ANO? IYAN ANG PANGALAN KO?

Birthday ko ngayon, September 11. Ilang dekada na rin ako sa mundo.

Pero paano ba naging Emilio ang pangalan ko?

Ngayong panahong ito, makikita natin na ang usong pangalan ng mga bata ay iyong dalawa, tulad halimbawa ng John Paul, Robert Michael, Kimberly Jane, to something more unique and funny like Frank Einstein, Ivy Leg, Minnie Cure, at marami pang iba.

Noong ako ay ipinanganak, ang pangalan ng mga bata ay tinitingnan sa kalendaryo ni Honorio Lopez. Kung ano ang pangalan ng santo na naroon, iyon ang ibinibigay na pangalan. Halimbawa, kung ipanganak ng May 15, Isidro iyan, kung December 8 malamang ay Concepcion and so on. So, noong nag-usap ang Tatay ko at Nanay tungkol sa pangalan ko tiningnan nila ang kalendaryo.

Ang nakalagay ay San Proto y San Jacinto.

Sabi ni Nanay, “kawawa naman ang anak natin kung ang ipapangalan natin ay Proto. Ang magiging palayaw niya ay Prots, o kaya ay Pororot.”

Sabi ni Tatay,  “e kung Jacinto naman para namang pamasko ang tunog ng palayaw niya, Jacint.. parang “Jacint to the snow..” Kung Cinto naman ay para namang luko-luko. Isa pa, may tiya ako sa Mauban na Jacinta ang pangalan.”

Sumabad ang Lola Bening ko, “mabuti pa kunin na lang ninyo ang unang pangalan ni Jacinto iyong bayani para hindi pororot o sinto ang palayaw”

And that’s how I was named Emilio.

-000—

“Like the pine trees lining the winding road. I’ve got a name. I’ve got a name. Like the singing bird and the croaking toad. I’ve got a name. I’ve got a name. And I carry it with me like my daddy did. But I’m living the dream that he kept hid” – Jim Croce

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s