SELFIE SELFIE RIN PAG MAY TIME

Napataas ang kilay ko sa isang nabasa ko tungkol sa sermon ni Bishop Ted Bacani which I quote “We are selfish, this is what we need to do away with. [It’s all about] I, me, myself [like] those who keep on taking selfie photos,” ( http://www.cbcpnews.com/cbcpnews/?p=23108 )

Agad na reaction ko, ano bang definition ni Bishop Bacani ng “selfish”? Sang-ayon sa Meriam Webster, ang pagiging selfish ay “having or showing concern only for yourself and not for the needs or feelings of other people..”I guess, ang nasa isip ni Bishop Bacani ng mga oras na iyon ay ang pagiging “makasarili”.  Well, katayin natin ang definition ng selfish: “having or showing concern only for yourself” – puwedee.. but sa oras na ikaw ay nagsiselfie, di ba ikaw lang naman talaga iyon. Kinukunan mo ang sarili mo. “Not for the needs or feelings of other people”.. Tulad na nabanggit sa una, ikaw lang iyon di ba. Me ibang tao ba?

What I mean is, during the time na nagsiselfie ka, you are concerned only sa sarili mo, walang ibang tao. That means, iniexamine mo ang sarili mo kung paano mo ito ihaharap sa ibang tao. Ibang tao, upang sila ay matuwa sa iyo (nakapagpasaya ka), maencourage mo (nakapagpataas ka ng morale) or nahikayat mo sa iyong positibong pananaw (nakapagbigay ka ng pag-asa).

Going further, mayroon ding advantage ang selfie selfie. Ikaw ay nagiging immune sa mga taong nagtitake advantage sa iyo. Kapag ikaw ay kabaligtaran ng selfish, as what Bishop Bacani was implying, maraming tao ang magsasamantala sa kabaitan mo. And YOU ARE ENCOURAGING THEM na patuloy na maging mapagsamantala. Aww! Di ko gusto iyon. Nagiging masama pa ang ibang tao dahil sa aking altruism. Ang selfie selfie rin ay nagiging daan upang maenjoy mo ang gusto mong gawin. Hindi ka namumuhay sa shadow at standards ng ibang tao.

Of course sa pagiging makasarili, inilalayo mo ang iyong sarili sa mundo. Pilit mong pinalalaki ang sa totoo lang ay lumiliit mong mundo dahil sa pagiging makasarili.

Isang decision na napakahalaga sa selfie selfie na iyan ay ang nabanggit ko nga “living life how you want it, living life in your own terms, living life with GOD as our ONLY guide..” Kaya marami ang di makatagpo ng kaligayahan, dahil nga pilit na minomold ang sarili sa kagustuhan ng iba, sa pamumuna ng iba, sa utos ng iba, sa pananakot ng iba.

788023184814833899

Selfie is not being selfish. Come on Bishop Bacani. Kailan naging makasarili ang pagmamahal sa sarili? Pagmamahal sa sarili na nagbubunsod para maging maingat, masikap, makita ang mga kakulangan.. upang hindi maging pabigat sa iba.. upang di nagmamarunong sa buhay ng iba.

At higit sa lahat, nakahandang tumulong sa lahat ng pagkakataon, dahil nakita na ang sarili, kung gaano kalakas ang kakayahan… sa pagsiselfie.

Ang selfish ay iyong mamumuna ka ng buhay ng iba. Na pilit mong isinaksak ang iyong sariling panuntunan at opinyon sa ibang tao.

Selfie is showing RESPECT to oneself. It is not being selfish.

—000—

“There’s a whole lot of hearts breaking tonight. From the disease of conceit,. Whole lot of hearts shaking tonight. From the disease of conceit.” – Bob Dylan

1 Comment

  1. Dapat lahat tayo ay tumulad sa ginawa ni Jesus ibinigay niya ang lahat para lang tayo magkaroon, sabi ng bible naging mahirap siya para tayo yumaman, iniwan ang comfortable na kalagayan sa langit para tayo ay abutin. Higit sa lahat inalay niya ang kanyang buhay para tayo mabuhay magpakailanman..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s