Ikuskos sa pilapil

Kasama ko ang isang Project Engineer na iba ang lahi to visit one project that we are supposed to submit a bid. It was a hot and humid afternoon, buti na lang at may baon akong t-shirt kaya isinampay ko muna ang aking long-sleeve polo at nagtshirt muna ako. We stopped at a gasoline station to buy cold drinks and have some snack food.

The gas station is in a remote area and hindi gaanong daanan ang kalsadang iyon kaya walang masyadong tao. Nakaramdam ako ng paghilab ng tiyan and I looked for the toilet. I went back to the car and took some tissue, while my companion stayed inside the store.

saudi-gas-station-buraidah

Ang toilet na napasok ko ay napakainit at walang bintana, at ang pinto ay tumataklab kahit di mo isara. Since wala naman kakong tao ay kakalangan ko na lang at magpapabantay ako sa kasama ko. I looked around for pangkalang sa pinto at nakakita ako ng isang mas malaki ng konti sa kamao na bato. Tinawag ko ang kasama kong ibang lahi at sinabi ko na watch the toilet door habang ako ay nasa loob, at bitbit ang bato na papasok na ako ng toilet when he called me.

“Sir, I will buy a roll of toilet paper from the store. Don’t use that stone.”

Ang tawa ko. Akala niya iyong bato ay ipangkukuskos ko sa puwet.

—000—

“Workin’ for a livin’, livin’ and workin’ . I’m taking what they giving ’cause I’m working for a livin’. . Hey I’m not complaining ’cause I really need the work
Hitting up my buddy’s got me feeling like a jerk.” – Huey Lewis and the News

Para mabigyan ng magandang kinabukasan??

Ang kadalasan kong naririnig sa mga OFW kapag tinatanong kung bakit sila nasa ibang bansa ay “para mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilya.” And that explains why I can see a lot of my kababayan na talagang nagtitiyaga, tinitiis ang init at ang lamig, at tinitipid ang sarili, hindi inaalintana ang hirap ng malayo sa mahal sa buhay.

Ano ba ang depinisyon ng “magandang kinabukasan”? Ang alam ko kasi, ito ay paghahanda para sa bukas, at ang paghahanda ay may kaukulang pagpapatibay ng kaalaman (edukasyon), paninindigan (principle), moralidad (values), dangal (honor) at pangunawa (positive attitude). Kaagapay nito ang pangangalaga sa pangalan ng magulang, lalo na ang ama o ina na nangungulila sa ibayong bansa.

Pero ang naoobserbahan ko ay lihis yata sa “magandang kinabukasan” dahil ang nagiging tuon ng mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas ay sa mga materyal na bagay. Imbes na ang harapin ay kung paano mapapataas ang antas sa pag-aaral, ang inaatupag ay ang pagaaturga sa mga gadgets, sa mga pagpapapalit palit ng bagong modelo ng cellphone, ng tablet, ng laptop.. na kadalasan, tayong mga nasa ibang bansa ay pagsisikapang ipunin ang pambili para lang hindi magtampo ang mahal sa buhay. Instead of focusing on how to invest their money in worthy ventures, ipambibili ng mga gamit na hindi naman kailangan, mamahaling damit, alahas at mga adorno sa katawan. Worse, puro gimikan, inuman at there are cases of drug addiction. The poor OFW naman kayod ng kayod para may maipadala sa mga mahal sa buhay.

And this is where the “para mabigyan ng magandang kinabukasan” gets corrupted. Nagiging “para masunod ang kagustuhan (layaw) ng aking pamilya” ang nangyayari.

Kadalasan kasi, tayo ring mga OFW ang hindi natin nakoconsider ang mga sumusunod:

1. Assessing our income – siyempre ang sahod natin dito ay mas mataas kumpara sa pinas kaya naman sa biglang dating ng additional money from what we usually earn in the Philippines, nabibigla tayo at parang mainit na bagay ito na kailangang gastahin.

2. Spending on expensive things or luxuries – dahil nga can afford na, iyong needs ay napapalitan na ng wants. Sa cellphone na lang, karamihan sa OFW ay top of the line ang modelo tulad ng iPhone, Blackberry, HTC, or bibili ng pagkalalapad ng kuwintas o bracelet na ginto, atbpa.

3. Magpadala ng tama lang sa gastusin ng pamilya – Try not to give extra money to them. This way, they are forced to organize their expenses and make them prioritize, more important things like schooling, medicines, among others.

4. Laging ipaalam sa pamilya ang mga nangyayari sa work – keeping them updated makes them aware of our situation at nakakapaghanda at nakakaadjust sila.

5. Make God the center of our family life – kahit nasa malayo tayo, kung ito ang ating iinstill in the minds and in the attitudes of our love ones, nahuhubog ang kanilang values at ang pagpapahalaga sa bawat isa.

Kaya nga next time na may magtanong bakit tayo narito, let us answer them “upang mapatibay ang kaalaman, pagunawa, values at tibay ng prinsipyo ng ating mga mahal sa buhay para sa kinabukasan.”

And there are times that we have to restrain ourselves from giving in to the unnecessary requests of our love ones.

We also have ourselves to take care of.

—000—

“Keep it together in the family/. They’re a reminder of your history. Brothers and sisters they hold the key.” – Madonna

Remember God on Eid Holiday

Holiday dito from October 14 to 19, and nagsimula ito noong  Friday, Eid al-Adha – the Feast of Sacrifice – marking the end of hajj, an annual pilgrimage undertaken by some 1.5 million Muslims this year in Saudi Arabia.

The holiday commemorates Prophet Ibrahim’s willingness to obey God’s command to sacrifice his son Ismael.

Muslims believe that the very moment Ibrahim raised the knife, God told him to stop, that he had passed the test, and to replace Ismael with a sacrificial ram. Ang mga muslims sa buong mundo sangayon sa kaugalian ay nagkakatay ng tupa o baka at ito ay  distributed among the family and neighbors as well as the poor and needy.

eid-al-adha-2010

Dito sa Saudi, ang mga Muslim pilgrims ay nagsasama-sama  sa Muzdalifah sa Lunes to prepare for Eid al-Adha feast after a day of prayer sa bundok ng Arafat.  The faithful will spend the night in Muzdalifah to collect stones which they will use a symbolic ritual of stoning the devil in nearby Mina on Tuesday, the first day of the feast of sacrifice.

61884273

Aking naoobserbahan na ang mga kapuwa ko OFW na hindi muslim ay looking forward sa holiday na ito at ang mga araw ay kanilang pinaplano para sa pagpunta sa mga beaches ng Eastern Province. Ang mga taga Riyadh o Central Province ay bumababa ng Al Khobar at Dammam para magpalipas ng oras sa tabing dagat. Meron din namang nagoorganize ng mga pag-akyat sa mga bundok, sa mga historic places, riding camels, ATVs (All Terrain Vehicles), at marami rin ang tumitigil na lang sa kanikanilang accomodation at ginugugol ang oras sa panonood ng mga pelikula, chatting, browsing, or FB surfing.

Halos lahat ay nasa pahinga, lakwatsa, relax at socializing mode… and that is how most OFWs see this holiday.

Few realizes the real meaning of the holiday as what the Muslims observe it, to thank God and abhor the devil.

Huwag sana nating kalimutan magpasalamat sa mga biyayang ating tinatanggap, ipanalangin ang mga dumaranas ng hirap at nawawalan ng pagasa sa holiday na ito.

Let us see this as an opportunity to call on God, hindi lang ang holiday ay pagpapahinga, pagsasaya, pamamasyal o pagsososyal.

Let us treat this as Holy Day not a holiday.

—000—

“I got a holiday a paid holiday. I got a holiday in my head. And what you want, what you really need. Are two different things wouldn’t you say. The line is thin between fun and sin.” – Smash Mouth