultura, titles, level at standard ng pinagaralan sa bansa na pinanggalingan, qualifications, attitude at marami pang iba. May mga lahi na madadaya, mayayabang, may mga qualifications na hindi totoo, titulo na inimbento at ang bottom line ay ang power at pera. Lagi kong naririnig sa ibang lahi, seldom sa mga pinoy ang statement na “we are here for the money”.

Sa ilang taon ko na naglilingkod dito marami na akong pinagdaanang mga paninira, panggugulo, pambabara, pangaasar at pagmamaliit. Pero lagi na in the end, nakatayo pa rin ako at sila ay nangawala at nabubuko ang mga incompetence.

Lately, shuffle na naman kami and I was given an assignment na hindi naman sakop ng responsibilidad ko, although kaya kong gampanan at kaugnay din naman ng tunay kong position. Ito ay dahil sa mga sulsol at mga pagtatanong ng ibang lahi na matataaas ang posisyon at nais na pagtakpan ang kanilang kawalan ng kaalaman at ang pagbagsak ng kompanya. “What is he doing, what has he contributed to the company.. etc etc” Iyan ang madalas na mga itinatanong, at pag ako ay inuurirat na ng may-ari, ang lagi kong sagot “I don’t have to report one by one what I have done, because I am not paid to do that. My job is to lift up our business.” Na modesty aside naman, ay umangat ang level hindi lamang sa pananalapi, kundi sa kapabilidad, teknolohiya at kaalaman sa pagsalunga sa kompetisyon…. na pilit na inaangkin ng mga nagmamasid lamang na ibang lahi (meron ding ilang PInoy na ganyan ang attitude.)

So, ginampanan ko ang “bago” kong tungkulin, pero sa isang banda, tuloy ang pagtupad ko sa “tunay” kong tungkulin, dahil alam ko, at the back of my head, ang mga “magagaling” ay bubutasan ako sa “tunay” kong tungkulin. Doon naman nila dadalirutin ang issue kapag maayos kong nagawa ang “bago” kong tungkulin, or let us say “dagdag” na tungkulin.

Nakapagsara ako ng isang 5 years na kontrata, which means pampalusog ng cash flow, pampataba ng kita at paniguro ng trabaho sa kapuwa pilipino (itong huli ang tunay kong hangarin). So lahat ng hirap, pagpoprospect, paghahanap ng project, pagpaparehistro, pagprepare ng dokumento, pakikipagusap sa customer, pagiisip kung ano ang puwedeng gawin ng kalaban para masangga at matalo sila ay ginawa ko, salamat sa naestablish kong pakikisama sa pinoy na contract advisor at sa boss niya na Arabo.

Noong nagrereport na tungkol sa mga nagawa para sa buwang ito ng Agosto, lumusob na ang mga gahaman, tamad at madadaldal. Inangkin na ang kredito sa ginawa ko at sinabing hindi daw naman ako naghirap doon. Puro “I did this, I did that” ang narinig. Hindi ako nagsasalita, nagtanggol, nagcomment o hinarap sila. All I said was, “just ask them if they know the office, the persons and the full scope of work of the contract.”

When my Boss asked me kung ipinaliwanag ko ito sa may-ari, ang sagot ko, (in tagalog) “Hindi ko na kailangang magpaliwanag. Hindi ko kailangang ibaba ang aking pagkatao, ang aking pagka-Pilipino. Ginawa ko ang tungkulin ko. Kung iappreciate ng may-ari o hindi, hindi ko na iyon hinahangad. Dahil maiiba ang attitude ko pag ganoon. Magiging credit oriented ako, hanggang sa mang-agaw na rin ako. Ang pinapahalagahan ko ay ang aking NAGAWA at MAGAGAWA. Masaya ako roon. Walang insecurity na papatay at magpapaligalig sa akin. Mas maraming tao from outside of this company ang nakakakita, at nagkakaroon ng interes sa akin. Nadadagdagan ang marketability ko, at ang insecurity ng kompanyang ito kapag ganoon.  Bottom line: I have to feed my Sense of Achievement.”

Attitude ng kabayong me takip ang mata na humihila ng kalesa. Just get there. Don’t mind the negatives sa paligid.

Not attitude ng talangka.

(It is not the critic who counts, not the man who points out how the strong man stumbled, or where the doer of deeds could have done them better. The credit belongs to the man who is actually in the arena; whose face is marred by dust and sweat and blood; who strives valiantly, who errs and comes short again and again; who knows the great enthusiasms, the great devotions, and spends himself in a worthy cause; who, at the best, knows in the end the triumph of high achievement; and who at the worst, at least fails while daring greatly, so that his place shall never be with those cold and timid souls who know neither victory nor defeat – Theodore Roosevelt)

—000—

“Honesty, sincerity, tenderness and trust. A little less time for the rest of the world, And more for us.” – Rodney Atkins

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s