KINDNESS SHINES

Dumaan kami sa aking sinilangang nayon upang maibigay ang mga regalo at tulong sa isang pamilya na sa akin ay di nagkait ng tulong noong ako ay nag-aaral kahit na sila ay mahirap lamang. Nang mamatay ang aking tatay at umalis na ang aking nanay at mga kapatid sa aming nayon, ay sila na ang nagsilbi kong pamilya sa tuwing ako ay uuwi.

Nang mga panahong iyon, ang maliit na halaga na iniaabot sa akin ng 3 anak na lalaki bukod pa ang mga pangaral na aking isinasapuso ang isa sa mga nagpatibay sa akin upang makatapos ng pag-aaral at maitaguyod ang aking mga kapatid.

Nakalulugod sa puso ang mga payak na kuwentuhan, at ang labis labis na appreciation sa aking mga pasalubong.

Lalo akong nagalak ng sabihin sa akin ni kuya na “maraming salamat sa ipinadala mo sa aking tulong noong ako ay nagpapagamot ng aking mata, ngayon ay maayos na ang aking paningin at nakakapagtrabaho na uli ako.” At sinundan naman ni ate ng, “salamat din sa tulong mo noong ako ay nagkaproblema sa paglaki ng puso, magaling galing na ako, ituloy ko lamang daw ang pag-iingat sa aking sarili.”

Hindi ako humihingi na pasalamatan nila ako, ako pa nga ang dapat magpasalamat dahil sa mga naitulong nilang pinansyal, moral at mga pampalakas ng loob noong ako ay down na down sa pagkawala ng aking ama at pagpasan ko sa mga responsibilidad sa aking mga kapatid.

Pasa pasa lang ng kabutihan. Dribble dribble ng mga pagtulong. Sure shot ang biyaya. 3 points pa!

–000—

“Kindness don’t ask for much. But an open mind. Kindness can cure a broken heart. Honey are you feelin’ kind. Do you believe in love.” – Ryan Adams

COMMUNICATION NAP

Balik tayo ke Arab Boy na aming tinutulungan para makapag-aral sa pinas. Mabait siya at marunong siyang makibagay kahit na kaninong tao. Marunong siyang magsalita ng tagalog palibhasa at ang karamihan ng customer nila sa kanilang puwesto sa isang mall dito sa Al Khobar ay mga Pilipino.

Lagi rin namin siyang kasama sa mga lakad namin at pag walang pasok ay sa amin siya umuuwi kasama ng aking anak.

raymond-gehman-two-men-walking-a-gravel-road-through-a-forest_i-G-38-3873-6O6JF00Z

Isang araw, habang naglalakad kami papasok sa aming compound ay may nakita akong patay na ibon sa daan. Sabi ko sa kanya, “look, me patay na ibon!”

Tumingala siya at tinanong ako “nasaan, show me?”

—000—

“Communication breakdown, it’s always the same. Havin’ a nervous breakdown, a-drive me insane, yeah.” – Led Zeppelin

KINDNESS ABOUNDS IN SMALL PEOPLE

Umalis kami ng Hondagua ng mga 330 AM heading for Bicol at noong papalabas na kami ng Barangay napansin ko na bukas pa ang Bakery ng mag-asawang Coli at Udong. Ang magasawang ito ay childhood sweethearts, elementary pa lang yata ay magsing-irog na. Mas nakakabatang kapatid ang turing ko sa kanila, although the last time I played with them ay noong sila ay mga 6 years old pa lang at ako ay nasa College na.

Ang kanilang magulang ay kaibigan ko lalo na ang kay Udong dahil sila ang lagi na ay iba ang bati sa akin kapag ako ay nakikita sa Hondagua. Hindi iyong usual na “Uy, kailan ka pa dumating? Kumusta na?” kundi, “kumusta na ang kalusugan mo, ang nanay mo, ang mga kapatid mo?” They care much for my health kasi raw nakita nila kung paano ako naghirap noon sa pagaaral at worried sila na baka ako ay walang kinakain dahil nga payat ko noon.

Lumabas ng nakaawang na pinto ng bakery si Coli at tinanong ko, “may luto ng pandesal?” hoping na may nakakain ako habang daan, at least gising ako.

“Ay si Kuya, kumusta ka na? Wala pang luto e. Udong si Kuya o, ang agang aalis. Teka Kuya kahit walang pandesal, sandal lang.” Nagmamadali siyang pumasok at si Udong naman ay kinumusta ako at sinabing bakit daw sandali lang kami. Kako e bibyahe pa ng Bicol e.

Nagpaalam  ako bago ako nakapagpatakbo ng sasakyan ay inabutan ako ni Coli ng isang supot na may nakalagay na dalawang maliit na kahon.

Nagpasalamat ako kay Coli at sinabi naman niya na “ingat kuya, God bless you..” off I drove towards Bicol. Binuksan ko ang kahon at nakita ko na ang laman ay ang masarap na Tikoy Hondagua.

Ni hindi ko man lang naabutan ng pasalubong si Coli. Napakabuting tao.

Maraming kabutihan sa mundo ang nanggagaling sa maliliit na tao.

—-000—-

“Don’t walk around the down and out. Lend a helping hand instead of doubt. And the kindness that you show every day. Will help someone along their wa. You got to try a little kindness, yes show a little kindness. Just shine your light for everyone to see. And if you try a little kindness, then you’ll overlook the blindness. Of narrow-minded people on the narrow-minded streets.” – Glenn Campbell

SOCIAL PAGE MOTIVATION

Social media refers to interaction among people in which they create, share, and/or exchange information and ideas in virtual communities and networks. The most important aspect is sharing and figuring out how to encourage more sharing is the most difficult part.   

Dahil sa ang social media is free at pinaliit ang mundo, pinabilis ang contact, pinadali ang pakikipagtalastasan, at pinagaan niya ang pag-abot sa mga kaibigan, kamag-anak atbpa, ang unang hakbang para maencourage ang lahat to share ay ang paglalatag ng mga “sharing options” 

Alisin mo ang mga options at tiyak na ang interest ay mawawala. Natural na kasi sa tao na since ang social media ay pang-aliw o dibersyon from work, and  you allow the human mind to think something is work, it’ll avoid it as if it was work. Katulad iyan ng company emails na work ang turing pag nagbasa, pero kong social email ay maaliwalas ang mukha ng bumabasa. Kaya nag-click ang Facebook laban sa iba ay dahil sa kanilang Like at Share options. Kapag ang isang tao ay nagustuhan ang nabasa o nakita, parang gusto niya malaman ng lahat na Like na iyon at isishare pa niya.

Pero kuwidaw ha, marami sa atin ang name-misuse ang paglike at share ha. Ilan sa mga maling likes at share na naobserve ko.

  1. Status ay “may sakit”, “namatayan ng mahal sa buhay”, “nalulungkot” – aba e ilaLike pa e maysakit na nga, namatayan na nga, lungkot na nga.
  2. Status ay may kinagagalitan o nakaaway – lalo nating ginagatungan ang hidwaan sa pagLike. Nawawala ang sense of reasoning at objectivity ng niLike natin kasi akala niya pabor ka sa galit galit niya.
  3. Photos showing na may magarang sasakyan o kagamitan – okay, karapatan ng iba na ipaglantaran kung anuman ang nakamit, lalo na kung sa honest na paraan. Pero ang pagpopost nito ay nagdudulot ng kaibang damdamin sa iba, at naglalagay sa panganib sa nagpost dahil aakalain na na ang yaman na niya, or matatarget ay ang sasakyan niya.
  4. Status ay may binubully – pag niLike natin ito, we are tolerating bullying o pagsisiraan

Pagisipan natin ang mga options na dapat ikonsidera para makaencourage tayo ng maraming talastasan.

•Use humor carefully

• Participate in communities/groups

• Share others’ information

• Ask questions

Our social page account is the reflection of our personality.

—000—

“You’re the one I’ll see tomorrow . Just like yesterday, and today.. They call us best friends, and I know that’s true.. Friends, though and through. . . . ” – Liz Buchanan

CHINA GAB

Siyempre, hindi kompleto ang bakasyon kung hindi mamamasyal o mamimili sa SM o Robinson. Kasama na rin ang manunod ng sine o kakain sa mga kainan sa mga malls na ito. However, habang tinitignan ko ang mga mabibili sa SM at Robinson ay medyo umatras ako. Sa SM in particular halos lahat ng mabibili mo ay Made in China. Hindi ka na magtataka dahil ang owner ay isang Instsik. Ganun din sa Robinson.

Going through some local boutiques naman, Bench is China, ganun din ang Penshoppe, and Levi’s at Dockers ay India, at ang tanging nakasalba ng aking disappointment ay nang tumungo ako sa Rusty Lopez at Otto Shoes. Rusty Lopez and Otto sells about 50% made in Marikina, di mo rin ma 100% kasi nga napakababa ng presyo ng gawa sa Tsina.

At dito natin makikita kung gaano kalaki ang pera sa kalakalan na naiaambag natin sa pagiging rich and powerful ng Tsina. Malakas at mayaman na nakukuha na niya ngayon na mang-angkin ng territoryo sa pamamagitan ng pambubully.

Bakit ang mga Tsinoy Millionaires na ito ay hindi paunlarin ang ating bansa, ipinagmamalaki pa naman nila na sila ay mga Pilipino? Dito sila lumaki at yumaman, bakit instead of mga malls, hotels, restaurants, casinos, condos ang kanilang pinagkakaabalang investments, ay hindi mga industries o agriculture na sana ay magpapatatag ng ekonomiya at seguridad sa pagkain.

Dahil na rin siguro sa “fiesta mentality” nating mga pinoy. Gala. Gimik. Lakwatsa. Laging isasaisangtabi ang trabaho o magbanat ng buto. At ang malls ang pinakamasarap na pasyalan o paglakwatsahan.

We became a country of buyers, mallers, gimikeros/ras, lakwatseros. Kahit na magkabaun baon sa utang, leading to pagnanakaw, makabili lang ng mamahaling damit o makakain sa mamahaling restaurant, makainom ng kape sa mamahaling coffee shops.

At ang karamihan sa mga binibili nating ito ay gawa sa Tsina.

China gab. But makes sense to Patriotism.

—-000—

“Telling lies to our vision. Telling lies to our children. You can’t fool all the people all the time. But if you fool the right ones, then the rest will fall behind.” – Dead Prez

Vacation Blessings

Masama ang loob ko sa kompanya ko dahil nahold ang aking bakasyon ng 8 buwan. Later, ang pagiging positive ko ang nagtake over sa aking pagdaramdam. Naisip ko na may mas magandang pangyayari ang naghihintay sa akin sa aking bakasyon.

It turned out to be a blessing. Dahil natapat ang aking bakasyon sa Pasko at Bagong Taon, dalawang araw na napakahalaga sa pagsasamahan ng pamilyang Pilipino, pamilyang Kristiyano.

But, it was not easy. Bago naapprove ang vacation leave ko, katakot takot na researches, reports at 2 malaking conferences ang pinamahala sa akin ng Boss ko. I don’t know kung sinasadya niya o hindi. Unang schedule ko ay December 6, pero dahil sa December 10 – 12 ay may isang malaking conference – exhibition na sasalihan ng aming kompanya, namove ang aking bakasyon simula nang December 13, aalis ng December 12. December 1 ng magumpisang gumalaw ang aking leave papers, na inapprove ng meari ng kompanya to proceed in the system.

Umasa ako na inaayos na ng Boss ko ang takbo ng documents ko sa system, pero noong December 11 nalaman ko sa aming Secretary na hindi pa pala ito inaapprove ng Boss ko e kinabukasan na ang flight ko. Medyo tinaasan ko siya ng boses at sinabi kong “what is really your problem with me?” Kasi ang feeling ko talagang ayaw niya akong mawala sa office kahit isang araw. Inassure niya ako na gagalaw na sa system ang vacation leave ko. December 12 morning, deretso ako sa Conference at nagulat ako dahil naroon siya. Agad akong tumawag sa HR Coordinator na kaibigan ko at inemail niya sa akin ang update sa system. Naapprove nga ng Boss ko pero 4:57PM na, na in fairness sa HR at Finance ay naaccept nila before the 5:30PM uwian.

Tinawagan ko ang aking Secretary at ang sabi kailangan ako ay nasa office para iclear daw iyong sa Finance at mairelease ang aking VL benefits. May presentation ako ng 11AM, kaya agad akong nagsadya sa office which is about 45mins drive from the conference venue. Ang check ko ay for deposit daw at clearing ay 3PM, e dapat nasa airport na ako ng ganung oras. Pagalit kong kinausap ang aming Head ng Finance (another bully character) sabi ko di ba niya alam na puwedeng iissue as AC Payee at ideposit ko, in 30 seconds puwede ko na mawithdraw. Di raw niya alam, but he agreed sa request ko.

1457741_10201956383928844_1143941505_n

Takbo ng bangko, nawithdraw ko ang VL pay ko, takbo sa conference at sinalubong ako ng Boss ko at sabi ay may meeting kami ng meari ng 1:00PM. After the presentation na minadali ko, I rushed back to the office, dumating ako ng 1:15PM at naghintay ng tawag ng meari. Ang Boss ko ay biglang umalis ng 2:10PM na walang sabi sabi. Tinanong ko ang Secretary ng meari at sabi sa akin ay nasa Riyadh daw mula pa noong December 10. Natawa na lang ako sa panlilinlang ng Boss ko at dali dali na akong nagpahatid sa ever loyal friend kong Sales Engineer namin sa airport.

1524670_10201934861670801_1220175762_n

Noong bakasyon ko, I had bonding moments with my wife, with my youngest son at ang pinakahighlight ay ang pagrereunion naming magkakapatid at nanay, kasama ang aking mga pamangkin. Napasyalan ako sa bahay ng mga Tililings, mga team mates, friends at kasamahan sa church.  Nakapasyal sa mga lugar na gustong puntahan, at nakadalaw ako sa mga kaibigan, kamag-anak at kamag-aral.

Most of all, I had quality moments serving God.

God really blessed me.

—-00000—-

“When friends betray us. When darkness seems to win. We know that pain reminds this heart. That this is not. This is not our home. It’s not our home. ‘Cause what if your blessings come through rain drops. What if Your healing comes through tears. What if a thousand sleepless nights are what it takes to know You’re near.” – Laura Story