Served. Serves.

I went for a visit to our project in a Utility Company in Jubail.

The security guards are strict, tinanong ako ng  ilang beses kung ano ang sadya namin sa kanilang kompanya. And even if I showed them the copy of the request for gate pass, hindi kaagad kami pinatuloy sa Visitor’s Area.

Naghintay kami ng mga 10 minutes bago dumating ang coordinator ng manager at punta kami sa receptionist.

Ang receptionist sa tingin ko ay mga 60 years old na at mabagal ng kumilos.  He took our Iqamas and started copying the iqama number and the name.

Ang tagal niya magsulat. Nagulat ako ng ilabas niya ang magnifying glass para mabasa ang aming Iqama. Noon lang niya naisulat ang details at nakapagissue ng gate pass.

I told my companion, “this is an old plant, and the employees are old..”

He answered, “the plant maybe old, but it has served the community for more than 40 years, and continues to give potable and clean water to the people.”

Then I added, “the receptionist maybe old, but it has served this company for so long and even continuous to provide the honest service his way.”

—000—

“No I won’t give up. I don’t wanna be someone who walks away so easily. I’m here to stay and make the difference that I can make.” – Jason Mraz

Know how to be grateful?

Isang kaibigan ang tumawag sa akin at nakiusap na tulungan ang kanyang pinsan na mapasok sa alin man sa mga kompanya na aming siniserve. Sabi ko isend nya ang CV at ang position na gusto aplayan at ipapasok ko sa aming Recruitment Section.

He sent it and I talked to our Recruitment Personnel na ayusin ang papers ng pinsan niya para maipasok sa isa naming kliyente, isang bagong kompanya ng Petrochemicals. I talked to the Recruitment Manager and told him na kailangan ko tulungan ang tao kaya palusutin na niya.

After 3 months, I went to my friend’s office dahil may meeting ako sa isa sa mga Boss nila.

Immediately ay tinanong ako ng kaibigan ko, “anong nangyari sa application ng pinsan ko, bakit wala pang resulta e ang tagal na..”

Sagot ko, “pasensya na hindi pumasa ang pinsan mo e, nabanggit ko naman sa iyo na kelangan ay at least 5 years experience sa Oil & Gas o Petrochmicals e.

Pagalit na sagot niya sa akin, “e dapat inayos mo, kung tutulungan mo, lubusin mo na, dapat siguruhin mo na matatanggap.”

Pabuntunghininga kong tugon, “please appreciate na ginawa ko nang makiusap sa Recruitment Manager namin para palusutin pinsan mo.” “Kinausap ko rin ang Manager ng Kompanya na ipinapasok ko siya, pero baka naman daw sila ang mawalan ng trabaho kung papalusutin ang pinsan mo. Di talaga puwede dahil wala pang karanasan ang pinsan mo sa work sa Petrochemicals. I did something to help you, help him. Di ko masisiguro na matatanggap siya.”

Sabay tayo ko at umalis na ako.

Hindi na ako muling nakipagusap sa kanya.

—-000—-

“I’m so grateful for everything you’ve ever givin’ me. How can I explain what it means to be loved by you.” – Paul Mc Cartney