Know how to be grateful?

Isang kaibigan ang tumawag sa akin at nakiusap na tulungan ang kanyang pinsan na mapasok sa alin man sa mga kompanya na aming siniserve. Sabi ko isend nya ang CV at ang position na gusto aplayan at ipapasok ko sa aming Recruitment Section.

He sent it and I talked to our Recruitment Personnel na ayusin ang papers ng pinsan niya para maipasok sa isa naming kliyente, isang bagong kompanya ng Petrochemicals. I talked to the Recruitment Manager and told him na kailangan ko tulungan ang tao kaya palusutin na niya.

After 3 months, I went to my friend’s office dahil may meeting ako sa isa sa mga Boss nila.

Immediately ay tinanong ako ng kaibigan ko, “anong nangyari sa application ng pinsan ko, bakit wala pang resulta e ang tagal na..”

Sagot ko, “pasensya na hindi pumasa ang pinsan mo e, nabanggit ko naman sa iyo na kelangan ay at least 5 years experience sa Oil & Gas o Petrochmicals e.

Pagalit na sagot niya sa akin, “e dapat inayos mo, kung tutulungan mo, lubusin mo na, dapat siguruhin mo na matatanggap.”

Pabuntunghininga kong tugon, “please appreciate na ginawa ko nang makiusap sa Recruitment Manager namin para palusutin pinsan mo.” “Kinausap ko rin ang Manager ng Kompanya na ipinapasok ko siya, pero baka naman daw sila ang mawalan ng trabaho kung papalusutin ang pinsan mo. Di talaga puwede dahil wala pang karanasan ang pinsan mo sa work sa Petrochemicals. I did something to help you, help him. Di ko masisiguro na matatanggap siya.”

Sabay tayo ko at umalis na ako.

Hindi na ako muling nakipagusap sa kanya.

—-000—-

“I’m so grateful for everything you’ve ever givin’ me. How can I explain what it means to be loved by you.” – Paul Mc Cartney

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s