HULI KA BALBON

Naglalaro kami ng basketball with my son, bilas at si Zak. Si Zak ay kapatid ng kaibigan kong Arabo na may puwesto sa isang maliit na Mall dito sa Al Khobar. His brother became a good friend dahil na rin sa suki na niya ako at marami na akong mga kaibigang Pinoy na dinala sa kanyang puwesto. He even became friend with my wife at minsan ay binigyan pa niya ito ng Havaiiana bag na nagulat ako ng malaman ko ang presyo.

Last year, sinabi niya sa akin na gustong mag-aral ni Zak sa Pilipinas. Kung puwede ko raw na matulungan. Kako, walang problema at ibinigay ko ang number at FB account ng aking bunsong anak para magstart na siyang magtanong tanong tungkol sa buhay estudyante sa pinas. Naayos ang mga papers at noong Oktubre ay dumating sa pinas, nakapagenroll at nanirahan sa dorm na tinutuluyan ng aking anak. Pag weekend o bakasyon ay kasama siya ng aking anak sa aming bahay.

He speaks fluent Tagalog na at magaganda naman ang mga grades niya sa mga exams, kaya noong Christmas Vacation ay nasa bahay siya.

Masaya kaming naglalaro ng basketball, natuto na siya at nagustuhan na niya ang laro. Bantay ko ang anak ko at siya naman ay ang bilas ko. Palakpakan ang mga pamangkin ko sa tuwing siya ay makakashoot o makakarebound.

Pinakahighlight ng aming laro ng makita kong nasupalpalan niya ang bilas ko at sumigaw siya:

“Huli ka Balbon!!!”

Mabilis matuto.

—000—

“I need a little more help than a little bit. Like the perfect one word no one’s heard yet.” – Faber Drive

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s