Happy Birthday Nanay!

Ilang taon ka na nga ba Nanay? Di ko na matandaan. Dalawang bagay lang iyan, maaaring nakalimutan ko kung anong taon ka isinilang, o dahil sa tagal na di mo ako nakakasama, nakakahuntahan, nayayakap at tulad ng madalas mong gawin ang paghaplos sa aking buhok ay di ko na maalala.

Sa mahigit kong 50 taon sa mundo, halos 20 lang dito ang ikaw ay kasama ko. But those years are most memorable at may tama hanggang ngayon dito sa puso ko. You have been so supportive and caring of me.

nana

Naalala ko noong ako ay high school pa, pag Linggo ng hapon, paspas ka sa pagpaplantsa sa de uling na plantsa, sa aking mga damit na dadalhin pagpunta sa bayan. Ang pawis mo, ang kasiyahan sa mukha habang sinasabi mong “ingat ka roon, sa Sabado ka na naman namin makakasama, tumulong sa gawaing bahay kina Tita Dely mo ha..”, ang yakap mo sa akin habang akma akong magmamano paguwi ko ng Sabado. Ang paghilot mo sa paa ko dahil sa 15 kilometro kong nilakad sa riles ng tren pauwi mula sa bayan dahil walang masakyan.

Ang iyong pagaalala noong ako ay magkatrangkaso, ang katuwaan mo sa uwi kong pinagong na tinapay, ang iyong pagindak habang ako ay umaawit at ang iyong pagluha noong ako ay hindi makapagpatuloy ng College dala ng ating kahirapan.

Napakadakila mo Nanay.

  1. Napakamaaruga – you have been more concerned about me and my sisters even if you lose rest and sleep. Sinisiguro mo na ang mga kailangan namin ay iyong personal na naibibigay, mula sa pagluluto ng aming pagkain, hanggang paglalaba at pagpaplantsa ng damit.
  2. Napakamapagmahal – mula noong ako ay bata pa, wala akong narinig sa inyo kundi ang kung gaano ninyo ako kamahal, gaano kalaki ang tiwala ninyo sa aking kakayahan, at kung gaano mo ako ipinagmamalaki.
  3. Napakamapaglingkod – ikaw ang laging nagpapahuli sa anumang pagtitipon natin, para magligpit, maghugas o maglinis. Kahit ang pagsusuot namin ng damit at ang pagsiguro na maayos ang aming hitsura.
  4. Guro – feeling Jose Rizal ako noong bago ako tumuntong ng eskuwelahan. Anong panama ng NPK Schools sa pagtitiyaga mo sa aking matuto ng Abakada at sumulat ng pangalan. Una mong sinabi noong bago pa ako natututong sumulat na ako ay magiging Doktor paglaki dahil sa aking panulat, ngunit binago mo ito at sinabi mong magiging Engineer ako noong marunong at maayos na ang aking sulat.
  5. MakaDiyos – sa iyo ko natutuhan na magdasal bilang pagsisisi kapag nakagawa ako ng kapilyuhan o kasalanan. Tinuruan mo ako ng Katon at Katesismo at inilagay mo sa aking isipan ang paglilingkod sa kapuwa at sa Panginoon. Inilagay mo sa aking puso ang pagiging mapagpatawad.
  6. Responsible – di ba ikaw ang original na Dina Bonnevie Nanay.. nag-asawa at the age of 14, puwede pa noong panahon ninyo ni Tatay e. Ganun pa man kahit bata ka nagasawa,  iba ang iyong bahagdan ng pagiging responsible Nanay.. ito ay ang pagpapatibay sa aming sarili upang maging isang responsableng mamamayan, pamilya at anak ng Diyos.

 

Pinili ko na tumuon sa panahon na ako ay nasa High School sa post kong ito, dahil iyong ang unang pagkakataon na ako ay nawalay sa iyo. Iyon rin ang panahon na unti unti kong naunawaan ang buhay dahil sa iyong gabay, sa iyong pagaalaga at pagsiguro sa aming kalagayang magkapatid.

Habang sinusulat ko ito Nanay ay lumuluha ako habang naalala ko ang kadakilaan mo. Despite my age, umiiyak ako na parang gusto kong magsumbong sa iyo, gusto ko maglambing sa iyo.

Gusto ko muli mo akong yakapin Nanay. Gusto ko muli mong haplusin ang aking buhok.

Gusto ko personal kong sabihin sa iyong “Maligayang kaarawan Nanay!”

At susundan ko ng tanong na.. “ilang taon ka na nga ba?”

—–000—–

‘Mom it’s your birthday. Thanks for all the care and love you give, not to mention the meals,
and times I get kinda’ nervous and forget to tell you how I feel.” – Ashely Tisdale

Confusing conversation

I received an inquiry for our product but it requires an intricate instrumentation and automation system. I dialed the number listed in the inquiry and hoping to talk to the Filipino Engineer who sent it to us.

I don’t know what nationality answered my call, that when I asked for the Engineer I can barely understand his answer. I asked him to repeat it since he is murmuring and he speaks in garbled voice.

“Do you know when is Mr. Engineer coming back to the office?” I asked.

“Uhmm, ahhh, comminnng ahhh, carannntt thell knoowww… czuumbbee bukrah, czummmbee wahid krrrrr..” his reply.

To keep it simple and to free my ears with this “homing pigeon like” voice, I inquired, “where is your office?”

I barely heard him.. “Toqbahhh.. kkkkrrrammmmah hmmmnninth streyt..”

“What? Is it 9th street?” I asked further.

“Hmmmmminth,” was his response.

“9, 29, 39, 49, 59?” again I asked, which he replied with “hmmmmninth,”
Irritated, I followed it with “1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9?”

He excitedly replied.. “YESSSS!”

Confusion solved.

—000—

“Everywhere the sun is shining.. All around the world it’s shining.. But cold winds blow across your mind. Confusion–it’s such a terrible shame. Confusion you don’t know what you’re saying.” – Electric Light Orchestra

Bring out your best by being you.

Ka-PM (Private Message) ko ang isa kong kaibigan dahil nashare ko sa kanya ang isang karanasan tungkol sa pagtulong ng walang kapalit. Ang huling salita niya bago kami nagtapos sa PM ay “I want to be somebody, not just a nobody.” Di ko na siya sinagot doon, dahil alam ko ang tinutumbok niya, pero sa akin, being somebody means you have to be your own body.. not some other’s body.

Marami sa atin ang hindi narerealize na lahat tayo ay nagtataglay ng kakaibang katangian dahil bawat isa sa atin ay created unique at made in a very unique way. May likas na kakayahan ang bawat isa na kung ating susuriin ang ating sarili madarama natin ang kakayahang ito.

May mga kaloob sa atin ang Diyos na talento na hindi natin nagagamit, dahil ang nagiging panuntunan natin ay ang ibang tao, kung ano ang ating nakikita, kung ano ang popular, o kung ano ang sa tingin natin ay kaayon tayo ng panahon. Ito ang nagbubunsod upang tayo ay manggaya, tuningala sa iba, madalas na mapailalim sa kakayahan ng iba, dahil hindi natin inaarok ang sariling talento at katangian.

Kailangan nating kumawala dito upang ang kinang ng ating pagkatao ay sumilay, hindi matakpan ng iba. Sa pagakto ng naayon sa sariling identity, naroon ang tunay na kaligayahan at tagumpay. Dito rin nakasalalay ang katatagan natin sa pagtatanggol ng ating mga desisyon at choices sa buhay.

Magiging “somebody” tayo sa pamamagitan ng pagiging kung ano tayo,  it’s only you who makes the choice not anybody else. You dream, dream by yourself, what you want, not patterned after somebody else’s.

Inspire the strength within you, to have a strong foundation to being somebody.

Oo, ikaw na!

—000—

“When there’s no one else, look inside yourself. Like your oldest friend, just trust the voice within. Then you’ll find the strength that will guide your way. You’ll learn to begin to trust the voice within. Yea.” Christina Aguilera

F.B. – Face Balatkayo

Me isa akong friend sa FB who is always posting Bible Verses taken from http://www.biblegateway.com and from http://www.crosscards.com at iba pang mga posts na isinishare niya basta tungkol sa Bible. He is not that close to me, at di rin naman magkalapit ang bahay or bayan namin at maging ang aming rehiyon sa pinas.

Maayos naman ang mga posts niya, halos 2 hanggang tatlo ang posts niya ng ganoong tema. Kaya lang napuna ko na parang hindi ugma sa kanyang inaasal ang mga posts niya. Maraming fould words ang inilalagay din niya sa wall niya. Meron pang ilan na nangaaway talaga siya at personal pa ang atake, hanggang sa amoy ng paa, hiram na gamit, atbpa.

Sabi ko sa sarili ko, Social Media is really a reflection of our true selves. Kung ano tayo, e hindi nating maitatago sa pamamagitan ng pagsishare o pagpopost ng mga motivational or religious na letrato, quotes at mga advises. FB in particular has been abused and become a showroom na ng arrogance, pagyayabang o pangungutya ng ibang tao, in the guise of comments or likes.

Last Friday nabasa ko ke friend sa wall mismo niya na nagpapasend siya sa isang kaibigan ng Certificate of Employment as a Safety Engineer at iiedit na lang daw niya ang pangalan. Ilalagay ang pangalan niya, para sa inaaplayan niyang ibang kompanya dahil mayroon daw namang lalakad ng papel niya. Is this his way of showing what he usually proclaimed as “God loves asks us to be honest” followed by verses like 2 Corinthians 8:21 , Proverbs 19:1 , Proverbs 6:16-20 , 1 Peter 3:10-12  or  Philippians 4:8-9.

When in FB, there are posts and comments that we have to be discreet.

Or better yet, be straight and honest. Truthfully. Sincerely. And GODLY.

Masked behaviour. Split personality.

—-000—

“Trying to blend, trying to vibe. Trying to live just one life. Everybody’s got insanities…I got a split personality. Tell me why can’t I just reach up and simply touch the sky” – Pink

YOU FAILED IN THE TEST

After 2 days ay bumalik ako sa aking Doctor upang malaman ang result ng aking mga Medical Tests at kung ano ang gamot at payo niya. Naupo ako sa waiting area after na sabihin ko sa assistant niya na naroon na ako.

After about 15 minutes, tinawag ako at kinuha ang BP ko, it’s 120/80 normal pero sabi ko ay masikip ang dibdib ko at parang sinasakal. She examined me again, pinisil pisil ang leeg, pinabuntunghininga, pina-ahhhhh, pinukpok ang tuhod at ini-stethoscope ang harap at likod. Then her assistant took out the results ng aking Medical Tests.

She told me that my Sugar, CBC, Na, K, Ca, Uric Acid, etc are all normal and that I am doing very well in my exercises. But the results of my Thyroid Stimulating Hormone (TSH) Test is very bad. She told that I have to take a 1.5 times dose of my usual Euthyrox a day. Then she asked me why I was taking only 100 micrograms when she advised me to take 150 micrograms on my last visit.

I told her that was in 2010, and I had a check up with another doctor in early 2012 who advised me to lower the dosage. However, the blame’s on me because I was not taking my maintenance medicine regularly. During the past 6 months ay maraming beses akong nakakaligta sa paginom ng gamot.

Tapos dinagdagan niya ang sermon niya sa akin (btw, this Doctor really takes care and so concerned about my health) “you have been exercising and working hard, which is good for your health, but your Thyroid is getting stressed, so you should be very careful in taking your medicine. Look at your TSH, T3, T4 tests. You failed.”

Sinagot ko siya nang, “I am sorry Doctor. I did not study my lessons very well that is why I failed in the test.” Hagalpak siya ng tawa. Pati iyong assistant niya ay tawa ng tawa (ROFL baga).

“That’s what makes you healthy and younger. I like your humor.” sagot niya habang sumusulat ng reseta.

I added before I left, “Doctor, from now on I will go back being faithful to my religion (balik loob baga). I will religiously take my medicine everyday.”

“Go home now before I die laughing here!” ang sagot niya.

—000—

“Happiness, is like the old man told me. Look for it, but you’ll never find it all. Let it go, live your life and leave it. Then one day, wake up and she’ll be home.” – The Fray

Chances and notions

I was researching for the office of one upcoming Mega Project in the south of Saudi Arabia and has been going from one area to another in Al Khobar and Dammam. The big lead came from one EPC Contractor which told me that the management office of the project team is holding office inside Aramco community in Dharan.

I went there and started going from one building to another, one office to another, did inquiries, asked around pero di ko matukoy kung saan ang opisina. Then, nagannounce ng salah, sabi ko sa sarili ko, balik na lang ako ng office. Mali yata ang information na ibinigay sa akin. Pero ang aking inquisitive na nature ay di pa rin nasisiyahan, so sabi ko, one more building and pag wala pa rin ay balik office na ako.

Lunch time na pero kako sige, baka me makausap pa rin ako. So pasok ako sa building, pagbungad ko, naku Canteen pala ito. So, labas na uli ako at sabi ko e daan na lang ako sa isang cafeteria at magsandwich na lang ako for lunch. Pero, parang me nagbubulong sa akin na “sabi mo, one building na lang at pag wala pa ring nangyari ay balik office ka na.. bakit di ka pumasok sa canteen, building din iyan…”

So, nagdecide na ako na maglunch, anyway kako, all Aramco Canteen naman ay may fresh vegetable salad. So, kuha ako ng vegetable salad, with French Dressing at Lemon, tapos a piece of Lebanese bread. Kumakain na ako when I noticed na sa kalapit na mesa ay kakilala ko (South African), binati niya ako. Then, lumapit siya sa aking mesa at kinamayan ako. He has another guy sa mesa niya. Kumustahan kami at sinabi nga niya na napalipat na siya rito sa Dharan from Abqaiq.

Tapos tinanong ko siya kung alam niya sa area na iyon ang hinahanap kong Project Team. Narinig ng kasama niya at itinuro sa akin.

Presto! Nasolve ang problema ko.

Kaya pala ako hinatak ng paa ko sa building na iyon. Although it is not an office but a canteen, doon ko pala makakausap ang makapagtuturo ng office na hinahanap ko.

May meaning talaga ang anumang akala natin ay sablay.

Notions.

–000—

“All notions of right & wrong being set alight by him. i stand & watch, mesmerized. only time will tell if conditioning will win or he will.” – Sacred Eastwind

BLOOD TEST

I was instructed by my Doctor to report back to the Hospital for my Laboratory Tests like Ca, K, Na, CBC, ESR, Urinalysis, Thyroid Stimulating Hormone, T3, T4 after my check up last night. Medyo nagalit pa nga ang Doctor kong ito dahil huling check up niya sa akin ay 2010 pa. Ipinaliwanag ko na nagpapacheck up naman ako sa ibang Doctor, during the period na di ako nagpupunta sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, nagkataon na ang aming HR Department ay paiba iba ang kinukuhang insurance provider taon taon.

Dito kasi ay obligasyon ng employer na bigyan ng Health Care ang kanyang mga empleyado at ito ay ginagawa through the Health Insurance Providers. Noong una, maganda ang provider namin, dahil libre talaga lahat, at wala kaming kaproble-problema. Ewan ko kung bakit bigla na lang pinalitan at nagpaiba iba na taon taon. Ayokong pag-isipan ng masama ang aming HR officer na in charge dito, pero since walang logic ang ginagawa, di mo maiwasang di mag-isip ng medyo malisyoso knowing na sa dami ng empleyado namin ay malaking halaga ang ibinabayad namin sa provider buwan buwan.

 Ang masama pa nito, ang mga providers na pumalit ay may share ang emplyeado, which is 20% ng gastos na maiincur sa pagpapagamot. Ito raw ay para madiscourage na laging magpacheck up kahit na wala namang sakit. Talk about health care and disease prevention. Kaya ka nga magpapacheck up para maunahan mo ang sakit. Ang kawawa rito ay ang mga ordinaryong empleyado. Example: May lagnat o masama ang pakiramdam, na kung pupunta ka sa clinic ay reresetahan ka ng Panadol na tig 6 riyals isang kahon of 30 tablets, plus consultation fee of 30 riyals. Magsishare ka ng 7.20 riyals. E di pumunta ka na lang sa botika at bumili ng Panadol. Aba e abunado ka pa, pupunta ka pa at pipila sa clinic.

Balik tayo sa experience ko. Dumating ako sa Hospital ng mga 10am at agad ay iniabot sa akin ng nurse ng doctor ko ang lab test request slip, then punta ng reception at nagbayad ako ng 20% ng total charges. I was given a small sterilized bottle for the urine. Punta ko sa laboratory at buti na lang mga kabayan ang naroon na umaassist. They asked me to wait, pero kuwentuhan kami habang ako ay naghihintay for my turn.

My turn came and the beki nurse told the Med Tech (di ko na sasabihin ang lahi, baka ma racial slur ako) “he is my uncle, take good care of him.” Wow kako sa sarili ko, ipinagbilin pa ako, parang madugo ang laban ko rito a.”

So, pinaupo ako at tinalian ang braso ko, pinitik pitik ang veins sa may alak-alakan ng siko (di ko alam ang tawag doon kaya alak alakan na lang), unang tusok, sablay. Ikalawang tusok, me nakuhang konti. Pangatlong tusok, sablay. Lipat ng kaliwang braso. Pang-apat na tusok, me konti pero di tumuloy. Pang limang tusok, ay sa wakas.. nakuha rin ang tamang volume ng dugo.

After putting band-aid sa mga tusok tusok, sabi ko sa Med Tech: “You made me like a WITCH DOLL punching needle everywhere.” (Ginawa mo akong manyika ng mangkukulam, tusok kahit saan)

He replied, “No Sir! I am practicing my Acupuncture skills on you.”

Boom! Marunong sumagot.

—000—

“Raven hair and ruby lips sparks fly from her finger tips. Echoed voices in the night she’s a restless spirit on an endless flight wooo hooo witchy woman, see how high she flies woo hoo witchy woman she got the moon in her eyes.” – Eagles