ANO ANG MAHALAGA SA BUHAY MO?

Isang matagumpay na negosyante ang napasyal sa isang liblib na nayon sa Bicol at dinalaw niya ang isang kaibigan noong siya ay bata pa. Namangha siya sa galing ng kaibigan sa pangingisda, ngunit napansin niya na after ng ilang huli ay babalik na ito sa nayon, ibibenta ang konting huli at magtitira para sa pamilya.

“Bakit sandali ka lang sa pangingisda, bakit hindi ka magtagal ng konti para makahuli ka ng mas maraming isda?” ang tanong ng negosyante.
Sumagot ang kaibigan, ” dito sa huli ko ay sapat na para sa aming pangangailangang mag-anak.”
“E anong ginagawa mo sa rest of your time?” tanong uli ng negosyante.
Nakangiting tumugon ang kaibigan, “Gabing gabi na ako matulog, nakikipaglaro sa mga anak ko, manuod ng basketball, magsiesta kasama ang asawa ko. Madalas ay lakad lakad sa nayon, makipaghuntahan sa mga kaibigan, makipag videoke, tagay ng konti at kinabukasan punta na naman sa dagat para mangisda.”

Sumagot si negosyante. “Teka lang, makakatulong ako sa iyo. Alam mo naman na isa akong matagumpay na negosyante, PhD holder at maraming koneksyon. Bakit hindi ka mangisda ng mahaba habang oras para mas marami kang mahuli. Iyong dagdag na huli ay ibenta mo at kung magkano iyon ay aking tatapatan, para later ay makabili ka ng malaking bangkang pangisda. Pag malaki na ang bangka mo, mas marami kang kita at mas maraming maiipon para bumili ng isa pang bangka, another bangka, ng maraming bangka.”

Nakita nang negosyante na mukhang interesado ang kaibigan kaya nagpatuloy, ” tapos, imbes na ibenta mo sa mga nagtitingi sa palengke, makakapagtayo ka ng sarili mong puwesto, o deretso sa mga nagdedelata, tapos later ay ikaw na ang magkakaroon ng pabrika ng de latang isda. Makakapagpatayo ka ng sarili mong gusali sa Maynila at makakapag-invest ka pa sa ibang negosyo. Magiging milyonaryo ka. Milyon ang kikitain mong pera.”

“Milyones? Talaga? Pero ano ang gagawin ko sa milyones na pera?” tanong ng kaibigan na di makapaniwala sa narinig.

Thinking na kumbinsido na niya ang kaibigan, malakas na sagot ng negosyante, “Makakapagretiro ka after 20 years at mamumuhay kayo ng sagana at masaya ng iyong pamilya. Makakapagpagawa ka ng bahay sa isang tahimik na lugar. Makakatulog ka kung kelan mo gusto, nakikipaglaro sa mga anak at apo, manuod ng basketball, magsiesta kasama ang asawa mo. Maglakad lakad sa nayon, makipaghuntahan sa mga kaibigan, makipag videoke, tagay ng konti at kinabukasan punta na naman sa dagat para magpleasure fishing.”

“Dito na lang ako sa buhay ko ngayon.” ang nakangiting sagot ng mangingisda.

Know what really matters in life, and you may find that it is already much closer than you think.

Things, resources, people and friends ay nasa paligid mo lang upang makamit ang iyong pangarap. It’s just a matter of looking and finding them. Huwag na ilayo ang paningin. Masisilaw ka lang.

—000—

“When people don’t know what you mean. They may laugh at you and call you green. They’ll say your words are stupid. And your plans are only schemes. Truth is simple. But seldom ever seen. Let nothing come between. Simple man, simple dream.” – Linda Ronstadt

Advertisements

Compassion Pinoy Style

Nabasa ko ang isang maikling anekdota tungkol sa compassion at naikompara ko ito sa mga nagdaang mga kalamidad sa Pilipinas. Kung paano ang mga tao ay nagpakita ng compassion in different ways. Mayroong ipinahihiwatig ang awa sa pamamagitan ng pambabatikos sa gobyerno, media, militar, makakaliwa, at sa mismong tao na dumanas ng kalamidad/trahedya. Mayroon naman na ginawang katatawanan ang kalamidad at nagawa pang magpost ng mga bogus na pambabatikos sa ibang relihiyon o sa mga kilalang personalidad. Nagtago sa ibang pangalan which is senyales ng kabaliwan at kaduwagan. Mayroon namang idinaan sa panunuod na lamang at pagiyak sa kalunos lunos na sinapit ng ating mga kababayan. Ang iba naman ay idinaan sa pagdarasal ang kanilang awa sa mga nasalanta

.

Heto ang anekdota tungkol sa compassion at ating salaminin ang sarili kung tayo ba ay nag empathize sa mga kaawa-awa nating mga kababayan.

A young disciple came to ask his master:
Master, what is compassion?
The Master explained:
“An old man was begging at the corner of a busy street.
First, an old lady passed by him and spit at the beggar’s poverty and gave him a gold coin.
Then a merchant noticing that a small group of men were talking about him gave 5 gold coins to the beggar, and quickly left while walking with his head held high and having a haughty smile.
Then later a boy who went to collect some flowers for his mom, passed by the beggar; smiled to him and gave him a flower.
The Master asked his disciple: ‘which one of them do you think, felt the most compassion to the beggar?”
“The merchant did”, replied the disciple.
The Master, smiling continued . . .
“The merchant acted out of pride, the old lady acted out of pity, however the boy felt the real compassion.
“ Compassion is a far greater and nobler thing than pity. Pity has its roots in fear, and sense of arrogance and condescension, sometimes even a smug feeling “I am glad it’s not me”
When your fear touches some one’s pain it becomes pity.
When your love touches someone’s pain it becomes compassion.
Feeling compassion is more essential than showing compassion.
To train in compassion, then, is to know all beings are the same and suffer in similar ways; to honour all those who suffer and to know you are neither separate from nor superior to any one.”

Totoo sa aking pananaw ang sinabi sa anekdotang ito, dahil ang mga binanggit ko sa itaas acted in pity dahil nagpapasalamat at sila ang naapektuhan, in fact, marami ang nagpapasalamat sa Diyos at hindi sa kanila dumaan ang bagyo. Isa pa, lalo na iyong mga magaling bumatikos, feels they are more knowledgeable in bringing help and aid to the victims.

Mas higit na nakiramay ang mga taong tahimik na tumulong kahit na hindi tumanyag ang kanilang pangalan, kahit na sila ay binabatikos, at hindi iniisip na mas mapalad sila sa mga nasalanta.

There are two main ingredients of compassion: RESPECT and LOVE, in any order.

Ang nagmamahal sa kapuwa ay nirerespeto ang kapuwa.

Nagmamahal ng tahimik. Dumadamay ng buong puso.

—000—

“Though nothing will keep us together. We could steal time just for one day. We can be Heroes. For ever and ever. What do you say. I wish you could swim like the dolphins. Like dolphins can swim though nothing will keep us together. We can beat them for ever and ever. Oh we can be Heroes. Just for one day” – David Bowie