Another Father’s Sacrifice

I had a meeting with the Department Head of a Design and Engineering Company and I met a friend na dati ay nasa kalabang kompanya.

Binati ko siya at ang sabi ko sa kanya, “akala ko ba exit ka na sabi mo noong huli tayong magkita?”

“Mahabang kuwento pare. Tagal nga kitang hinahanap para makuwento ko sa iyo ang nangyari, ” sagot nya.

“Ano ba ang nangyari? I know that retirado ka na at kamo ay magtatayo ka na lang ng talyer sa inyo sa Batangas.”

Inaya niya ako sa pantry at magkape raw kami. I prepare tea with milk at nagumpisa na siya magkuwento.

“Di ba kako magreretiro na ako dahil gagraduate na ang bunso ko. Nakaalis ako ng January at tama naman kako sa graduation ng anak ko sa Abril. Hindi ganun ang nangyari pare,” sinundan niya ng buntong hininga.

“Me nangyari bang di maganda? Di mo ako naPM o naemail man lang, ” pakli ko.

“All along kasi, akala namin ay nag-aaral ng maayos ang bunso ko. Me mga grades na ibinibigay na pasado naman siya. Noong sinabi ko na magreretire na ako kasi gagraduate na siya, tumututol siya. Magstay pa raw ako at balak niya na dito rin magwork. Pero nagretire nga ako.” Ang kanyang patuloy.

“Ang sarap ba ng damdamin pare na ikaw ay pauwi na after 18 years mo nang pagtatrabaho dito. Iyon na iyong reward sa sakripisyo mo. Kapiling mo na asawa mo. Tapos na ang mga anak. At enjoy na lang the rest of your life. Pero para akong binagsakan ng langit paguwi ko.” Ang medyo gumagaralgal niyang pagpapatuloy.

“Hindi rin alam ng asawa ko kung ano talaga ginagawa ng bunso ko. Isinusumbong na ng isa naming anak na babae na madalas na may nakakakita sa kanya sa Videoke Bar at kinausap niya ang isang professor nito at sinabi na bagsak nga. Pero pag tinatanong si bunso, me ipinakita namang katibayan na pasado siya. Lingid sa aming lahat ay nalululong na pala ito sa barkada. Ang masama nito pare ang barkada niya ay pakawala ng sindikato. Nalaman nila lahat ng background ni bunso. Na may amang nasa abroad, may nabiling mga lupa at may sasakyan. Noong umuwi ako, nawala siya. Sort of kinidnap siya ng barkada niya at pinatubos sa amin. Nalito ako. Di ko alam ang gagawin. Kahit ang mga anak ko at asawa ko. First time nangyari ito sa amin. Di naman kami kasi nagpo flaunt na ako ay nasa abroad. Simple lang ang buhay namin. Ang bunso ko, siguro panay ang kuwento. Ang pagyayabang. Napagkasunduan namin na ibigay ang gusto ng barkada niya. Nagbayad kami. Napabalik siya sa amin. Marami raw pahirap ang ginawa sa kanya.” Basag na ang boses ng kaibigan ko ng moment na ito.

“Nagsisisi ang bunso ko. Sinuntok siya ng kapatid niya. Namagitan ako. Hindi siya nakagraduate dahil almost 34 units pa pala ang hindi nya nakukuha. I decided to bring him sa Nanay ko sa Cebu. Doon siya magpapatuloy ng pagaaral.”

“Nagalit ang mga anak ko. Bakit pa raw siya susuportahan ay gumawa na ng kalokohan. Sabi ko, di ninyo alam ang damdamin ng isang ama. Kung di ko siya susuportahan, paano pa siya makakabangon. Ganyan ang ama, laging nakaalalay sa anak, anuman ang ginawa niyang masama. Kaya heto ako pare, kayod pa rin para sa kanya.” Ang kanyang mapait na ngiti.

“Well kako, this maybe a lesson for your son. Sana makabangon siya at di pa huli ang lahat. Ang magagawa ko pare ay pasyalan ka lagi. Ibabalik ko Tennis ko. Laro uli tayo at sama ka sa mga community activities ko. Dalhan kita next week ng gawa kong Atsrang Ampalaya. At God bless you pare. Saludo ako sa iyo!” Ang alo ko sa kanya.

“By the way pare, ipinadala niya sa akin mga grades niya. Matataas pare. ” Masaya niyang tugon.

“At authentic pare. Hindi fake.” Ang kanyang habol.

“I guess that’s just part of loving people: You have to give things up. Sometimes you even have to give them up. For them.”  ― Lauren Oliver

—000—

“Carry on my wayward son. There’ll be peace when you are done. Lay your weary head to rest. Don’t you cry no more no! Carry on, You will always remember
Carry on, Nothing equals the splendor Now your life’s no longer empty. Surely heaven waits for you.” – Kansas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s