BLOOD TEST

I was instructed by my Doctor to report back to the Hospital for my Laboratory Tests like Ca, K, Na, CBC, ESR, Urinalysis, Thyroid Stimulating Hormone, T3, T4 after my check up last night. Medyo nagalit pa nga ang Doctor kong ito dahil huling check up niya sa akin ay 2010 pa. Ipinaliwanag ko na nagpapacheck up naman ako sa ibang Doctor, during the period na di ako nagpupunta sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, nagkataon na ang aming HR Department ay paiba iba ang kinukuhang insurance provider taon taon.

Dito kasi ay obligasyon ng employer na bigyan ng Health Care ang kanyang mga empleyado at ito ay ginagawa through the Health Insurance Providers. Noong una, maganda ang provider namin, dahil libre talaga lahat, at wala kaming kaproble-problema. Ewan ko kung bakit bigla na lang pinalitan at nagpaiba iba na taon taon. Ayokong pag-isipan ng masama ang aming HR officer na in charge dito, pero since walang logic ang ginagawa, di mo maiwasang di mag-isip ng medyo malisyoso knowing na sa dami ng empleyado namin ay malaking halaga ang ibinabayad namin sa provider buwan buwan.

 Ang masama pa nito, ang mga providers na pumalit ay may share ang emplyeado, which is 20% ng gastos na maiincur sa pagpapagamot. Ito raw ay para madiscourage na laging magpacheck up kahit na wala namang sakit. Talk about health care and disease prevention. Kaya ka nga magpapacheck up para maunahan mo ang sakit. Ang kawawa rito ay ang mga ordinaryong empleyado. Example: May lagnat o masama ang pakiramdam, na kung pupunta ka sa clinic ay reresetahan ka ng Panadol na tig 6 riyals isang kahon of 30 tablets, plus consultation fee of 30 riyals. Magsishare ka ng 7.20 riyals. E di pumunta ka na lang sa botika at bumili ng Panadol. Aba e abunado ka pa, pupunta ka pa at pipila sa clinic.

Balik tayo sa experience ko. Dumating ako sa Hospital ng mga 10am at agad ay iniabot sa akin ng nurse ng doctor ko ang lab test request slip, then punta ng reception at nagbayad ako ng 20% ng total charges. I was given a small sterilized bottle for the urine. Punta ko sa laboratory at buti na lang mga kabayan ang naroon na umaassist. They asked me to wait, pero kuwentuhan kami habang ako ay naghihintay for my turn.

My turn came and the beki nurse told the Med Tech (di ko na sasabihin ang lahi, baka ma racial slur ako) “he is my uncle, take good care of him.” Wow kako sa sarili ko, ipinagbilin pa ako, parang madugo ang laban ko rito a.”

So, pinaupo ako at tinalian ang braso ko, pinitik pitik ang veins sa may alak-alakan ng siko (di ko alam ang tawag doon kaya alak alakan na lang), unang tusok, sablay. Ikalawang tusok, me nakuhang konti. Pangatlong tusok, sablay. Lipat ng kaliwang braso. Pang-apat na tusok, me konti pero di tumuloy. Pang limang tusok, ay sa wakas.. nakuha rin ang tamang volume ng dugo.

After putting band-aid sa mga tusok tusok, sabi ko sa Med Tech: “You made me like a WITCH DOLL punching needle everywhere.” (Ginawa mo akong manyika ng mangkukulam, tusok kahit saan)

He replied, “No Sir! I am practicing my Acupuncture skills on you.”

Boom! Marunong sumagot.

—000—

“Raven hair and ruby lips sparks fly from her finger tips. Echoed voices in the night she’s a restless spirit on an endless flight wooo hooo witchy woman, see how high she flies woo hoo witchy woman she got the moon in her eyes.” – Eagles

2 Comments

  1. ganyan din nangyari saken as in tusok ng tusok pero ala makuha sav q marun0ng kba o ndi sav hirap daw hanapin kc pagkatapos nya ng 4times na try un ok na pero namu0 ung dugo at ang laki ng pasa sa kamay q kaya sa midle east ndi lhat ng doktor o nurse mapagkakatiwalaan,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s