GIVE GOD WHAT IS RIGHT, NOT WHAT IS LEFT

Sa isang maliit na bayan ay may tatlong churches at nagiisang bangko.Isang araw ng Lunes, tinawagan ng manager ng bangko ang mga pari at pastor sa tatlong churches na iisa ang urgent na  kahilingan.

“Pakidala lang po rito ang inyong mga koleksyon kahapon. Naubusan pokami ng barya ngayon.”

This speaks well of our attitude sa pagbibigay hindi lamang sa ating simbahan kundi sa ating kapuwa. Kadalasan, ang ating attitude ay ibigay kung ano ang natira (what’s left), o ano ang luma na at hindi na natin kailangan.

Naalala ko noong hinahanap ko ang Nanay ko dahil iniwan kami noong ako ay nasa ikatlong taon sa Kolehiyo. I went to one Home for the Aged to another at iisa ang aking naobserbahan. Take note na matatanda ang mga nakatirang inampon sa mga tahanang ito. Matatanda na sakitin, mahina ang katawan at maraming komplikasyon na dapat ay masustansiya ang mga kinakain. Nakita ko na ang mga donasyon ng mga kilalang kompanya tulad ng sa isang farm ng prutas ay mabubulok ng dalanghita at suha, ang kilalang tsinelas ay mga hindi magkasukat, ang kilalang gatas ay 2 buwan ng expired. Nakakapanlumo, to think na malalaking kompanya ang mga ito.

Kaya nga ang pagbibigay ay dapat na nakalulugod ke Lord, kahit pa ano ang katayuan mo sa buhay.

https://encrypted-tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRON33x2ofxdNx3Pl3bcbgRqg8PEw5GUGHnffIqCDMVvDT0vvVEuw

Ang sagana, taos puso at masayang pagbibigay kay Lord ay patunay na ang namumunga ang espiritu sa ating buhay. Ibinibigay natin kay Lord ang ating panahon, kakayahan, pananalapi at talent. Sa bawat pagbibigay ay ating pinatatatag ang tungkulin bilang mga anak Niya na nagbabahagi sa:

1. Mga naapi (Isaias 1:17)
2. Pagmamahal sa kapuwa (Mateo 22:3)
3. Pagliligtas sa mga naliligaw ang landas (Lukas 19:10)

Anumang bagay na ating tinataglay sa ngayon ay ating ipagpasalamat sa Panginoon, ito may ay sa tingin natin mga kasawian o kalungkutan. God does not change. He remains our father and is after our welfare. Nasa attitude lang iyan kasama na ang attitude ng pagbibigay.

Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago.” (Santiago 1:17)

 —000—

“Give thanks with a grateful heart. Give thanks to the Holy One. Give thanks because He’s given Jesus Christ His Son” – Don Moen

AKO ANG TAMA

Ano ang mga paguugali o attitudes ang naghahatid ng mga haters o nagiging balakid upang ikaw ay magkaroon ng Likers at mapaayo mo ang tao sa iyong way of thinking?   

  • Pagiging HB at paninigaw
  • Pagiging vocal kapag ayaw mo sa ibang tao at naririnig ito ng kaibigan mo
  • Bengador, naninira nang patalikod
  • Palakimkim ng sama ng loob
  • Tsismoso/sa, di mapapagtiwalaan ng lihim
  • Reklamador, laging kunot ang noo
  • Ayaw umamin ng pagkakamali
  • Maliit na bagay ay pinalalaki
  • Mahilig gumawa ng intriga
  • Dishonesty
  • Ayaw na mapapagsabihan o mapapayuhan
  • Sarcastic, mapangutya e mukha namang dikya
  • Cheating/stealing
  • Mapagsamantala, para sa sariling interes
  • Laging naghahanap ng mali ng kapuwa
  • Hindi naaappreciate ang positive values ng kapuwa
  • Mayabang
  • Hindi nakikipagkasundo sa isang pagtatalo, gusto siya lagi ang panalo kahit mali siya
  • Pinagtatawanan ang kakulangan ng iba
  • Nanghihiya ng kapuwa
  • Utak  talangka, aayaw ng may nagtatagumpay
  • Inggitero/tera

Ilan lang iyan sa mga gawi na nakakapanindig balahibo sa ibang tao at nawawalan sila ng gana na makisama sa iyo, magtiwala sa iyo o makipagtulungan sa iyo.

These kill friendship and destroy relationships, at kamumuhian ka ng tao.

At ang pinakamalungkot ay kung ang isang samahan ay masira, o isang oportunidad ay makawala dahil lang sa mga negatibo nating pag-uugali. Doon papasok ang arrogance, at hindi tatanggapin ang pagkakamali.

At itatanggi ang pagkakamali, ang sisisihin ay ang lahat ng nasa paligid.

This isolates him.

Because for him everybody’s wrong except himself.

—000—

“Well I just can’t let you get your way tonight, But deep down inside you know I’m always right.” – Pigeon Detectives

HULI KA BALBON

Naglalaro kami ng basketball with my son, bilas at si Zak. Si Zak ay kapatid ng kaibigan kong Arabo na may puwesto sa isang maliit na Mall dito sa Al Khobar. His brother became a good friend dahil na rin sa suki na niya ako at marami na akong mga kaibigang Pinoy na dinala sa kanyang puwesto. He even became friend with my wife at minsan ay binigyan pa niya ito ng Havaiiana bag na nagulat ako ng malaman ko ang presyo.

Last year, sinabi niya sa akin na gustong mag-aral ni Zak sa Pilipinas. Kung puwede ko raw na matulungan. Kako, walang problema at ibinigay ko ang number at FB account ng aking bunsong anak para magstart na siyang magtanong tanong tungkol sa buhay estudyante sa pinas. Naayos ang mga papers at noong Oktubre ay dumating sa pinas, nakapagenroll at nanirahan sa dorm na tinutuluyan ng aking anak. Pag weekend o bakasyon ay kasama siya ng aking anak sa aming bahay.

He speaks fluent Tagalog na at magaganda naman ang mga grades niya sa mga exams, kaya noong Christmas Vacation ay nasa bahay siya.

Masaya kaming naglalaro ng basketball, natuto na siya at nagustuhan na niya ang laro. Bantay ko ang anak ko at siya naman ay ang bilas ko. Palakpakan ang mga pamangkin ko sa tuwing siya ay makakashoot o makakarebound.

Pinakahighlight ng aming laro ng makita kong nasupalpalan niya ang bilas ko at sumigaw siya:

“Huli ka Balbon!!!”

Mabilis matuto.

—000—

“I need a little more help than a little bit. Like the perfect one word no one’s heard yet.” – Faber Drive