Happy Birthday Nanay!

Ilang taon ka na nga ba Nanay? Di ko na matandaan. Dalawang bagay lang iyan, maaaring nakalimutan ko kung anong taon ka isinilang, o dahil sa tagal na di mo ako nakakasama, nakakahuntahan, nayayakap at tulad ng madalas mong gawin ang paghaplos sa aking buhok ay di ko na maalala.

Sa mahigit kong 50 taon sa mundo, halos 20 lang dito ang ikaw ay kasama ko. But those years are most memorable at may tama hanggang ngayon dito sa puso ko. You have been so supportive and caring of me.

nana

Naalala ko noong ako ay high school pa, pag Linggo ng hapon, paspas ka sa pagpaplantsa sa de uling na plantsa, sa aking mga damit na dadalhin pagpunta sa bayan. Ang pawis mo, ang kasiyahan sa mukha habang sinasabi mong “ingat ka roon, sa Sabado ka na naman namin makakasama, tumulong sa gawaing bahay kina Tita Dely mo ha..”, ang yakap mo sa akin habang akma akong magmamano paguwi ko ng Sabado. Ang paghilot mo sa paa ko dahil sa 15 kilometro kong nilakad sa riles ng tren pauwi mula sa bayan dahil walang masakyan.

Ang iyong pagaalala noong ako ay magkatrangkaso, ang katuwaan mo sa uwi kong pinagong na tinapay, ang iyong pagindak habang ako ay umaawit at ang iyong pagluha noong ako ay hindi makapagpatuloy ng College dala ng ating kahirapan.

Napakadakila mo Nanay.

  1. Napakamaaruga – you have been more concerned about me and my sisters even if you lose rest and sleep. Sinisiguro mo na ang mga kailangan namin ay iyong personal na naibibigay, mula sa pagluluto ng aming pagkain, hanggang paglalaba at pagpaplantsa ng damit.
  2. Napakamapagmahal – mula noong ako ay bata pa, wala akong narinig sa inyo kundi ang kung gaano ninyo ako kamahal, gaano kalaki ang tiwala ninyo sa aking kakayahan, at kung gaano mo ako ipinagmamalaki.
  3. Napakamapaglingkod – ikaw ang laging nagpapahuli sa anumang pagtitipon natin, para magligpit, maghugas o maglinis. Kahit ang pagsusuot namin ng damit at ang pagsiguro na maayos ang aming hitsura.
  4. Guro – feeling Jose Rizal ako noong bago ako tumuntong ng eskuwelahan. Anong panama ng NPK Schools sa pagtitiyaga mo sa aking matuto ng Abakada at sumulat ng pangalan. Una mong sinabi noong bago pa ako natututong sumulat na ako ay magiging Doktor paglaki dahil sa aking panulat, ngunit binago mo ito at sinabi mong magiging Engineer ako noong marunong at maayos na ang aking sulat.
  5. MakaDiyos – sa iyo ko natutuhan na magdasal bilang pagsisisi kapag nakagawa ako ng kapilyuhan o kasalanan. Tinuruan mo ako ng Katon at Katesismo at inilagay mo sa aking isipan ang paglilingkod sa kapuwa at sa Panginoon. Inilagay mo sa aking puso ang pagiging mapagpatawad.
  6. Responsible – di ba ikaw ang original na Dina Bonnevie Nanay.. nag-asawa at the age of 14, puwede pa noong panahon ninyo ni Tatay e. Ganun pa man kahit bata ka nagasawa,  iba ang iyong bahagdan ng pagiging responsible Nanay.. ito ay ang pagpapatibay sa aming sarili upang maging isang responsableng mamamayan, pamilya at anak ng Diyos.

 

Pinili ko na tumuon sa panahon na ako ay nasa High School sa post kong ito, dahil iyong ang unang pagkakataon na ako ay nawalay sa iyo. Iyon rin ang panahon na unti unti kong naunawaan ang buhay dahil sa iyong gabay, sa iyong pagaalaga at pagsiguro sa aming kalagayang magkapatid.

Habang sinusulat ko ito Nanay ay lumuluha ako habang naalala ko ang kadakilaan mo. Despite my age, umiiyak ako na parang gusto kong magsumbong sa iyo, gusto ko maglambing sa iyo.

Gusto ko muli mo akong yakapin Nanay. Gusto ko muli mong haplusin ang aking buhok.

Gusto ko personal kong sabihin sa iyong “Maligayang kaarawan Nanay!”

At susundan ko ng tanong na.. “ilang taon ka na nga ba?”

—–000—–

‘Mom it’s your birthday. Thanks for all the care and love you give, not to mention the meals,
and times I get kinda’ nervous and forget to tell you how I feel.” – Ashely Tisdale

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s